Home / Romance / JOIN ME: Rigel Skye / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of JOIN ME: Rigel Skye: Chapter 61 - Chapter 70

76 Chapters

KABANATA 42.2

Mas lalong namilog ang mga mata ko sa pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Hinapit niya pa lalo ang bewang ko kaya hindi ako makawala.Dinig ko pa ang hiyawan ng mga empleyado niya. Kung hindi lang yata siya mauubusan ng hininga ay hindi niya titigilan ang mga labi ko.Nag-init ang mga pisngi ko at nanghina. Tingin ko nga ay hindi na ako makakahakbang.Matapos niyang humiwalay ay wala sa huwisyo na napakapit ako sa damit niya. Ni hindi ko nasundan kung anong dinaanan namin makarating lang sa cultivation house niya.Natauhan lamang ako sa dami ng kit na nakadisplay doon. Inalalayan niya pa ako papasok, pinakita ang mga nakaboteng cultured mushroom. Tila amag lamang ang mga iyon ngunit ang sabi niya ay mushroom daw."Satisfied?"Hinarap ko siya at nagawa ng ngumiti. Nakakaisip ng kapilyahan ngunit hindi ko na balak na gawin. Baka mamaya at hindi siya makapagtimpi at hilahin na lang ako sa sasakyan niya."Yes, Ku—Baby." Ngumisi pa ako ngunit kinagat din ang ibabang labi.Hindi ko y
Read more

KABANATA 43.1

Hindi ko alam kung paano ngunit noong hatakin ako palabas ng pinto ni Mama, hindi na ako nakabalik kay Rigel. Bagkus, sa mansyon ang bagsak ko. Heto nga't naglagi din si Erica sa amin at ayaw akong tantanan."Heavs! Kailan tayo lalabas?" pangungulit pa nito sa akin kahit ikang beses ko ng tinanggihan.Ilang beses siyang kumurap at napalabi sa harapan ko. Pilit niya pang hinahaklit ang braso ko. Hindi ako nagpatangay at nanatili sa swivel chair ko. Walang balak na iwan ang study room ko. Kailangan kong magpokus."I can't. May isang klase pa ako, Erica. Alam mong hindi ako pwedeng bumagsak." Nginitian ko pa siya nang maliit bago bumalik ang tingin ko sa computer screen.Dinig kong pinadyak-padyak niya ang mga paa sa sahig, parang batang inagawan ng candy. Hindi na nagbago! Pati panlalaki, di na niya inalis sa sistema niya!"Simula nang bumalik ka galing Tarlac, ganyan ka na. Hindi ka naman nag-aaral nang maayos noon. Ganoon ka na lang ulit! Gets naman nila tito kung tatamarin ka, import
Read more

KABANATA 43.2

Matapos umalis ni Erica ay pinilit kong ituon ang atensyon ko sa klase. Kahit na bahagyang inaantok ay pinilit kong makinig. You should change for the better, not for the worse. And I have changed, kaya ko ng makinig ng lesson. Pipilitin ko dahil para din naman iyon sa kinabukasan ko at ng... baby ko.Isang mahabang diskusyon ang pinakinggan ko. Swear! Pinakinggan ko. Matapos ay humihikab na akong tumayo at pinatay ang PC. Tamad ko pang binitbit ang baso at platito. Isang beses pa akong sumulyap sa orasan.Napanguso ako matapos makitang alas sais na ng gabi. Ganitong oras ay padating na sila Daddy.Lalo akong na-excite na makita sila. Araw-araw kong pinapakiusap kay Daddy na isama na niya ako sa kumpanya at turuan. Hindi ko alam ngunit nasasabik na akong pag-aralan ang negosyo kumpara noon. Hindi pa nga lang pumapayag si Daddy. He said, I need to rest. Malamang natatakot siyang mapagod ako at mapahamak ang apo niya.Marahan kong inayos ang suot na bestida bago dumiretso sa kusina. I f
Read more

KABANATA 44.1

Am I in the wrong office?Sa tingin ko ay namamalik-mata ako. Paanong nandito siya kung matiwasay ko siyang iniwanan sa Tarlac? He even encouraged me to leave him.Umawang ang mga labi ko at mas lalo siyang tinitigan. I admired him before with his shirt and jeans, but I think I am loving him more now with his white long sleeves and black pants. Paano pa kung nakasuot ang coat niyang nakasabit sa upuan? He'll be looking more dangerous!Hindi ko alam na bagay din sa kanya ang ganitong trabaho. Magaling siya sa farming ngunit tingin ko ay mas bagay siya sa opisina.Tumikhim ako at pilit tinago ang pagkabigla ko, "I thought this office is mine?" Tinaas ko pa ang kilay ko.But he never answered me. Mas lalo lamang dumiin ang titig niya. May bakas na galit at disgusto. Ramdam ko iyon lalo tagos sa buto ang madiing titig nito.Napaatras ako dahil doon. What I am expecting from him is an open arms welcome. Yakap at matamis na h*lik pa nga ang inaasahan ko. Maayos naman ang pagkakalayo namin.
Read more

KABANATA 44.2

Napataas ang kilay ko sa pag-igting ng panga niya. Maging ang mahigpit niyang hawak sa mesa ay ebidansya sa galit niya.Hindi ko balak na sabayan ang galit niya. Pinagpasalamat ko na muling bumalik ang sekretarya at alangan pang lumapit matapos makita ang ayos namin at makita ang galit ni Rigel."Lapag mo na lang dito sa mesa. Salamat ulit." Tinuro ko pa ang mesa ni Rigel.Alanganin itong tumango at nilingon pa si Rigel na sa akin lamang ang tingin. Pagkalapag niya ay nagmamadali pa siyang lumabas sa opisina.Kahit na masama sa akin ang tingin ni Rigel ay patay malisya kong inusog ang folder at pinwesto ang donuts at baso ng gatas sa harap ko. Marahan ko pang sinubo ang isang donut na kinasulyap niya ng tingin.Nginisihan ko siya na agad niyang kinaiwas ng tingin. Tumayo pa siya nang maayos at tumikhim."Gusto mo?" Inalok ko pa ang donut na kinagatan ko.Sinulyapan niya lang iyon bago mabilis na binitbit ang mga folder at walang lingon-likod na humakbang palapit sa mesa ko. Pabagsak p
Read more

KABANATA 45.1

"Bakit mo naman itataktak? Kawawa naman ang Baby ko. Di pa nga siya nakikita ng Daddy niya—Hoy, Rigel!" tawag ko pa rito ngunit talagang iniwan na siya nito roon.Nailing na lang ako ngunit hindi rin mapigilan ang ngiti ko noong bumalik na sa opisina ngunit si Rigel ay dinatnan ko pa ring aburido. Kahit tuloy gusto kong magpahatid sa kanya pauwi ay hindi ko na binalak. Kila Daddy na lang ako sumabay. Aba, takot ko lang na itatak nga niya palabas ang anak namin no!"Dad, tell me, paanong nasa opisina si Rigel?" Nilingon ko pa si Daddy mula sa passenger seat.Sinulyapan niya ako mula sa salamin at kumunot pa ang noo niya. Mas lalo tuloy nadepina ang mga wrinkles niya, but still looking so handsome."Dad—"Kaya lang mahina akong hinila ni Mama sa braso at bumulong sa tainga ko."That's the deal, Heaven Baby. I hope you are happy."Noong una ay hindi ko ma-gets ang sinabi ni Mama pero noong naintindihan ko ay nag-init ang sulok ng mga mata ko at mabilis na niyakap si Mama. Nagsumiksik pa
Read more

KABANATA 45.2

"Na-miss ko na ang isang Rigel na... masarap," kunwaring inosenteng ulit ko pa.Kita kong umawang ang mga labi niya ngunit agad ding bumalik sa pagiging strikto. Binalak pa niyang maupo ulit ngunit agad ko rin siyang binato ulit ng papel. Sa huli, isang linya ang mga labi niya pagkalapit sa akin."Will you stop? Fine. Tell me what you want," nagtitimping bigkas niya.Dumukwang pa siya at hinuli ang mga tingin ko. Sa taas niya ay kusa akong napapatingala. At kahit gaano pa nakakapanindig balahibo ang awra niya ay hindi ako titiklop. Siya ang gusto ko, atensyon niya ang gusto ko."I want you," walang kurap na bigkas ko at hindi rin nilubayan ng titig ang mga mata niya.Kitang-kita kong umalon ang adam's apple niya kaya't umangat ang gilid ng labi ko. Naglumikot pa ang tingin niya at muntikan ng malawan ng balanse mula sa pagkakadukwang.Marupok na Rigel! Sigurado akong nagpipigil lang siya! Nag-iinarte pa kasi!Mahina akong natawa na kinalingon niya. Natikom ko nga lang ang bibig sa mat
Read more

KABANATA 46.1

"Willing naman akong magbuntis ng kambal—"Naitikom ko ang mga labi ko noong sumama na naman ang titig niya at mukhang ayaw na akong magsalita pa."Don't you get or understand everything?" tila sumusuko ngunit naiinis pa rin na tanong niya.Napakurap ako at hindi maintindihan ang reaksyon niya. Akala ko ba gusto niya akong kunin ulit? Bakit naman nagagalit na naman siya?Marahas siyang huminga muli at kita ko na ang galit sa mga mata niya "Pumayag akong iwan mo hindi para magpabuntis ka sa iba, Heaven. Now tell me, how can I accept that?!" hindi niya mapigilang sigaw.May kalakasan niyang tinapon ang mga hawak na baso ng kwek kwek at inis na nasabunot ang buhok niya.Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang iniisip niya. Sa tingin ba niya ay kaya ko talagang gawin iyon?Parang hindi naman niya deserve maging tatay ng anak ko kung ganito na ang ugali niya. Naiwan yata sa mga kabute ang maayos niyang pag-iisip. Inaasahan ko pa naman ay maiintindihan niy
Read more

KABANATA 46.2

Kahit kinabahan sa klase ng tingin ni Rigel ay pilit kong hindi pinahalata. Tumikwas pa ang kilay ko at naningkit din ang tingin sa kanya.Nagsalubong na ang mga kilay niya at walanghiyang tiningnan si Aldrin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Nailing bago maangas na sumubo ng karne."Ow. Is he liking this idea?" bulong ni Aldrin sa akin na hindi naman tinablan sa tingin ni Rigel.Kumibit balikat ako bago tuluyang lumayo sa kanya. Hindi ko rin naman matantiya kung gusto o hindi ito gusto ni Rigel. I do not care about him, anyway!"Maupo ka na, Aldrin. Kain na tayo." Tinuro ko ang katabing upuan ni Rigel para doon siya maupo.Tumango siya at doon nga umupo. Ang isip ko ay nagkakagulo ngunit naging matiwasay ang dinner. Rigel randomly talked. Si Aldrin at Daddy lang ang madalas mag-usap. Si Mama ay nagmamasid lang din katulad ko. Akala ko ay magiging tensyonado ang hapag ngunit hindi naman.Ilang beses ko ring hinuli ang tingin ni Rigel ngunit tumi
Read more

KABANATA 47

"Heaven, anong ginawa mo kay Rigel?" si Mama. Inis akong napabuntong hininga at sinulyapan si Rigel na matiwasay na nakahiga sa kama niya. Ang loko, hinimatay! Ngayon, parang kasalanan ko pa na hinimatay siya. Napanguso ako at sinulyapan si Mama na napapailing, at si Daddy na malalim ang pagkakakunot ng noo habang nakatunghay kay Rigel. "Sinabi ko lang na siya ang Ama ng baby, Mama. Ewan ko diyan at hinimatay." Nangunot na ang noo ko at isang beses pang tinapunan ng unan sa mukha si Rigel. Ayaw talagang magising! "Baka naman ginulat mo?" Mabilis akong umiling, "No, Ma. Ang ayos nang pagkakasabi ko. Ayaw niya lang talagang maniwalang anak niya." "Why would he think that way, Princess?" nag-aalalang tanong ni Daddy. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napapikit, "Akala kasi niya tinanggap ko po ang birth shot control pero hindi ko naman po tinanggap." Dinig kong parehong napasinghap si Mama at Daddy. Paglingon ko ay dismayado na silang nakatingin sa akin. "Pasaway ka, Heaven.
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status