UMALIS na si Terra pagkatapos tumulong sa hugasin. Kausap naman ni Federico si Stefano, at pansin ni Monica na lumilihis ng usapan ng dalawang binata. Nabanggit ni Stefano ang pangalan ni Terra. Pagkatapos ng trabaho sa kusina ay kinuha na niya si Kenji kay Federico. Papikit-pikit na ito kaya dinala niya sa kuwarto at pinatulog. Sinamahan na niya ito sa kama. Ang bilis nakatulog ni Monica pero kagaad din siyang nagising nang maramdaman ang paglundo ng kama. Namataan niya si Federico na nakaupo sa tabi ni Kenji. Hinihipo nito ang ulo ng bata. “Naisturbo ba kita?” tanong nito nang mapansin siyang nagmulat na ng mga mata. “Ah, h-hindi naman. Umidlip lang talaga ako.” “Nakumpleto mo na ba ang requirements para sa kasal, Monica?” pagkuwan ay tanong nito. “Ah, hindi pa. Iyong CENOMAR pa. Baka next week ko na makuha.” “No worries. We don’t need to rush it. Once naayos na lahat ng kailangan mo, magpapakasal tayo sa huwis. Then, we will proceed to Italy. Magpapakasal tayo ulit doon.” N
PILIT binalewala ni Federico ang napansin niyang lalaki at tumuloy sa second floor. His main targets were there. Mas maraming kalaban siyang nakaharap at naubusan na ng bala ang kan’yang M16. He use 45 caliber instead. Pagdating niya ng third floor ay naabutan niya ang lalaking paakyat ng hagdan patungong rooftop. Namukhaan niya ito, isa sa target nila na na-trace na ang profile kaya may picture siyang nakuha. Binaril niya ito at tinamaan sa kanang hita kaya nadapa sa hagdanan. May backup ito kaya hindi niya kaagad nalapitan. Kumubli siya sa likod ng poste dahil pinaulanan siya ng bala ng kalaban. May umaandar na helicopter sa rooftop at malamang ay tatakas ang target. He opened the line for Duke to inform him about the situation. “Duke, where are you?” tanong niya. “I’m on my way to your area!” tugon naman nito. “Can you see the rooftop? There are helicopters there. Mukhang tatakas ang targets!” “I saw them. Pasasabugin ko ang helicopters nila.” “Do it, please. I’m trapped her
KAAGAD pinutol ni Monica ang tawag matapos mapakinggan ang boses ng lalaki. Iginiit niya na baka nagkataon lang na kaboses iyon ni Federico. Wala namang ibang tao na nakakaalam sa numero niya maliban kay Boggy at sa dati niyang boss. Lalo tuloy siyang hindi nakatulog dahil sa kung anong naiisip. Umaga na nakatulog si Monica pero dalawang oras lang. Hindi na siya makabalik ng tulog dahil dinadaganan siya ni Kenji sa dibdib. Nag-iingay na ito at hinihila ang kan’yang buhok. Malamang ay nagugutom na ito. Nang ayaw pa rin niyang bumangon ay umupo sa mukha niya si Kenji. Napaingos siya dahil sa mapangheng diaper ng bata, napuno na pala ng ihi. “Ano ba ‘yan, anak! Nahihilo pa si Mommy, eh,” angal niya. “Ma-ma, aper,” sabi nito sabay turo sa diaper na lumubo na. “Oo na. Huhubarin na ‘yan ni Mama.” Bumaba na siya ng kama at binuhat si Kenji. Dinala niya ito sa banyo at doon hinubaran ng diaper. Pinaliguan na rin niya ito. “Mama, mikmik,” ani Kenji. Natawa siya. Marami nang nasasambit n
NAGTATAKA si Federico bakit pilit siyang inaabala ni Leo sa kasagsagan ng meeting with investors. He can’t cancel the meeting, so he proceeds. But after an hour, Leo interrupted him while talking. Lumapit ito sa kan’ya at bumulong. “You need to go to your office right away. May problema,” anito. Nilamon naman siya ng kaba at inisip ang kan’yang mag-ina. “Ikaw muna ang bahala rito,” aniya. Nagpaalam na siya sa investors. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng conference room at kaagad lumulan ng elevator. Nagtaka siya bakit tila nakakita ng multo ang bodyguards na nakatambay sa labas ng kan’yang opisina. “What happened?” ‘takang tanong niya sa bodyguards. “H-Hindi po ba kayo pumasok dito kanina, sir? I mean, bumalik kayo mula sa meeting?” sabi ng isang guwardiya. “No. I had never left the conference room since I arrived. Why? Is my family okay?” natataranta niyang tanong. “Eh, sir, pumasok kayo kanina at hindi na lumabas. Pero iba ang suot n’yo,” giit ng isang lalaki. He was s
LABAG man sa loob ni Monica na umalis sa bahay ni Fernand, wala siyang choice kaysa maipit sa away ng magkapatid. Hindi matanggap ng sistema niya na si Fernand ang tatay ng anak niya. Wala siyang maramdamang pananabik dito, sa halip ay nilamon siya ng takot. Nang makuha ang mga gamit sa bahay ni Federico ay nagpahatid na siya sa driver sa bahay nila. Nagising na si Kenji at walang malay sa nangyayari. Nawindang naman ang kan’yang tiya nang makita silang mag-ina. “Bakit, Monica?” balisang tanong ng ginang. Tumulong naman ang driver at dalawang bodyguards sa paghakot ng kan’yang gamit. “Dito na muna kami, Tita,” aniya sa garalgal na tinig. Katatapos lang kasi niyang umiyak. “Ay, bakit? Nag-away ba kayo ni Federico?” “May nangyari po, magulo.” Dumiretso na siya sa kusina at nagtimpla ng gatas ni Kenji. Sinundan siya ng ginang. “Ano ba ang nangyari?” “Bumalik po ang kakambal ni Federico. Sinabi niya na siya ang totoong tatay ni Kenji at gusto niyang kunin ang bata.” “Diyos ko! Te
MULING lumabas ng kuwarto si Monica kasunod si Federico na itim na boxer lang ang suot. Dumating na ang kan’yang tiya na namalengke pala. Hindi rin nito kasama si Kenji. “Ano’ng problema, Monica?” balisang tanong ng ginang. “Si Kenji po, nawawala!” aniya. “Ha? Narito lang siya kanina, ah. Bago ako umalis, lumabas ng kuwarto n’yo si Kenji. Pinainom ko siya ng gatas. Tapos pinapasok ko rin siya ulit sa kuwarto kaso sira ang lock ng pinto kaya hindi naisasara maigi.” “Eh, nasaan na siya?” Hindi na siya mapakali. Lumabas pa ng bahay si Federico at kinausap ang tauhan. “Hindi naman daw lumabas si Kenji,” sabi nito nang makabalik, balisa na rin. Mayamaya ay may humilagpos na kung ano mula sa loob ng tindahan ng kan’yang tiya. Sabay pa silang tumakbo ng ginang patungo sa tindahan. Hindi nakasara maigi ang pinto nito kaya itinulak lang niya. Pagpasok nila ay namataan nila ang batang namutakti ng chocolate ang mukha. Kandong pa nito sa mga hita ang plastic na garapon na lalagyan ng stic
UMINIT na ang ulo ni Federico dahil sa mga akusasyon sa kan’ya ni Fernand. He lets him burst his nonsense sentiment in front of him, but he analyzes how Fernand states his sentiments. Kung papatulan niya ito ay lalong hindi sila magkakaintindihan.“You should stay away from Wilfredo, Fernand. I know he was just using you against me,” he said.“Really? How can I believe you? Wilfredo was better than you, and I could feel his care for me, unlike you!”Nasaktan ang ego niya sa sinabi ni Fernand. He can’t blame him, either. He didn’t show care for his brother, but he really did. Hindi lang talaga siya natuto noon magpakita ng emosyon.“You’re just looking to my bad side, and that blinded you about my care for you. Hindi man tayo nagkasundo sa maraming bagay pero palagi akong nagpapakumbaba. Hindi mo lang na-appriate ang mga bagay na binalewala mo.”Fernand chuckled. “I never expect you will change, Federico. We’re opposite, and people who don’t know your dark side praised you, and they th
TAWAG nang tawag si Monica kay Federico at kabado na dahil hindi pa bumabalik ang mga guwardiya. Alas-sais na ng hapon. Nakaapat na dial na siya bago sumagot si Federico. “Hay, salamat!” aniya. Napaluklok siya sa sofa at naibsan ang kan’yang kaba. “Monica, stay inside your house. Hindi ko muna pinabalik diyan ang guwardiya m dahil nagsu-survey ang mga pulis. Hinahanap nila ang mga sindikatong nanghuli ng residente riyan. Baka mapagdudahan ang tauhan ko dahil umaaligid sa baranggay n’yo,” ani Federico. “Eh, paano ‘yan? Susunduin mo ba kami ni Kenji ngayon?” “Yes, pero baka ma-late ako. May pinipirmahan pa akong papeles. Basta huwag kayong lalabas ng bahay.” “Oo. Dito lang kami sa loob maghihintay. Pero ano ba ang modos ng mga sindikato?” “I don’t have an idea. Puwedeng may kinalaman sa ilegal na droga ang ginagawa nilang pagdakip sa mga tao.” “Hindi kaya tauhan din ni Wilfredo ang mga sindikato at gusto lang bulabugin ang mga pulis? Kasi ang weird bakit dito pa sa baranggay nami