ENGRANDE ang naging kasalan nina Brett at ang napangasawa niyang si Danica. Sabi ni Ma'am Eisha ay isa ang simbahan na ito sa mga pinakamalaki at kilalang mga simbahan dito sa Pilipinas. Pribado ang naging kasalan at tanging ang mga pamilya, malapit na mga kamag-anak at mga kaibigan lang ang naro'n.
Unang beses kong makapunta sa kasalan kaya naman hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pagkatapos panoorin ang paghalik ni Brett sa kanyang napangasawa. Kita sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ramdam ko na itong araw na 'to ang pinakamasayang araw para sa kanilang dalawa.
"You know what? Dami ring struggles ng couple na 'yan. Danica's parents didn't like Brett at first. Pakiramdam nila ay masamang impluwensya lang ito sa unica hija nila kaya ang dami nilang paandar para magkahiwalay ang dalawa," nangingiting wika ni Ma'am Eisha sa tabi ko.
Pareho kaming nakatayo mula sa kinauupuan
GALIT kong pinagmasdan si Ehryl. Kita ko ang pagkatuso sa mga mata niya, na animo'y nagsasabi na wala akong laban at wala akong magagawa sa mga nangyari dahil kasalanan ko na nahulog ako sa kambal niya. . . Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib. Kinakain ako ng pagkabigo at gusto nang kumawala ng mga luha ko ngunit hindi ako papayag na makita nang lalaki na 'to kung gaano ako nasasaktan ngayon. "Masaya bang manakit ng tao, Ehryl?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Ngumisi ito. "Well, I am not hurting anyone but I guess, sometimes secrets could hurt you so bad, right Calys?" Nagtiim bagang ako. Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Isipin ko palang na tama si Ehryl ay nasasaktan na ako. Bakit nilihim sa akin ni Eionn ang tungkol kay Arlana? Bakit niya ako nagustuhan gayong may babae na pala siyang iba? Bakit?
"ELLE. . ." tawag sa akin nang pamilyar na boses mula sa aming likuran. Awtomatikong nabitin ang paghinga ko dahil sa boses na 'yon ni Eionn. Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga nang malalim. Ni hindi ko siya magawang harapin man lang dahil mabigat ang emosyong kumakain sa akin. "I'm sorry I had to leave you for a moment. I just had to deal with something," dagdag pa niya. Nahimigan ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya dahilan para mapapikit ako nang mariin. "Ayos lang. Kasama ko naman si Ma'am Eisha," malamig kong sagot sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang gilid ko kaya mas lalong naghuramentado ang puso ko. Alam ko na nakatitig siya sa akin pero diretso lamang ang tingin ko sa platong nasa harap ko. "Are you mad at me?" tanong niya. "Hindi," tanging wika ko, hindi pa rin siya magawang tin
SUNOD-SUNOD na mga katok ang ginawa ko sa pinto ng apartment ni Auntie Levi. Mabibigat at basa ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Tila ba walang makakapagpaalis no’n, walang makapagpapahupa. “Auntie. . .” Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkatok. Alam kong narito siya dahil hapon pa lamang. Alas siete ng gabi ang palaging oras ng alis niya kapag pupunta sa trabaho. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. “Ano ba ‘yan! Grabe naman makakatok! Bakit ba—” lintanya ni Auntie nang buksan niya ang pinto pero agad ding natigilan nang makita ako. “Elle? A-anong nangyari sa ‘yo?” Namuong muli ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa aking tiyahin. “Auntie. . .” tawag ko sa kanya sa basag kong boses. Lumapit ako s
RAMDAM ko ang sakit ng aking sentido nang magising ako kinabukasan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana ang una kong nakita. Masakit man ang ulo ay nagawa ko pa ring bumangon at libutin ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Napabuntonghininga ako nang matantong narito ako sa aking kwarto sa apartment ni Auntie Levi. Amoy na amoy ang alak sa suot kong tube dress. Siguro ay dala ng kalasingan kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng damit pantulog. Dumapo ang kamay ko sa aking sentido at marahang minasahe iyon habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi masyadong klaro sa akin ang lahat dahil marami akong nainom na alak sa bigat ng nararamdaman ko kagabi. Sa isang iglap ay bumalik ang bigat na ’yon sa aking dibdib. Lumunok ako at mariing kumurap, pinipigilan ang sarili sa muling pagkabasag. Ni hindi ko alam kung paano pa babalik sa traba
MATAPOS nang naging pag-uusap namin ni Ehryl ay nagkulong na lamang ako sa kwarto. Sinabihan ko siyang umuwi na pagkatapos magkape pero sa mga naririnig kong ingay na nanggagaling sa sala ay paniguradong hindi niya sinunod ang sinabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala na akong lakas para makipagtalo at kaladkarin siya palabas ng apartment. Masyadong masakit ang ulo ko kaya naman pinili ko na lang na magpahinga. “Calys, I ordered pizza and lasagna. It tastes good. Do you want some?” Narinig ko ang boses niya mula sa labas ng aking kwarto, dahilan para unti-unti akong magmulat ng mga mata. Tumingin ako sa orasan na nasa itaas ng cabinet sa gilid ng aking kama. Ala una na pala ng tanghali, at hanggang ngayon ay nandito pa rin si Ehryl sa apartment? “Calys? You haven’t eaten anything on breakfast. You need to eat,” dagdag pa niya
KINABUKASAN. . . Matapos ang ilang beses na pag-iisip ay naging buo na ang desisyon ko na umalis sa aking trabaho. Mabigat man ang mga mata dahil sa buong gabing pagluha, naninikip man ang dibdib sa pagkabigo, pinili ko pa ring gawin ang dapat—ang tapusin ang lahat. Kung ito lamang ang magbibigay ng katahimikan sa akin, gagawin ko. Tanghali nang tawagan ko si Ma’am Eisha. Kabado man ay sinubukan ko pa ring magpakatatag dahil kung hindi ko ito gagawin ngayon, mas lalo lang akong mahihirapan. . . masasaktan. “I’m not really sure if it’s a good idea, Elle.” Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Ma’am Eisha nang sabihin ko sa kanya na gusto ko nang mag-resign sa trabaho. “And honestly, that’s the last thing I would want to hear from you after what happened. Halos dalawang araw kang walang paramdam. Eionn almost lost his mind thinking you’r
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M