All Chapters of Love Game With The Billionaire Twins: Chapter 41 - Chapter 50

69 Chapters

Chapter 41

MAAGA akong nagising kinabukasan dahil gusto kong ipagluto ng almusal si Eionn. Alam kong dinamdam niya ang mga nasabi ng kambal niya kagabi na kahit pa sinabi ko ng mali ang mga naging pahayag ni Ehryl ay halata pa rin sa mga mata niya ang pagkabalisa, bagay na hindi ko gustong magtagal sa isipan niya.   Hindi niya dapat maramdaman ang gano’n. Ang malungkot dahil sa pag-iisip na kinamumuhian ko siya gayong hindi naman ‘yon ang totoo. Siguro no’ng una ay gano’n ang naramdaman ko dahil hindi ko pa alam na dalawa pala silang Zendejas, na may kambal siya, pero ngayon ay mas naging klaro na sa akin na hindi ko siya dapat kagalitan o kamuhian.   Bakit ako magagalit sa isang taong walang hinangad kung hindi mapabuti at protektahan ako? Alam ko na naging masama ako sa kanya noon pero sa totoo lang ay pinagsisisihan ko na ‘yon. Hindi niya deserve ang gano’ng pagtrato sa kanya. . . &n
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more

Chapter 42

  FROM: Ma’am Eisha  Elle, I know Eionn won’t like this favor but can you please check Ehryl for me? He’s at his home and is unfortunately sick. He has a fever but I am still at work. I’m just worried that he may end up dying alone (lol) so can you please check  on him? I already prepared some meds and food for him. Thank you, Elle! Sorry for this hassle. :(   Ito ang nabungaran kong text ni Ma’am Eisha nang magising ako pasado alas-singko ng hapon. May sakit daw si Ehryl? Alam kong masama pero hindi ko maiwasang ngumiti nang mapait.   Tinatablan pala ng sakit ang demonyong ‘yon?   Bumuntonghininga ako. Wala rin naman akong magagawa dahil kasambahay ako rito. Hindi ko magagawang pahindian si Ma’am Eisha dahil napakabuti ng trato niya sa akin.   Naligo muna ako pagkatapos ay nagbihis ng komportableng sweater na medyo
last updateLast Updated : 2024-08-17
Read more

Chapter 43

PASADO alas siete na ng gabi nang tuluyang makatulog si Ehryl. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at kinumutan siya nang maayos. Hinaplos ko ang noo niya. Mainit pa rin siya pero hindi na nanginginig ang katawan niya kagaya kanina. Sana ay bumaba na ang lagnat ng lalaking ‘to.   Kung anu-ano na lang ang nasasabi niya marahil ay dala ng kanyang lagnat.   Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Katulad ni Eionn ay napansin kong mahaba rin ang pilikmata niya. Napansin ko rin ang bawat parte ng kanyang mukha. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Tanging ang dimples lang yata ang pinagkaiba.   Huminga ako nang malalim. Kahit alam kong si Ehryl ang kaharap ko, hindi maiwasan ng puso ko na hindi maghuramentado. Dahil ba sa mukha niya? Dahil nakikita ko si Eionn sa kanya? Hindi ko alam.   Isa lang ang maliwanag sa akin. . . na naaawa ako sa kanya. Sa likod ng malademon
last updateLast Updated : 2024-08-17
Read more

Chapter 44

DAHAN-DAHAN kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ang mararahang haplos ng isang kamay sa aking buhok.   Unang bumungad sa paningin ko ang mga maamo at nakakaakit na mata ni Eionn. Masuyo itong nakatingin sa akin habang may multong ngiti sa kanyang labi.   Napakurap ako ng ilang beses. Nakayakap pa ako kay Sasha habang pareho kaming nakahiga sa sofa. Agad akong bumangon at tiningnan ang malaking wall clock sa gitnang bahagi ng pader. Alas dies na pala ng gabi!   “Kanina ka pa nakauwi?” kuryoso kong tanong. Kinusot ko ang isa kong mata at saka inayos ang aking buhok.   “I just got home,” aniya sa napapaos na boses. Mula sa pagkakaluhod sa harap ng sofa ay naupo ito sa aking gilid. Pinagmasdan niya si Sasha at hinaplos ang balahibo nito nang may maliit na ngiti sa labi saka ako binalingan ng tingin. “Why are you sleeping here? Did you wait for me
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

Chapter 45

WALA pang isang oras ay nakarating na kami sa pamilyar na parking lot sa harap nang building kung saan nakatira si Auntie Levi.   Hinubad ko ang nakasuot na seat belt sa akin at bumaling kay Eionn. Hinubad din niya ang kanyang seat belt pagkatapos ay in-unlock ang mga pinto ng kotse.   "I'll walk you to Levi's unit," marahan niyang wika nang balingan ako ng tingin.   Maagap naman akong umiling. "Huwag na. Kaya ko na 'to. Diyan lang naman sa taas ang unit ni Auntie. Dumiretso ka na sa trabaho."   "But what if something happens when you enter inside the building?" dagdag pa niya at halos kumunot ang noo.   "Maganda naman ang seguridad ng building na 'to kaya wala kang dapat ipag-alala," saad ko at saka binuksan ang pinto sa aking gilid.   "But what if—"   "Kaya ko na, Eionn. . ." Nilingon ko ito at n
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

Chapter 46

PASADO alas kuwatro na nang makarating ako sa harap ng mansyon ni Ehryl. Luminga-linga ako sa paligid at saka malalim na lumunok. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mabalisa.   “Oh, Elle! Dalawin mo ulit si Sir Ehryl?” bungad sa akin ni kuyang guard na nakabantay sa gate.   “O-opo, Kuya. Nariyan po ba siya? Kumusta po pala?”   “Oo, narito siya. Sinubukan ko siyang painumin ng gamot kagabi kaya lang ay masyadong tamad bumangon. Pasok ka, hija!” tugon ni Kuya. Binuksan nito ang gate para sa akin. Tumango lamang ako at saka pumasok na sa loob.   “Nagpunta po ba rito si Ma’am Eisha?” tanong kong muli habang nakatingin sa malaking mansyon.   “Oo, dumalaw nang mga hating gabi pero umalis din agad. Mukhang maayos naman na si Sir Ehryl at nakatay
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

Chapter 47

HINDI ako bato. Kahit na gaano ko pa itago ang emosyong kumakain sa sistema ko, alam kong nababagabag ang kalooban ko sa mga sinabi ni Ehryl sa akin. Kaya ko mang magpanggap sa harap niya na parang wala lamang sa akin ang mga bagay na ‘yon, sa kaibuturan ng puso ko, alam kong hindi ko ‘yon kayang balewalain.   Sadyang ayaw ko lang talagang makita ng mga tao na nagiging apektado ako kapag gusto nila akong saktan. Lalo na ni Ehryl. Nagawa ko pa rin siyang ipagluto ng kanyang ulam. Nang matapos ay lumabas na ako ng kusina at walang kaimik-imik na dinaanan ang sala kahit na naro’n siya at naghihintay.   “Uuwi ka na?” kuryoso niyang tanong.   “Oo. Tapos na ako rito,” malamig kong tugon nang hindi man lang siya nililingon.   Dala ang bag at ang mga pagkain galing kay Auntie Levi ay dumiretso na ako sa malaking double doors at binuksan ‘yon
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

Chapter 48

KUMURAP ako at napayuko.   “Pumunta ako sa bahay niya at inasikaso siya dahil tama naman si Ma’am Eisha. . . na mataas ang lagnat niya at walang puwedeng mag-asikaso sa kanya. Pagkatapos. . ." Sumulyap ako sa kanya. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa akin ngunit kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. “Kahapon, pagkagaling ko kay Auntie Levi, d-dinalaw ko ulit ang kambal mo dahil nag-aalala ako sa kanya. Naglinis ako ng kaunti at hinandaan siya ng pagkain. . . saka lamang ako umuwi rito."   Tumikhim ako. Pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko dahil sa pagsasabi ng totoo. Katotohanang dapat niyang marinig mula sa akin dahil ayaw kong sa iba pa niya malaman...   “S-sorry kung hindi ako nagsabi. . ." saad ko sa  napapaos na boses. “O kung nagsinungaling ako para pagtakpan ang pagpunta ko sa kambal mo.  Nag-aalala lang ako dahil walang nag-aasikaso sa kany
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 49

NAGING mas malalim ang sunod kong paglunok dahil sa huli niyang sinabi. Parang nasa karera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito, tila ba walang makakapagpakalma dahil sa mga salitang binitiwan ni Eionn. . . Ramdam ko rin ang pag-iinit ng buong mukha ko, pati na ang aking katawan. . .   "O-okay. . ."   Naramdaman ko ang mainit na pagtawa nito at pagkatapos ay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. "Okay?"   Tumikhim ako. "S-sabi m-mo magre-recharge ka lang."   "Hmm, yeah, I said that," aniya at hinalikan ako sa aking panga.   "E, bakit may paghalik. . ." Halos manliit ang boses ko nang maramdaman ko ang umbok na galing sa kanyang pantalon.   Napapikit ako. Awtomatikong nagdikit ang mga hita ko dahil sa pamilyar na sensasyon na nagsisimulang kumain sa akin.   "This is how I recharge myself. . ." w
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 50

SUOT ang isang off shoulder champagne party dress na tinernuhan ng puting sandals, humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking pustura. Halos nagmukha akong mayaman sa tindig ko. Nakatali paitaas ang aking buhok habang may kaunting takas ng mga hibla sa magkabilang gilid ng mukha ko, may kaunting blush on din sa aking mga pisngi at pulang lipstick sa aking labi.  Kahit na morena ang kutis ko ay bumagay sa akin ang dress.   Lumunok ako habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko na pumayag sa request ni Eionn. Huwag naman sana akong tingnan ng mga taong makakasalamuha namin do'n. Baka kapag nalaman nilang mahirap lang ako at naninilbihan bilang isang katulong ay pagtawanan ako.   Hindi naman siguro aabot sa gano'n gayong premiere night lang naman ang pupuntahan namin, hindi ba? Kumbaga ay manonood kami ng pelikulang pinaghirapan niya sa malaking sinehan
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status