PASADO alas kuwatro na nang makarating ako sa harap ng mansyon ni Ehryl. Luminga-linga ako sa paligid at saka malalim na lumunok. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mabalisa.
“Oh, Elle! Dalawin mo ulit si Sir Ehryl?” bungad sa akin ni kuyang guard na nakabantay sa gate.
“O-opo, Kuya. Nariyan po ba siya? Kumusta po pala?”
“Oo, narito siya. Sinubukan ko siyang painumin ng gamot kagabi kaya lang ay masyadong tamad bumangon. Pasok ka, hija!” tugon ni Kuya. Binuksan nito ang gate para sa akin. Tumango lamang ako at saka pumasok na sa loob.
“Nagpunta po ba rito si Ma’am Eisha?” tanong kong muli habang nakatingin sa malaking mansyon.
“Oo, dumalaw nang mga hating gabi pero umalis din agad. Mukhang maayos naman na si Sir Ehryl at nakatay
HINDI ako bato. Kahit na gaano ko pa itago ang emosyong kumakain sa sistema ko, alam kong nababagabag ang kalooban ko sa mga sinabi ni Ehryl sa akin. Kaya ko mang magpanggap sa harap niya na parang wala lamang sa akin ang mga bagay na ‘yon, sa kaibuturan ng puso ko, alam kong hindi ko ‘yon kayang balewalain. Sadyang ayaw ko lang talagang makita ng mga tao na nagiging apektado ako kapag gusto nila akong saktan. Lalo na ni Ehryl. Nagawa ko pa rin siyang ipagluto ng kanyang ulam. Nang matapos ay lumabas na ako ng kusina at walang kaimik-imik na dinaanan ang sala kahit na naro’n siya at naghihintay. “Uuwi ka na?” kuryoso niyang tanong. “Oo. Tapos na ako rito,” malamig kong tugon nang hindi man lang siya nililingon. Dala ang bag at ang mga pagkain galing kay Auntie Levi ay dumiretso na ako sa malaking double doors at binuksan ‘yon
KUMURAP ako at napayuko. “Pumunta ako sa bahay niya at inasikaso siya dahil tama naman si Ma’am Eisha. . . na mataas ang lagnat niya at walang puwedeng mag-asikaso sa kanya. Pagkatapos. . ." Sumulyap ako sa kanya. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa akin ngunit kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. “Kahapon, pagkagaling ko kay Auntie Levi, d-dinalaw ko ulit ang kambal mo dahil nag-aalala ako sa kanya. Naglinis ako ng kaunti at hinandaan siya ng pagkain. . . saka lamang ako umuwi rito." Tumikhim ako. Pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko dahil sa pagsasabi ng totoo. Katotohanang dapat niyang marinig mula sa akin dahil ayaw kong sa iba pa niya malaman... “S-sorry kung hindi ako nagsabi. . ." saad ko sa napapaos na boses. “O kung nagsinungaling ako para pagtakpan ang pagpunta ko sa kambal mo. Nag-aalala lang ako dahil walang nag-aasikaso sa kany
NAGING mas malalim ang sunod kong paglunok dahil sa huli niyang sinabi. Parang nasa karera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito, tila ba walang makakapagpakalma dahil sa mga salitang binitiwan ni Eionn. . . Ramdam ko rin ang pag-iinit ng buong mukha ko, pati na ang aking katawan. . . "O-okay. . ." Naramdaman ko ang mainit na pagtawa nito at pagkatapos ay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. "Okay?" Tumikhim ako. "S-sabi m-mo magre-recharge ka lang." "Hmm, yeah, I said that," aniya at hinalikan ako sa aking panga. "E, bakit may paghalik. . ." Halos manliit ang boses ko nang maramdaman ko ang umbok na galing sa kanyang pantalon. Napapikit ako. Awtomatikong nagdikit ang mga hita ko dahil sa pamilyar na sensasyon na nagsisimulang kumain sa akin. "This is how I recharge myself. . ." w
SUOT ang isang off shoulder champagne party dress na tinernuhan ng puting sandals, humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking pustura. Halos nagmukha akong mayaman sa tindig ko. Nakatali paitaas ang aking buhok habang may kaunting takas ng mga hibla sa magkabilang gilid ng mukha ko, may kaunting blush on din sa aking mga pisngi at pulang lipstick sa aking labi. Kahit na morena ang kutis ko ay bumagay sa akin ang dress. Lumunok ako habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko na pumayag sa request ni Eionn. Huwag naman sana akong tingnan ng mga taong makakasalamuha namin do'n. Baka kapag nalaman nilang mahirap lang ako at naninilbihan bilang isang katulong ay pagtawanan ako. Hindi naman siguro aabot sa gano'n gayong premiere night lang naman ang pupuntahan namin, hindi ba? Kumbaga ay manonood kami ng pelikulang pinaghirapan niya sa malaking sinehan
ILANG araw na ang nakalipas matapos ang nangyaring pag-aaway nina Eionn at Lance. Hindi na namin pa napag-usapan ang tungkol sa pangyayaring 'yon. Sa tuwing sinusubukan naman akong kausapin ni Eionn tungkol sa nangyaring paghahamak sa akin ni Lance ay agad kong iniiba ang usapan dahil ayaw ko nang alalahanin pa ang lahat ng mga masasakit na salitang binitiwan ni Lance. Masaya na ako na kahit papaano ay may isang taong hindi ako pinagdududahan. . . iyon ay walang iba kung 'di si Eionn. "Elle, ako na ang gagawa niyan," masuyong wika ni Eionn. Nagulat pa ako nang kunin niya mula sa mga kamay ko ang vacuum. Pagkatapos mag-almusal ay sinimulan ko ang paglilinis sa sala. Inuna ko ang pag-vacuum ng carpet. Akala ko ay busy si Eionn sa pagpapahinga pero heto siya at nang-aagaw ng gawaing bahay. "Teka, ako na, Eionn!" Kukunin ko pa sana ang vacuum sa kamay niya kaya lang ay inilayo
NAGISING na lamang ako nang maramdaman ang marahang mga haplos sa aking pisngi. Pagkamulat ng mga mata ko ay ang namumungay na mga mata agad ni Eionn ang una kong nakita. Ramdam ko pa ang antok pero hindi ko magawang alisin ang paninitig sa mga mata niyang animo'y nakikipag-usap sa akin. "The movie has ended," bulong niya habang patuloy pa rin ang paghaplos sa aking pisngi. Saka lamang ako natauhan dahil sa narinig. Mabilis akong umayos ng upo mula sa pagkakasandal sa kanyang balikat. Tiningnan ko agad ang pisngi at gilid ng labi ko para masiguradong wala akong laway doon. Nakakahiya! Nakatulog ako habang nanonood kami ng movie! "Naku, pasensya ka na. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako," saad ko sa nahihiyang tono pagkatapos ay tinupi ang kumot na binili niya para sa akin. Masyadong malamig sa sinehan na i
MABIBIGAT ang mga talukap ng mga mata ko habang hinahayaan si Ma'am Eisha na ayusin ang aking buhok. Maaga pa lang ay nagpunta na siya rito sa bahay ng kapatid niya para tulungan ako sa pag-aayos. Katulad namin ni Eionn ay pupunta rin si Ma'am Eisha sa kasal ng kaibigan ng kuya niya at panigurado ay pupunta rin do'n ang isa pa nilang kapatid. Ang pasaway na 'yon. . . Sana lang ay hindi ko siya makita sa simbahan mamaya. Bumuntonghininga ako. Hanggang ngayon ay hati ang puso ko sa desisyong sumama kina Eionn sa kasal na 'yon. Hindi pa rin talaga mawala sa dibdib ko ang takot na baka mag-away na naman sila ni Lance nang dahil lang sa akin. Baka pagmulan pa nang pagkasira ng araw ni Brett at nang magiging asawa niya. "Elle, mukhang antok na antok ka. Hindi ka ba pinatulog ng kapatid ko kagabi?" makahulugang tanong ni Ma'am Eisha dahilan para magising ang diwa ko. "M-Ma'am Eisha!" bulalas ko.&nbs
ENGRANDE ang naging kasalan nina Brett at ang napangasawa niyang si Danica. Sabi ni Ma'am Eisha ay isa ang simbahan na ito sa mga pinakamalaki at kilalang mga simbahan dito sa Pilipinas. Pribado ang naging kasalan at tanging ang mga pamilya, malapit na mga kamag-anak at mga kaibigan lang ang naro'n. Unang beses kong makapunta sa kasalan kaya naman hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pagkatapos panoorin ang paghalik ni Brett sa kanyang napangasawa. Kita sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ramdam ko na itong araw na 'to ang pinakamasayang araw para sa kanilang dalawa. "You know what? Dami ring struggles ng couple na 'yan. Danica's parents didn't like Brett at first. Pakiramdam nila ay masamang impluwensya lang ito sa unica hija nila kaya ang dami nilang paandar para magkahiwalay ang dalawa," nangingiting wika ni Ma'am Eisha sa tabi ko. Pareho kaming nakatayo mula sa kinauupuan
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M