Thank you so much sa pagbabasa Kimmie's! Bukas ulit! Palambing guys give five star rate sa story if nagustuhan niyo ang story. Mas marami much better para magkaroon ng Five star rating ang story ni Luna at Sebastian yeyyy! Thank you sa mga nagcocomment nagbabasa po ako sobrang na-appreciate ko! Nakakagana magsulat!
GULAT ang mga ito sa sinabing iyon ni Luna at ang pinakang unang umayaw ay si Sebastian. Sa huli walang nangyari sa suggestion iyon ni Luna dahil tutol na tutol ang lalaki habang si Selene naman ay nagpaalam sa kanila dahil mayroon itong aasikasuhin. Nagtaka pa nga sila lalo na’t nasa gitna pa sila ng pag-uusap ngunit hindi nito sinabi ang totoo at basta importante ‘daw iyon. Hinayaan nalang muna ang babae lalo na at nangako naman ito na babalik ‘din kaagad. Nang umalis si Selene ay nagpasya si Riri na pakainin muna sina Vince at Rocky. Sumama sa kanila si Lisa at Celine at naiwan si Luna at Sebastian sa sala lalo na at ramdam nila na kailangan mag-usap ng mga ito dahil sa suggestion ni Luna kanina. “What was that, Luna? You want to pretend in front of your real parents?” kuno’t noo na tanong ni Sebastian dito. “You don’t understand what I am feeling right now, Sebastian. All of the sudden nalaman kong ampon ako tapos nakita ko ang tunay kong magulang sa tingin mo madali saakin ang
“NOW tell me the whole truth.” Seryosong sabi ni Rocky sa kaniyang kasintahan na si Riri ng makapasok silang dalawa sa silid nila sa bahay ni Luna. Tapos ng kumain ang mga ito at nanonood nalang sila sa sala ng mag excuse si Rocky at pinasunod niya si Riri sa kaniya. Kanina pa ramdam ni Riri ang tingin ng boyfriend niya sa kaniya at alam niyang maraming gustong malalam ang lalaki. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula, mayroon na ‘rin naman siyang signal kay Luna na sabihin dito ang totoo ngunit ngayon na silang dalawa nalang ay hindi niya alam kung paano magsisimula. Matagal na silang magkasintahang dalawa at nangako sila sa isa’t-isa na walang lihiman ngunit sila mismong dalawa ang sumira doon. Napabuntong hininga nalamang si Riri dahil wala siyang ibang choice kundi ang umamin dito. Nagsisisi na tuloy siya kung bakit si Rocky pa ang sinabi niya kay Sebastian pwede naman si Lisa! Mas malaki ang chance na makakalusot siya dito at isa pa alam ni Lisa ang tungkol sa totoong pa
Napaatras si Rocky dahil sa sinabing iyon ni Riri at biglang naalala ang time na nagtataka si Vince kung bakit nagkamali ang background check nito kay Celine. Parang sa isang iglap lang ay nagkaroon ng bagong katauhan si Celine na naging kapatid bigla si Luna. “I-ibig sabihin ikaw ang gumawa ng files para maging magkapatid si Luna at Celine noon?” “Yes. Ako ang gumawa ‘nun.” Lalong hindi makapaniwala si Rocky dahil doon. Ngunit pakiramdam niya ay natraydor siya. Naglihim sa kaniya ang girlfriend at hindi manlang sinabi ang totoo dito. “You lied to me,” mahinang sabi nito. “You lied to me first. Alam mo ba kung anong sakit ang naramdaman ko ng malaman kong mafia’s kayo?” Natigilan si Rocky dahil doon at agad na napatingin kay Riri. Kaya naman pala! Kaya naman pala hindi siya kinuwestyon ng babae nung mga panahon na nalaman ni Luna na mafia sila ni Sebastian. “I-I’m sorry babe…” lapit na sabi niya dito at hinawakan ang braso nito. “No it’s okay.” At ngumiti si Riri sa kani
MAAYOS naman nakausap ni Luna at Riri si Rocky. Nangako ito sa kanila na hindi sasabihin ang totoo kay Sebastian. Talagang sinigurado ni Luna na hindi magsasalita ang kaibigan lalo pa’t close na close ang dalawa. Si Rocky naman ay naguguluhan ‘man at masyadong nabibigla sa mga nalalaman ay wala sa kaniyang sarili. Kaya ng makasalubong niya si Sebastian ay hindi niya agad ang sasabihin dito. Nakatayo lang siya sa harapan nito at tinititigan ang kaibigan. “Hey, Rocky!” Tawag pansin ni Sebastian na makailang ulit na mabuti at natauhan na ito. “Huh?” Wala sa sariling sabi ni Rocky dito. “Anong huh? Tinatanong kita kung san ka nanggaling,” Agad na pumasok sa isip ni Rocky ang kaniyang nalaman kanina kina Luna at Riri. Dahil nasa harapan na niya ang kaibigan ay kating kati na siyang sabihin dito ang totoo. Ngunit pumipigil sa kaniya ang pangakong sinabi niya sa dalawang babae, sa kabila ‘nun mas nananaig pa ‘rin sa kaniya ang katotohanan na hindi niya kayang magsinungaling sa kaibigan.
“MOMMY!” Napalingon si Luna kay Celine ng marinig niya ang boses nito. Kasa-kasama nito ang ama ngunit agad ‘rin itong bumitaw sa kamay nito at tumakbo papunta sa gawi niya at niyakap siya. Napangiti si Luna dahil sa ginawa ng anak at niyakap ito ng pabalik. “Oh, miss niyo na ako agad? Parang wala pang kalahating oras ng magpaalam ako sa inyo sa baba ah?” Natatawang sabi niya sa mga ito. Nagpaalam kasi si Luna na mayroon aasikasuhin na importante matapos nitong maka received ng text. Ngunit ang totoo, ang text na iyon ay galing kay Riri. Bukod sa nakita niya ang dalawa na umalis at alam niyang mag-uusap na ang mga ito ay palihim siyang sinabihan ng kaibigan. Maayos naman niyang nakausap si Rocky kaya naniniwala siya na hindi nito sasabihin ang totoo kay Sebastian. “Si daddy po na-miss ka! Mayroon ‘daw po siyang sasabihin sa’yo!” Nakangiting sabi ni Celine at nilingon ang ama. Naglakad naman palapit sa kanila si Sebastian at dahil nababagalan si Celine sa paglalakad ng ama ay iti
NAGISING si Luna dahil mayroong tumatalon sa kaniyang tabi. “Mommy, mommy!” at doon niya narinig ang boses ng kaniyang anak na si Celine. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mata ngunit nasilaw siya dahil sa sikat ng araw kung kaya napapikit siyang muli. “C-celine?” antok na banggit niya sa pangalan ng anak. “Yes mommy! Buti gising ka na! Aalis po tayo ngayon kyahhh!” Dahil sa sinabi ni Celine ay napadilat siya ng kaniyang mata. Nasilaw pa siyang muli sa liwanag ng araw at tanging anino lang ng anak ang nakikita kaya napakurap kurap pa siya. Nang maging maayos na ang kaniyang paningin ay doon niya nakita ang anak at nakabihis na’t halatang halata ang pagka-excite sa kaniyang muka. Kusa siyang napangiti dahil doon. Kahit na kulang pa siya sa tulog dahil anong oras na siyang nakatulog ng bumalik matapos makausap si Selene sa kusina. Hindi na kasi mawala sa isip niya ang sinabi nito at ang katotohanan na dapat na niyang kumilos. Nag-isip siya ng paraan kagabi na naging dahi
Napangiti lang si Luna dahil doon at ng makababa siya ay binati at pinuri siya ni Riri, Lisa at Selene. Naroroon na ‘rin si Selene na alam niyang madaling araw na umuwi. Matapos ng mga babae ay si Vince at Rocky naman ang lumapit sa kaniya para batiin ang kagandahan niya. Naiilang na siya sa mga ito dahil puring puri siya pero ng makita si Sebastian na nakangiting nakatingin lang sa kaniya sa likod ni Vince at Rocky ay nawala iyon. Napansin ng dalawang lalaki na wala na sa kani;a ang atensyon ni Luna kung kaya gumilid na sila upang bigyan ng space ang dalawa. Naglakad silang dalawa palapit sa isa’t-isa habang hindi pinuputol ang titigan nila. “You look beautiful my love,” “And you look handsome too,” ngiting sagot niya dito. Nakasuot kasi ng army green na polo si Sebastian dahilan para lalong umangat ang kagwapuhan nito. Sa tingin nga niya ay terno silang dalawa ng suot ngayon na mukang sinadya ng lalaki. Kinilig naman siya sa isipin na iyon na lalong nagpalaki ng ngiti niya sa
Katulad ng inaasahan niya ay naging masaya ang araw nila na iyon. Kung nasa pilipinas sila siguradong hindi sila mag-eenjoy kaya tamang tama lang na nasa Canada sila. Nagagawa nilang makapag shopping ng walang storbo, makali ng mga gusto nila. Walang problema kung marami silang bilhin dahil mayroon silang nauutusan na dalhin ang kanilang pinamili sa kotse nito. Well, perks of being with Sebastian Anderson na kilala sa buong mundo. He has power and she will not be denied that she is amazed with that. At syempre ang pinakang gusto ng anak na kanina pa nito pinipilit sa kanila. Ang Ice cream parlor na nadaan-daanan nila kanina pa. Pero dahil marami silang dapat puntahan ay talagang pinahuli nila iyon. Dapat nga ay Lunch muna ang kakainan nila pero dahil mapilit ang anak ay nauna silang bumili niyon at dinala nalang sa restaurant na kakainan nila. Nang matapos sa Ice cream parlor ay sa restaurant sila tumuloy na mayroon ng reservation ni Sebastian. “Mukang hindi mo ‘to pinaghandaan ah