NAGTATAKA si Federico bakit pilit siyang inaabala ni Leo sa kasagsagan ng meeting with investors. He can’t cancel the meeting, so he proceeds. But after an hour, Leo interrupted him while talking. Lumapit ito sa kan’ya at bumulong. “You need to go to your office right away. May problema,” anito. Nilamon naman siya ng kaba at inisip ang kan’yang mag-ina. “Ikaw muna ang bahala rito,” aniya. Nagpaalam na siya sa investors. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng conference room at kaagad lumulan ng elevator. Nagtaka siya bakit tila nakakita ng multo ang bodyguards na nakatambay sa labas ng kan’yang opisina. “What happened?” ‘takang tanong niya sa bodyguards. “H-Hindi po ba kayo pumasok dito kanina, sir? I mean, bumalik kayo mula sa meeting?” sabi ng isang guwardiya. “No. I had never left the conference room since I arrived. Why? Is my family okay?” natataranta niyang tanong. “Eh, sir, pumasok kayo kanina at hindi na lumabas. Pero iba ang suot n’yo,” giit ng isang lalaki. He was s
Terakhir Diperbarui : 2024-03-01 Baca selengkapnya