HINAYAAN muna nila Sebastian na mag-usap ang mommy at daddy niya. Si Selena na ‘rin ang nagpaliwanag ng lahat simula ng mawala siya at mawala ang kaniyang ala-ala. Hindi akalain ni Ricci na ganoon kabigat ang pinagdaanan ng asawa lalo na ang magkasakit ito. Ipinakilala na ‘rin ni Selena si Caroline at ikinuwento nito ang lahat ng ginawa nito para sa kaniya. Nahihiya pa nga si Caroline dahil syempre iyon ang daddy ni Sebastian ngunit hindi niya akalain na yakapin siya nito bigla at magpasalamat sa kaniya. Kung hindi ‘daw dahil sa kaniya ay baka hindi na niya nakita ang asawa. Isinagot lang nito na ganoon niya kamahal ang ina. Bago pa masabi ni Selena na aampunin na niya ng tuluyan si Caroline ay naunahan na siya ng asawa dahil hindi ito papayag na hindi maging Anderson si Caroline. Napangiti si Selena doon dahil hindi pa ‘rin talaga nagbabago ang asawa, ngunit si Caroline ay hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Maraming salamat po, pero ayoko po sana palitan ang apilyido ko. Ako nala
TAHIMIK na kumakain sila Luna sa hapagkainan at tanging si Celine lang ang nagsasalita sa kanila. Panay ‘din tingin ni Luna, Riri at Lisa kay Selene na pansin na pansin ng dalaga. Noong una ay hindi niya iyon pinapansin hanggang sa mapairap siya at magsalita na. “Guys, totoo ako hindi ako multo okay?!” Alam kasi ni Selene ang tumatakbo sa isip ng mga ito lalo na’t unang tanong ni Riri sa kaniya kung hindi ba siya multo. Dahil gumawa na siya ng research tungkol sa mga ito ay alam niya na ganoon ang maiisip ng mga ito. “*Ehem* Naninigurado lang kami,” upong deretsyo na sabi ni Lisa na ikinatawa ni Celine kaya maging si Selene ay nahawa sa kaniyang pamangkin. “Tita ‘wag mo na po sila pansinin, mga OA po ‘yan.” Natawa lalo si Selene dahil sa sinabi nito at tumango. Nang matapos silang kumain at nagpunta sila sa sala’s para doon mag-usap. “Unang-una sa lahat, buhay ako okay? Hindi ako namatvy dahil palabas lang ang lahat ng iyon. Kinailangan kong gawin ‘yun para hindi mag-alala
“AKO na ang magbubukas,” Sabi ni Riri at naglakad ito papunta sa pintuan. Pagbukas ni Riri ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang kaniyang boyfriend kasama si Vince at Sebastian. “Hi babe,” alanganing bating sabi ni Rocky ng makita ang kaniyang girlfriend ngunit hindi pa niya nasasagot ang lalaki ng magsalita si Sebastian. “Where is Luna and Celine?” tanong niya dito ngunit katulad ulit kanina ay hindi siya nito inintay na makasagot at basta-basta nalang itong pumasok sa loob. “Sana ‘di ka nalang nagtanong,” simangot na sabi ni Riri na ikinailing ni Vince. “Pagpasensyahan mo na Riri,” sabi nito kay Riri at sumunod sa kaibigan habang si Rocky naman ay nilapitan ang kasintahan. Si Selene at Luna ay nakatayo lamang sa kanilang kinalalagyan at inaabangan kung sino ang papasok sa pintuan na iyon. Maya-maya pa ay pumasok si Sebastian na ikinatayo ng ayos ni Luna. Lumibot ang mata ng lalaki sa loob at agad na naglanding iyon kay Luna na siyang matagal na niyang hindi nakikita. Pakiramdam
Hindi naman siya binigo ni Sebastian dahil niyakap ‘din siya ng mahigpit nito. “I miss you my baby girl. Soryy kung natagalan si daddy at hindi ko kayo inabutan sa airport but trust me nanggaling ako doon. Kaso nakaalis na kayo,” Humiwalay si Celine sa kaniyang ama at umiling dito. “It’s okay daddy. Naniniwala pa ‘rin ako na susundan mo kami dito kaya hinayaan ko nalang ‘din si mommy sa gusto niya.” Napangiti si Sebastian dahil sa sinabi ng anak at pinisil ang pisnge nito. “Oh! I remember daddy, naalala niyo po ba noong dinukot ako ng ex ni mommy? Hindi ba nakatakas ako at nakauwi mag-isa?” Napakunot ang noo ni Sebastian dahil sa sinabi ng kaniyang anak ngunit kalaunan ay napatango nalang ‘din. “Mayroong nagligtas saakin daddy at nandito po siya ngayon,” pagkasabi ni Celine niyon ay lumingon ito sa kanilang likuran kung kaya maging si Sebastian ay nagtatakang napalingon doon. Si Riri, Luna at Lisa naman ay hindi makapaniwala sa ginawang iyon ni Celine. Ang akala nila ay
BINIGYAN muna nila ng oras ang mga ito para makapag-usap sila kahit papaano. Nagpunta muna sina Luna, Lisa, Riri at Celine sa kusina para maghintay sa mga ito. Tuwang tuwa sina Vince, Rocky at Sebastian dahil naroroon nang muli si Selene na buong akala nila ay matagal ng patvy. Matapos ang isang oras na pag-uusap ng mga ito ay tinawag na sila ng mga ito at ngayon ay magkakasama na silang muli sa salas. Nasa kanan ni Sebastian si Luna at Celine habang nasa kaliwa naman nito ang kaniyang ate Selene. Ayaw kasi nitong malayo sa kapatid dahil natatakot siya na baka bigla itong mawala. “So, nasaan na nga ba tayo Luna?” tanong na sabi ni Selene ng makita niya na tila naghihintay ‘rin ang mga ito ng mangyayari. “What do you mean ate? May pinag-uusapan ba kayo?” kuno’t noo na tanong ni Sebastian na ikinatango naman ng kapatid nito. “Sa tingin mo ba nandito ako dahil iniwan nila kayo sa Pilipinas? Nope.” Alam na ‘rin ngayon ni Selene na buhay ang kanilang ina at nasa pilipinas ito’t nagpap
Si Sebastian naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa babaeng mahal. Sigurado si Luna na nagtataka sila dahil alam nilang isa siyang Fernandez. Naroroon na ‘rin naman, nasabi na ni Selene kaya wala na siyang choice kundi sabihin ang totoo. Nag-angat siya ng tingin at umayos ng upo pagkatapos ay bumunot ng maraming lakas ng loob para sabihin sa kanila ang totoo. “Noong araw na nalaman sa media na ikakasal na si Sebastian kay Loisa iyon ang araw na nalaman kong ampon ako. Pumunta ako sa bahay namin at nakita ko ang sulat ni mommy saakin at humihingi sila ng tawad sa pagtatago sakin ng totoo. Nagpahanap ako agad ng informations at nalaman ko na ang tunay kong magulang ay ang mga Moon na siyang nagmamay-ari ng school na pinapasukan ni Celine.” “Moon University!? ‘Yung pinasukan namin?! Ibig sabihin sa pamilya mo ‘yun?!” gulat na gulat na sabi ni Rocky na ikinatango ni Luna. “Hindi ko inaasahan na nagkita na pala si Celine at ang tunay kong ina. Pinapunta nila ako sa school siguro d
“HINDI ba sabi niya pinsan mo siya?” tanong ni Sebastian na ikinatango naman ni Luna at si Riri ang sumagot sa kaniya. “Based sa nakalap kong information, pinsan talaga siya ni Luna sa mother side at sila talaga ang dumukot sa kaniya. Kinuha lang siya ng tumayong magulang ni Luna dahil ayaw nila na may saktan ang mga ito. At the same time ayaw ‘din nila na isumbong ang kapamilya ng ina nila kaya inalagaan nalang nila si Luna at tinuring na isang tunay na anak.” Napatango sila sa sinabing iyon ni Riri dahil nagkaroon na ng kalinawan ang lahat. Hindi nga nila maiwasan na maawa kay Luna at Lisa dahil naiipit sila sa gulong ginawa ng pamilya ni Yannie. “Nakalap mong information? Paano ka nakakuha ng information Riri?” Ngunit si Sebastian ay nagtaka dahil sa sinabi ni Riri. Tila sure na sure ang babae sa mga sinasabi nito, madaling makaramdam si Sebastian ng mga bagay na kakaiba. Si Riri naman ay nagulat dahil doon. Napatingin siya kay Luna na maging ito ay gulat dahil sa tanong
GULAT ang mga ito sa sinabing iyon ni Luna at ang pinakang unang umayaw ay si Sebastian. Sa huli walang nangyari sa suggestion iyon ni Luna dahil tutol na tutol ang lalaki habang si Selene naman ay nagpaalam sa kanila dahil mayroon itong aasikasuhin. Nagtaka pa nga sila lalo na’t nasa gitna pa sila ng pag-uusap ngunit hindi nito sinabi ang totoo at basta importante ‘daw iyon. Hinayaan nalang muna ang babae lalo na at nangako naman ito na babalik ‘din kaagad. Nang umalis si Selene ay nagpasya si Riri na pakainin muna sina Vince at Rocky. Sumama sa kanila si Lisa at Celine at naiwan si Luna at Sebastian sa sala lalo na at ramdam nila na kailangan mag-usap ng mga ito dahil sa suggestion ni Luna kanina. “What was that, Luna? You want to pretend in front of your real parents?” kuno’t noo na tanong ni Sebastian dito. “You don’t understand what I am feeling right now, Sebastian. All of the sudden nalaman kong ampon ako tapos nakita ko ang tunay kong magulang sa tingin mo madali saakin ang
“Girls, hindi pwedeng maingay sa loob. Baka tulog ang triplets at magising niyo.”Puna sa kanila ni Selena na ikinatahimik ng mga ito. Natawa nalang ang kani-kanilang boyfriend dahil doon.Si Caroline at Vince ay official na ‘rin na mag boyfriend at girlfriend. Si Riri at Rocky naman ay engaged na at malapit ng ikasal. Si Selene at Ivan ay ganoon ‘din while si Lisa ay wala pang boyfriend. Si Princess at Apollo naman ay nasa kanilang honeymoon sa ibang bansa kung kaya wala sila doon ngayon ng manganak si Luna.Umiiyak na nga si Princess dahil gustong gusto na niyang umuwi sa pilipinas para makita ang triplets ngunit ang flight nila ay bukas pa. Kakakasal lang ng dalawa at isang buwan na ‘rin magmula ng umalis sila para sa kanilang honeymoon.“Ako po ang mauuna!” agad na sabi ni Celine na sumingit sa kaniyang mga tita dahil nagkakagulo ang mga ito.Nang pumasok si Celine ay sunod-sunod na ‘rin ang mga ito at tahimik lamang sila habang papasok. Naabutan nila na buhat ni Sebastian ang isa
HUMINTO sandali si Luna para tignana ng mga tao na naroroon ngunit nagulat siya ng biglang mamatay ang ilaw at ang mic na gamit niya ay gumawa ng ingay na ikinatakip niya sa tenga. Ngunit agad niyang naisip ang anak kaya mabilis niyang kinapa si Celine ngunit wala na ito doon.Rinig niya ang pagkagulat ng mga tao at ganon ‘din siya. Aalis na sana siya sa pwesto niya dahil wala doon si Celine ng matigilan siya dahil biglang mayroong spotlight sa pwesto niya.Nasilaw pa siya doon na ikinatakip niya sa kaniyang mata.“Pwede ko bang baguhin ang huli mong sinabi? ‘Girlfriend ng sikat na bilyonaryo’ gawin na nating fiancé and soon to be Mrs.Anderson ‘yan.”Natigilan si Luna dahil sa narinig niyang sinabi ni Sebastian. Kilalang kilala niya ang boses nito at ng maka adjust ang kaniyang paningin ay napaatras siya ng makita si Sebastian na nakaluhod sa harap niya at may hawak na singsing tyaka mic.Hindi niya napigilan ang kaniyang luha at agad iyong tumulo dahil sa tagpong iyon.“Habang busy k
NAPAKARAMING tao lalo pa’t naka live ‘din ito upang mapanood ng lahat at marami ang nag-aabang sa nawawalang anak ng mga Moon.“Welcome to the sixth birthday celebration of Celine Fernandez!”Marami ang nagulat lalo na nag mag appear sa malaking LED ng muka ni Celine na kilalang kilala ng lahat. Sinong hindi makakakilala dito dahil anak ito ni Sebastian at Luna!At doon ay napagtanto ng lahat na ang nawawalang Luna na anak ng mga Moon ay walang iba kundi si Luna na may ari ng Moonlight C.B.Maraming na-excite lalo dahil sa information na iyon at halos lahat ay nanonood na sa live ng mga ito.Hanggang dumating ang time na nagsalita na ang magulang ni Luna para ipakilala sila ng mga ito.“I know all of you has a clue what was going on right?” panimulang sabi ni Lorenzo habang nakangiti.“Maging kami ay hindi makapaniwala noong una katulad niyo but it is right, walang duda siya nga ang anak namin. After years matapos niyang wala ay natagpuan na namin si Luna!Pero bago iyon gusto ko muna
Sina Luna at Celine naman ay ligtas ng mga oras na nagkakagulo sa lugar na iyon. Si Vivian at Luke ay tuluyan ng namatvy at pinagbayaran ang kasalanang kanilang ginawa. Sinubukan pa nilang kunin si Celine pero ang hindi nila alam ay kayang kaya sila ng bata kung kaya bago pa sila makagawa ng kahit na ano ay naunahan na sila at nabaril nila Selene.Mabuti at walang nasaktan sa kanila kahit isa lalo pa’t naging madali sa kanila ang lahat dahil kakaunti lang ang tauhan nila Fernan. Halos karahiman kasi ay kumampi na kay Yannie nang malaman nila ang totoo sa pagkamatvy ng kanilang tunay na amo.Masaya si Luna at walang napahamak sa kanila lalo pa’t nasunod ang lahat ayon sa kaniyang plano. Kahit na nagkainitan sa pagitan ni Riri at Seera mabuti nalang at nagkaayos agad ang dalawa. Kasalanan niya ‘din naman dahil inilihim niya lahat ng plano niya kay Riri. Ayaw niya lang mag-alala pa ito dahil siya na ang humahawak sa negosyo niya.Ngayon na maayos na ang lahat at wala ng problema, nagpasy
NANG malaman nilang dalawa ang katotohanan ay mabilis na umuwi ang dalawa dahil na ‘rin sa gusto ng babae. Wala namang magawa si Apollo dahil iyon ang gusto ng girlfriend niya at sumunod sila sa lugar kung saan nila nalaman na naroroona ng mga ito.Ang scene na babarilin na ng ama ni Princess ang mommy at kapatid niya ang inabutan nito. Hindi napansin ni Apollo na tumakbo ng mabilis si Princess at hinarang ang sarili dito, huli na para pigilan ito.Ang mga andoon ay nagulat ‘din dahil sa nangyari lalo na si Yannie na siyang nasa harapan ni Princess.“P-princess!”“O-okay lang ako ate,” ngiting sabi ni Princess at hinawakana ng sugat niya.Mabilis na nakarating si Apollo doon at agad na tinakpan ang pag agos ng dugo niya. Dahil sniper si Princess ay kalkula niya ang segundo ng pagtama ng baril sa target nito kung kaya mabilis ang kilos niyang sinalo ito gamit ang balikat niya.“B-bakit mo ginawa ‘yun?!” sigaw na tanong ni Yannie na ikinangiti ni Princess sa kaniya.“Dahil pamilya ko ka
NATIGILAN si Ginnie dahil sa kaniyang narinig at nagsimula ng kabahan dahil doon.“A-anong ibig mong sabihin anak? H-hindi totoo ang sinasabi ni Luna…”“Sinungaling!” sigaw ni Yannie na siyang ikinaatras ni Ginnie. “Tinitignan ko kung aamin ka kanina pero hindi! Hanggang sa huli ay ipinagtatanggol mo pa ‘rin ‘yang si tito Fernan! Hindi ka na naawa kay daddy mommy! Hindi mo manlang binigyan ng katarungan ang pagkawala niya!”Napailing si Ginnie dahil sa sinabi ng anak niya at nagsimula ng tumulo ang luha niya.“Eto! Napanood ko dito ang katotohanan!” inihagis ni Yannie ang USB na agad nakilala ni Ginnie kaya natigilan siya.Bigla siyang lumuhod sa harap ng anak niya at umiyak ng umiyak.“Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako at tinago ko ang katotohanan! Nagsisisi ako! Nagsisisi ako sa ginawa ko!”Hinawakan pa ni Ginnie ang magkabilang paa ni Yannie ngunit inalis lang iyon ni Yannie at umatras sa ina.“Huli na ang pagsisisi mo mommy. Kung hindi ka pa mahuhuli ay hindi mo sasabihin s
“HINDI totoo ‘yan!” sigaw na sabi ni Luna.“Shut up!” sigaw ni Fernan kay Luna at muling tinignan si Ginnie. “Ginnie!” tawag pansin niya sa asawa na ikinatauhan nito at unti-unting tumango.“O-oo! A-ang daddy ni Luna ang gumawa niyon sa daddy mo. K-kitang kita ko mismo.” Utal na sabi nito sa anak.“See? I told you ‘wag kang maniniwala sa kaniya.” Ngiting sabi ni Fernan at niyakap si Yannie.Gusto na iyong itulak ni Yannie at gawin ‘din dito ang ginawa niyang pagpatay sa kaniyang ama ngunit hindi iyon sapat. Gusto niyang pahirapan muna ito at magmaka-awa na patayin nalamang siya.“Seems like totoo ang sinasabi ni Luna. Look at our lady’s boss reaction.” Bulong ni Vivian sa boyfriend niya.“I agree. Bulag nalang si Yannie kung hindi niya mapapansin ‘yun.” Sagot ni Luke dito.Nagulat silang lahat ng bigla nalamang tumawa si Luna ng pagkalakas lakas.Humiwalay si Fernan sa pagkakayakap kay Yannie at naglakad ito papunta sa gawi ni Luna.“Tito—” hindi natuloy ni Yannie ang pagtawag niya di
SAMANTALANG sa lugar kung saan andoon sila Luna ay kanina pa sila naghihintay na dumating sila Ginnie at Fernan. Alam ni Luna at Celine na ang mga ito ang inaantay nila ngunit ang kambal ay hindi.Tumigil na ‘rin sa pag-iyak ang mga ito kung kayat tahimik na.“Sorry I’m late everyone!”Napatingin sila sa nagsalita at walang iba kundi si Yannie habang bitbit si Lisa na nakatali at mayroong mga pekeng sukat sa muka.Sinabi niya kila Vivian at Luke na siya nalamang ang pupunta sa lugar na napag-usapan nila dahil muntikan na silang mahuli kung saan ang bagong location.“Akala namin patvy ka na,” ngising sabi ni Vivian na ikinatawa ni Yannie.“Matagal mamatvy ang masamang damo, Vivian.”“Yes! Kaya nagkakasundo tayo e! Best friend na talaga kita!” tuwang sabi ni Vivian at niyakap pa si Yannie.Sa loob loob ni Yannie ay gusto niyang masuka dahil sa ginagawa nito ngunit kailangan niyang umarte dahil naroroon si Luke at nakamasid sa kanila.Gustong matawa ni Luna dahil alam niya na gusto ng it
Si Rocky naman ay inalis ang kamay ni Vince sa bibig niya at sinamaan ito ng tingin. Naputol lang iyon ng lapitan siya ni Riri at mahinang kinurot sa tagiliran.“Actually, mayroon pa po akong sasabihin sa inyo bago ang plano.” Paunang sabi ni Yannie na ikinataka nila.Napatingin si Yannie sa kanilang lahat at kita niya na nag-aabang ang mga ito ng kaniyang sasabihin habang si Seera naman ay nakangiti sa kaniya at nag thumbs up. Ganoon ‘din ang ginawa ni Lisa dahil alam na nilang dalawa ang katotohanan.Napahinga ng malalim si Yannie bago siya tuluyang magsalita.“Mayroon po akong half-sister sa side ni mommy. Nagkaroon sila ng anak ni tito Fernan at bata pa ako noon pero tandang tanda ko pa na iniwan niya ang kapatid ko sa ibang bansa pagkatapos niya itong maipanganak. Akala ko ay kapatid ko siya kay daddy pero nito ko lang nalaman na hindi dahil hinahanap nila ito ngayon lalo na si tito Fernan.”Nagulat ang mga ito sa sinabing iyon ni Yannie na mayroong anak ang dalawa!“Grabe! Nagaw