MAAGA akong nagising kinabukasan dahil gusto kong ipagluto ng almusal si Eionn. Alam kong dinamdam niya ang mga nasabi ng kambal niya kagabi na kahit pa sinabi ko ng mali ang mga naging pahayag ni Ehryl ay halata pa rin sa mga mata niya ang pagkabalisa, bagay na hindi ko gustong magtagal sa isipan niya.
Hindi niya dapat maramdaman ang gano’n. Ang malungkot dahil sa pag-iisip na kinamumuhian ko siya gayong hindi naman ‘yon ang totoo. Siguro no’ng una ay gano’n ang naramdaman ko dahil hindi ko pa alam na dalawa pala silang Zendejas, na may kambal siya, pero ngayon ay mas naging klaro na sa akin na hindi ko siya dapat kagalitan o kamuhian.
Bakit ako magagalit sa isang taong walang hinangad kung hindi mapabuti at protektahan ako? Alam ko na naging masama ako sa kanya noon pero sa totoo lang ay pinagsisisihan ko na ‘yon. Hindi niya deserve ang gano’ng pagtrato sa kanya. . .
&n
FROM: Ma’am Eisha Elle, I know Eionn won’t like this favor but can you please check Ehryl for me? He’s at his home and is unfortunately sick. He has a fever but I am still at work. I’m just worried that he may end up dying alone (lol) so can you please check on him? I already prepared some meds and food for him. Thank you, Elle! Sorry for this hassle. :( Ito ang nabungaran kong text ni Ma’am Eisha nang magising ako pasado alas-singko ng hapon. May sakit daw si Ehryl? Alam kong masama pero hindi ko maiwasang ngumiti nang mapait. Tinatablan pala ng sakit ang demonyong ‘yon? Bumuntonghininga ako. Wala rin naman akong magagawa dahil kasambahay ako rito. Hindi ko magagawang pahindian si Ma’am Eisha dahil napakabuti ng trato niya sa akin. Naligo muna ako pagkatapos ay nagbihis ng komportableng sweater na medyo
PASADO alas siete na ng gabi nang tuluyang makatulog si Ehryl. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at kinumutan siya nang maayos. Hinaplos ko ang noo niya. Mainit pa rin siya pero hindi na nanginginig ang katawan niya kagaya kanina. Sana ay bumaba na ang lagnat ng lalaking ‘to. Kung anu-ano na lang ang nasasabi niya marahil ay dala ng kanyang lagnat. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Katulad ni Eionn ay napansin kong mahaba rin ang pilikmata niya. Napansin ko rin ang bawat parte ng kanyang mukha. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Tanging ang dimples lang yata ang pinagkaiba. Huminga ako nang malalim. Kahit alam kong si Ehryl ang kaharap ko, hindi maiwasan ng puso ko na hindi maghuramentado. Dahil ba sa mukha niya? Dahil nakikita ko si Eionn sa kanya? Hindi ko alam. Isa lang ang maliwanag sa akin. . . na naaawa ako sa kanya. Sa likod ng malademon
DAHAN-DAHAN kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ang mararahang haplos ng isang kamay sa aking buhok. Unang bumungad sa paningin ko ang mga maamo at nakakaakit na mata ni Eionn. Masuyo itong nakatingin sa akin habang may multong ngiti sa kanyang labi. Napakurap ako ng ilang beses. Nakayakap pa ako kay Sasha habang pareho kaming nakahiga sa sofa. Agad akong bumangon at tiningnan ang malaking wall clock sa gitnang bahagi ng pader. Alas dies na pala ng gabi! “Kanina ka pa nakauwi?” kuryoso kong tanong. Kinusot ko ang isa kong mata at saka inayos ang aking buhok. “I just got home,” aniya sa napapaos na boses. Mula sa pagkakaluhod sa harap ng sofa ay naupo ito sa aking gilid. Pinagmasdan niya si Sasha at hinaplos ang balahibo nito nang may maliit na ngiti sa labi saka ako binalingan ng tingin. “Why are you sleeping here? Did you wait for me
WALA pang isang oras ay nakarating na kami sa pamilyar na parking lot sa harap nang building kung saan nakatira si Auntie Levi. Hinubad ko ang nakasuot na seat belt sa akin at bumaling kay Eionn. Hinubad din niya ang kanyang seat belt pagkatapos ay in-unlock ang mga pinto ng kotse. "I'll walk you to Levi's unit," marahan niyang wika nang balingan ako ng tingin. Maagap naman akong umiling. "Huwag na. Kaya ko na 'to. Diyan lang naman sa taas ang unit ni Auntie. Dumiretso ka na sa trabaho." "But what if something happens when you enter inside the building?" dagdag pa niya at halos kumunot ang noo. "Maganda naman ang seguridad ng building na 'to kaya wala kang dapat ipag-alala," saad ko at saka binuksan ang pinto sa aking gilid. "But what if—" "Kaya ko na, Eionn. . ." Nilingon ko ito at n
PASADO alas kuwatro na nang makarating ako sa harap ng mansyon ni Ehryl. Luminga-linga ako sa paligid at saka malalim na lumunok. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mabalisa. “Oh, Elle! Dalawin mo ulit si Sir Ehryl?” bungad sa akin ni kuyang guard na nakabantay sa gate. “O-opo, Kuya. Nariyan po ba siya? Kumusta po pala?” “Oo, narito siya. Sinubukan ko siyang painumin ng gamot kagabi kaya lang ay masyadong tamad bumangon. Pasok ka, hija!” tugon ni Kuya. Binuksan nito ang gate para sa akin. Tumango lamang ako at saka pumasok na sa loob. “Nagpunta po ba rito si Ma’am Eisha?” tanong kong muli habang nakatingin sa malaking mansyon. “Oo, dumalaw nang mga hating gabi pero umalis din agad. Mukhang maayos naman na si Sir Ehryl at nakatay
HINDI ako bato. Kahit na gaano ko pa itago ang emosyong kumakain sa sistema ko, alam kong nababagabag ang kalooban ko sa mga sinabi ni Ehryl sa akin. Kaya ko mang magpanggap sa harap niya na parang wala lamang sa akin ang mga bagay na ‘yon, sa kaibuturan ng puso ko, alam kong hindi ko ‘yon kayang balewalain. Sadyang ayaw ko lang talagang makita ng mga tao na nagiging apektado ako kapag gusto nila akong saktan. Lalo na ni Ehryl. Nagawa ko pa rin siyang ipagluto ng kanyang ulam. Nang matapos ay lumabas na ako ng kusina at walang kaimik-imik na dinaanan ang sala kahit na naro’n siya at naghihintay. “Uuwi ka na?” kuryoso niyang tanong. “Oo. Tapos na ako rito,” malamig kong tugon nang hindi man lang siya nililingon. Dala ang bag at ang mga pagkain galing kay Auntie Levi ay dumiretso na ako sa malaking double doors at binuksan ‘yon
KUMURAP ako at napayuko. “Pumunta ako sa bahay niya at inasikaso siya dahil tama naman si Ma’am Eisha. . . na mataas ang lagnat niya at walang puwedeng mag-asikaso sa kanya. Pagkatapos. . ." Sumulyap ako sa kanya. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa akin ngunit kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. “Kahapon, pagkagaling ko kay Auntie Levi, d-dinalaw ko ulit ang kambal mo dahil nag-aalala ako sa kanya. Naglinis ako ng kaunti at hinandaan siya ng pagkain. . . saka lamang ako umuwi rito." Tumikhim ako. Pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko dahil sa pagsasabi ng totoo. Katotohanang dapat niyang marinig mula sa akin dahil ayaw kong sa iba pa niya malaman... “S-sorry kung hindi ako nagsabi. . ." saad ko sa napapaos na boses. “O kung nagsinungaling ako para pagtakpan ang pagpunta ko sa kambal mo. Nag-aalala lang ako dahil walang nag-aasikaso sa kany
NAGING mas malalim ang sunod kong paglunok dahil sa huli niyang sinabi. Parang nasa karera ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito, tila ba walang makakapagpakalma dahil sa mga salitang binitiwan ni Eionn. . . Ramdam ko rin ang pag-iinit ng buong mukha ko, pati na ang aking katawan. . . "O-okay. . ." Naramdaman ko ang mainit na pagtawa nito at pagkatapos ay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. "Okay?" Tumikhim ako. "S-sabi m-mo magre-recharge ka lang." "Hmm, yeah, I said that," aniya at hinalikan ako sa aking panga. "E, bakit may paghalik. . ." Halos manliit ang boses ko nang maramdaman ko ang umbok na galing sa kanyang pantalon. Napapikit ako. Awtomatikong nagdikit ang mga hita ko dahil sa pamilyar na sensasyon na nagsisimulang kumain sa akin. "This is how I recharge myself. . ." w
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M