“Anyways, where's our lawyer?" pagtatanong ko agad ng maalala na kailangan pala namin ng makakatulong sa'min sa legalization ng property.“Lawyer? Kailangan pa pala non?" clueless niyang sagot.Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinagot ng sekretarya ni Rendyl. At unti-unting sumama ang timpla ng mukha ko. Napatampal rin ako sa nuo ko dahil akala ko ako lang ang clueless sa problema na hinaharap namin ngayon.“Malamang! My gosh, Ana! We need a lawyer!" stress kong ani.Please, give me some break. Ayaw ko ng katangahan sa araw na ito. Tama na ang katangahan na pinanggagawa ko sa mga nagdaang araw.“I'm really sorry, Ms. Ren!" taranta niyang kinuha ang cellphone niya sa dala niyang handbag at pagkatapos ay aligagang may tinitipa ito.Nagbago lang ang ikot ng kwento, pati ba naman yung ugali ng character.Napailing na lamang ako at tinitignan si Ana na halatang nagpapanic pa habang may kausap sa cellphone nito.“Ms. Ren, bad news,” kinakabahan nitong sabi, pagkatapos ibinaba ang cellphone.
Last Updated : 2023-12-16 Read more