Maraming salamat sa mga nagbabasa! Comment down guys para mas ganahan ako hehe and baka naman po pwede kayo mag rate ng 5 star sa story if nagugustuhan niyo po daloy ng kwento! Thank you so much po!
“MAY pag-asa pa ba na mawala ang sakit niya?” “Hindi pa sigurado Ian. Sa ngayon inaantay lang ‘din namin ang result ng test niya sa hospital.” Iyan ang huling usapan nila ni Edwin bago siya tuluyang umalis sa kanilang bahay. Naiwan si Vince sa kanilang bahay habang si Rocky naman ay kasama na niya pabalik sa ospital.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Sigurado siya na malulungkot ito sa ibabalita niya dito. Kahit pa na alam na nila ang masayang balita na buhay ang kaniyang ate Selene ngunit kaakibat naman nun ay ang pagkakaroon ng sakit ng kaniyang ama. “Kuya Ian!” Masayang bati ni Caroline ng makita niyang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kapatid. Kahit na bago iyon kay Caroline ay masaya siya’t tila isang normal na bagay iyon sa kaniya, ang tawagin itong kuya. Walang nakagisnan na kapatid si Caroline at lumaki siyang naging pasanin ang lahat ng responsibilidad kung kaya pinangarap niya ‘rin ang pakiramdam ng magkaroon ng nakakatandang kapatid. Ngayon na ibinig
“THEY already leave the Philippines.” “What?!” tayong sabi ng kausap ni Ivan ng ibalita niya dito ang bagay na iyon. “What did Ian do?” “Hindi niya inabutan sila Luna, umalis na nag eroplano at hindi nalaman ni Luna ang totoo.” “Stupid.” Inis na sabi ng babae at agad umalis mula sa kaniyang kinalalagyan. “Saan ka pupunta?” pigil na sabi ni Ivan dito. “Canada. Sigurado ako na doon pupunta si Luna, kailangan ko siyang kausapin.” Napakunot ang noo ni Ivan dahil sa sinabi nito at hinarap ito ng maayos. “For what? Siguradong pupuntahan ni Ian ang mag-ina niya, hayaan mo siya ang umayos ng gusot na ginawa niya.” “Sinong nagsabi na gusot ng kapatid ko ang aayusin ko? Alam mong bukod doon ay may isa pa akong mission.” Seryosong sabi ni Selene na ikinabitaw ni Ivan sa kaniyang braso. Bakit nga ba niya nakalimutan ang bagay na iyon? Yes, alam na ni Ivan na buhay ang babaeng pinakamamahal niya. Noong araw na makita niya itong nakamasid sa kaniya ay hindi siya nagdalawang isip na huluhi
“WELCOME to Canada!” Iyan ang sumalubong kina Celine, Luna at Lisa ng nakarating sila sa kanilang destinasyon. Pagod pa ang mga ito sa mahabang oras ng byaheng itinagal nila sa eroplano kaya balak ng mga ito na magpahinga sa oras na makarating sa kanila. “Luna! Celine!” Masaya silang sinalubong ni Riri ng makalabas sila sa airport. “Tita-ninang!” masayang sabi ni Celine at niyakap ito na ikinatawa ni Riri. “Miss na miss mo ako ah?” Sunod-sunod namang tumango si Celine dito na ikinagulo lang ni Riri sa buhok ng inaanak. Matapos nilang magyakapan ay si Luna naman ang niyakap ni Riri. “Kumusta bruha ka kahit na alam kong hindi ka okay?” “Alam mo naman pala ba’t pa kailangan magtanong?” irap na sabi ni Luna na ikinatawa nito. “Buti nga kinamusta pa kita e,” Napailing nalang si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan at hinarap si Lisa upang ipakilala ito sa kaibigan. “Riri, meet Lisa. Lisa, si Riri matalik kong kaibigan.” “Nice to finally meet you Lisa! Nakwento ka saakin
SINAMPAL ng katotohanan si Luna matapos niyang marinig ang side ni Celine. Pinagalitan pa siya ng anak na hindi nakikinig sa kaniya dahil makailang ulit na itong sumubok sabihin sa kaniya ang totoo. Pero kahit na ganon ay naiintindihan pa ‘rin naman ni Celine ang ina lalo na’t nasaktan lang ito. “Ano nahimasmasan ka na ba?” tanong na sabi ni Riri matapos siyang painumin ng malamig na tubig. Tumango ng marahan si Luna at napayuko. “I’m sorry guys… masyado lang akong nagpakain sa pain na naramdaman ko.” Umiling si Celine sa isinabi ng kaniyang ina at hinawakan nito ang kamay niya. “Mommy, it’s okay. Siguradong maiintindihan ka ‘rin ni daddy lalo na’t alam niya ‘rin na nasaktan ka namin. Nang sabihin samin ni tito-ninong ang tungkol sa nararamdaman mo ay sasabihin na sana namin ang totoo kaso ayun na nga po. Alam ko naman po na mali ‘din ang plano namin ni daddy kaso tapos na po, wala na tayong magagawa.” Sunod-sunod na tumango si Lisa at Riri sa sinabi ni Celine na ikinangiti
“Hi! What can I do for you?” ngiting tanong ni Luna sa nakatalikod na taong iyon. Nang humarap ito sa kaniya ay nagtaka siya kung bakit balot na balot ito. Nakasuot ito ng jacket, face mask at maging ang hood nito ay suot-suot ‘din. Naalarma naman si Luna dahil doon kung kaya napahigpit ang kapit niya sa gate at isasarado na sana ngunit napahinto siya ng lumitaw ang anak at magsalita. “My savior!” “Celine!” pipigilan niya sana ang anak sa paglapit sa taong iyon ngunit wala siyang nagawa ng tumakbo ito papunta sa nasa labas ng gate nila at niyakap ito. Ngunit ng marealize niya ang tinawag nito dito ay nagtaka siya. “My savior?” tanong niya. “Hi Celine, did you miss me?” masayang sabi ng misteryosong tao na iyon at nasisisguro ni Luna na babae ang nagsalitang iyon. “Yes po! Tinupad niyo ang promise niyo sakin na magkikita tayo ulit!” bibong sabi ni Celine na lalong ikinataka ni Luna. Hindi ganoon ang anak sa mga stranger lalo na katulad ito ni Sebastian na akala mo pinagb
HINAYAAN muna nila Sebastian na mag-usap ang mommy at daddy niya. Si Selena na ‘rin ang nagpaliwanag ng lahat simula ng mawala siya at mawala ang kaniyang ala-ala. Hindi akalain ni Ricci na ganoon kabigat ang pinagdaanan ng asawa lalo na ang magkasakit ito. Ipinakilala na ‘rin ni Selena si Caroline at ikinuwento nito ang lahat ng ginawa nito para sa kaniya. Nahihiya pa nga si Caroline dahil syempre iyon ang daddy ni Sebastian ngunit hindi niya akalain na yakapin siya nito bigla at magpasalamat sa kaniya. Kung hindi ‘daw dahil sa kaniya ay baka hindi na niya nakita ang asawa. Isinagot lang nito na ganoon niya kamahal ang ina. Bago pa masabi ni Selena na aampunin na niya ng tuluyan si Caroline ay naunahan na siya ng asawa dahil hindi ito papayag na hindi maging Anderson si Caroline. Napangiti si Selena doon dahil hindi pa ‘rin talaga nagbabago ang asawa, ngunit si Caroline ay hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Maraming salamat po, pero ayoko po sana palitan ang apilyido ko. Ako nala
TAHIMIK na kumakain sila Luna sa hapagkainan at tanging si Celine lang ang nagsasalita sa kanila. Panay ‘din tingin ni Luna, Riri at Lisa kay Selene na pansin na pansin ng dalaga. Noong una ay hindi niya iyon pinapansin hanggang sa mapairap siya at magsalita na. “Guys, totoo ako hindi ako multo okay?!” Alam kasi ni Selene ang tumatakbo sa isip ng mga ito lalo na’t unang tanong ni Riri sa kaniya kung hindi ba siya multo. Dahil gumawa na siya ng research tungkol sa mga ito ay alam niya na ganoon ang maiisip ng mga ito. “*Ehem* Naninigurado lang kami,” upong deretsyo na sabi ni Lisa na ikinatawa ni Celine kaya maging si Selene ay nahawa sa kaniyang pamangkin. “Tita ‘wag mo na po sila pansinin, mga OA po ‘yan.” Natawa lalo si Selene dahil sa sinabi nito at tumango. Nang matapos silang kumain at nagpunta sila sa sala’s para doon mag-usap. “Unang-una sa lahat, buhay ako okay? Hindi ako namatvy dahil palabas lang ang lahat ng iyon. Kinailangan kong gawin ‘yun para hindi mag-alala
“AKO na ang magbubukas,” Sabi ni Riri at naglakad ito papunta sa pintuan. Pagbukas ni Riri ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang kaniyang boyfriend kasama si Vince at Sebastian. “Hi babe,” alanganing bating sabi ni Rocky ng makita ang kaniyang girlfriend ngunit hindi pa niya nasasagot ang lalaki ng magsalita si Sebastian. “Where is Luna and Celine?” tanong niya dito ngunit katulad ulit kanina ay hindi siya nito inintay na makasagot at basta-basta nalang itong pumasok sa loob. “Sana ‘di ka nalang nagtanong,” simangot na sabi ni Riri na ikinailing ni Vince. “Pagpasensyahan mo na Riri,” sabi nito kay Riri at sumunod sa kaibigan habang si Rocky naman ay nilapitan ang kasintahan. Si Selene at Luna ay nakatayo lamang sa kanilang kinalalagyan at inaabangan kung sino ang papasok sa pintuan na iyon. Maya-maya pa ay pumasok si Sebastian na ikinatayo ng ayos ni Luna. Lumibot ang mata ng lalaki sa loob at agad na naglanding iyon kay Luna na siyang matagal na niyang hindi nakikita. Pakiramdam