Lahat ng Kabanata ng You're Gonna Miss Me When I'm Gone: Kabanata 271 - Kabanata 280
358 Kabanata
Kabanata 271 May Bubugbugin na Isang Tao
Bahagyang ngumiti si Calista. Ang kanyang mga mata ay may lumiwanag ng may kapilyuhan, ngunit siya ay may mapanuksong ngiti."Sa tingin mo ba nagkataon lang ‘yon?" Binitiwan siya ni Lucian at itinaas ang kamay para isuksok ang mga hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga, at sinabing, "Hindi, hindi ito nagkataon. Maraming pangit na gawain sa industriyang ito, ngunit hindi ako kailanman nasangkot sa anumang bagay. Kaya't huwag mo na ako tanungin kung may alam ako sa susunod" "Isang beses lang ako nadamay, at iyon ay yung kasama ka. Kaya naman, ako ang kusang lumapit sa iyo." Si Lucian ay bihirang makipag-usap ng ganito. Ang kanyang pagtatangka sa pambobola ay nagiging prangka at madamdamin, tulad ng mga liham na isinulat ni Hector noong mga araw na sila’y nag-aaral pa. Ang mga iyon ay parang mga tula.Kaya naman, hindi siya sigurado kung ipinagtatapat ni Lucian ang kanyang pagmamahal o sinasagot ang kanyang tanong. Habang si Calista ay nagiisip-isip, si Lucian naman at nagpalit
Magbasa pa
Kabanata 272 Nakulong ng Limang Araw
Nakita na ni Calista ang estado ni Zachary bago pa man natakpan ni Lucian ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga kamay ay nasa ibabaw ng kanyang ulo, at siya ay nabaluktot na parang isang bola. Naghalo ang dugo at ihi niya sa buong lupa. Ito ay isang maruming tanawin upang makita. Sa tuwing nakikita niya si Zachary, mas lalo itong miserable at naghihikahos. Hindi na maalala ni Calista ang mapagmataas na hitsura niya noon bilang pinuno ng isang pamilya. Hinila ni Calista pababa ang kamay ni Lucian na nasa mata niya at sinabing, "Tara na." Hinawakan ni Lucian ang kanyang kamay, pinag-dikit ang kanilang mga daliri. Nang humigpit ang hawak niya ay may naramdaman siyang malagkit sa kanyang mga daliri. Napagtanto niyang baka may dugo siya sa kamay ni Zachary. Itinaas niya ang kanilang mga kamay at napansin ang isang pulang guhit ng dugo sa maputing kamay.May ilang dugo din ang tumalsik sa mukha niya. Kumunot ang noo niya, at may nag-abot agad ng tuwalya sakanya."Mr. Northwood, l
Magbasa pa
Kabanata 273 Ang Kagustuhan Niyang Matulog sa Tabi niya
Nilinis ni Calista ang sugat at sinabing, "Hmm, naiintindihan ko. Salamat.""Nagawa nilang burahin ang lahat ng bakas ng kanilang mga sarili mula sa eksena nang mabilis at kumuha ng ibang tauhan para sisihin. Wala nang higit sa sampung organisasyon sa Apthon ang kayang gawin ito. Nagpadala ako ng mga tao upang bantayan sila, ngunit maaaring tumagal ng ilang taon ito."Hindi siya lumaki sa Apthon . Hindi magiging madali ang pagtuklas ng mga pundasyong itinatag doon sa loob ng maraming taon.Kung tutuusin, magiging walang saysay ang kanilang mga pagsisikap kung ang utak sa likod ng mga eksena ay madaling matuklasan.Sa kasong ito, kumilos sila nang maingat at nagkaroon ng maraming backup na plano. Natatakot si Lucian na baka alertuhan niya ang mga ito kung hawakan niya ang mga bagay nang walang ingat.Ito ay magiging mas mahirap na hulihin sa hinaharap. Kailangan niyang tumapak nang maingat, na mangangailangan ng kaunting pagsisikap.Hinala niya kahit ang mga larawan ni Calista ay
Magbasa pa
Kabanata 274 Subukan Muli
Habang pauwi ay ramdam pa rin ni Calista ang mabigat na tingin ni Lucian sa kanyang likuran. Si Yara ay naka-upo sa tabi ng mesa, nagbabalat ng ilang hipon ng naka gloves. Ang karne ay maayos na nakaayos sa isang tabi. Napalingon siya nang bumukas ang pinto at nakita niyang nagtanggal ng sapatos si Calista. "Bakit ka ba nagmamadali? May sumusunod ba sayo?" Napatingin si Calista sa mesa. Walang ibang nahawakan maliban sa karne ng barbeque, na lumamig na. "Bakit hindi ka pa kumakain?" "Hinihintay kita," sagot ni Yara, tinanggal ang gloves niya para lagyan siya ng isang baso ng wine. "Hindi mo naman sinabing hindi ka na babalik. Hindi ko kayang ubusin ang lahat ng pagkain na ito ng mag-isa. Nagbabalat ako ng hipon habang naghihintay sa iyo. Kung hindi ka pa babalik pagkatapos kong matapos ‘to, mauuna na akong kumain." Medyo nauhaw si Calista at uminom ng wine."Ito ba ang iyong ideya ng isang diet?" Hindi nakasagot ng maayos si Yara sa komento at nagsimulang ilabas ang ka
Magbasa pa
Kabanata 275 Inom Tayo
Sinadya ni Calista na kumuha ng ilang impormasyon mula kay Liam. Gayunpaman, sa halip na makakuha ng anumang kapaki-pakinabang mula sa kanya, nakuha niya ang kanyang sarili sa isang mahirap na kalagayan. "Hindi kita kailangan dito. Alamin mo saan ka maghinhintay." Ang apartment ni Paul ay may one-bedroom layout, at kahit may mga extrang kwarto, hindi niya maaaring hayaang pumasok ang isang estranghero tulad ni Liam, na walang alam tungkol sa kanya. "Bodyguard mo ako, kailangan kitang protektahan. Paano ko magagawa iyon kung hindi kita kasama sa bawat pupuntahan mo? Pwede ako sa sofa matulog."Kumunot ang noo niya, napagtantong wala na siyang pwedeng tulugan dito. Hindi man lang umatras si Calista."Pwede kang bumili ng tent at itayo mo sa labas. Business associate lang ako sa lalaking nabanggit mo. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha niya, ni hindi ko alam kung iisang tao ang pinag-uusapan natin. Sa palagay mo ba, sa sitwasyong ito, mapagkakatiwalaan ko ang isang taong inutusan n
Magbasa pa
Kabanata 276 Iuuwi Ka
Hindi siya pinansin ni Calista, tumalikod, at pumunta sa banyo. Hindi niya narinig ang pagkakatok, at paglabas niya, may isang lamesang puno ng pagkain sa coffee table at isang malaking tumpok ng alak sa sahig. Mayroong lahat ng uri ng alak at maging ang mga cocktail wine. Naramdaman ni Calista na hindi siya pumunta dito para uminom kasama niya. Marahil ay nagalit siya sa kanya matapos siyang tanggihan at gusto siyang patayin gamit ang alak. Hindi siya makainom ng higit sa limang bote ng beer. Kailangan nilang tumawag ng ambulansya pagkatapos nilang matapos ang lahat. Nagpadala ng mensahe si Lucian kay David, "Galit na naman siya." Sumagot si David, "Mr. Northwood, may nasabi ka bang ikagalit ulit ni Mrs. Calista?" Ramdam niya ang kanyang pagkadismaya kahit sa screen. Napaawang ang labi ni Lucian. Kung hindi niya sinabi iyon, hindi siya papasukin ni Calista, at sinabi niya lang ang totoo.Kaya't sumagot siya, "Wala." "Mr. Northwood, kailangan nating matutong magbigay n
Magbasa pa
Kabanata 277 Sexually Dysfunctional Ka ba?
Hindi alam ni Lucian kung naiintindihan niya, ngunit masunurin siyang umupo. Hinawakan niya si Calista, at hindi siya tumutol. Hindi siya gaanong magaan, at ito ay kayang-kaya niya sa ilalim ng normal na mga pangyayari. Gayunpaman, kapag lasing, ito ay medyo mahirap.Habang sinisimulan siyang buhatin ni Lucian, nanghina ang mga braso at binti nito, at pareho silang bumagsak sa sofa. Sa kabutihang palad, ang apartment ay pag-aari ni Paul, at pinili niya ang mga de-kalidad na gamit pang bahay.Malapad at malambot ang sofa kaya naman nang mahulog si Lucian ay ginamit niya ang kanyang siko para mabawasan ang impact at hindi tuluyang bumagsak sa ibabaw ni Calista. Itinukod niya ang sarili habang nakatingin sa tahimik na babae sa ilalim niya. Namumula ang mga kilay at mata ni Calista. Iba ang tingin nito sa kanya sa karaniwang pagtanggi at pangungutya niya.Lucian's long fingers slid along the contours of her face, " Paano kung hindi ito maganda ang kalabasan nito satin? Gugustuhin mo
Magbasa pa
Kabanata 278 Hindi ka karapat-dapat
Napuno ng pagkabigla, hindi makapaniwala, at maedyo nagpahiwatig ng pagka-awa si Calista, dahil kulang ito sa uri ng pagnanasang inaasahan ni Lucian. Ang kanyang mukha ay malamig, at siya ay nagngangalit ng kanyang mga ngipin, "Gusto mo bang maging totoo iyon?" "Well, hindi naman sa gusto ko 'yon.”Inilipat ni Calista ang kanyang tingin mula sa kanyang pagkalalaki pabalik sa kanyang mukha. Ngunit kung ganoon nga ang kaso, hindi gaanong magiging miserable ang pagkaka-kasal nila ng tatlong taon nang walang sex. Ito ay medyo nangangahulugan na wala siyang ganap na kasalanan at hindi lang siya interesado sa kanya. Hindi natuwa si Lucian sa kanyang mga sinabi. Lalong dumilim ang mukha niya. "Kung pwede mong bawasan ang kaligayahan sa iyong mga mata, siguro ay maniniwala ako sa iyo." Inamin ba niya ito? Hindi napigilan ni Calista ang sarili at nagpakawala ng mahinang tawa."So, hindi ka talaga makakapag-perform?" Hindi siya sinagot ni Lucian. Sa halip, hinila siya nito sa kanya
Magbasa pa
Kabanata 279 Isang Nakakamuhing Tao
Inis na pinandilatan ni Yara si Lucian at sinabi, "Naisip mo na ba kung paano alipustahin ng dati mong asawa ang lahat ng tao noon?"Natagpuan ni Lucian ang kanyang sarili na nawalan ng mga salita, isang bihirang pangyayari talaga. Pinagmasdan siya ni Calista na napahiya sa unang pagkakataon at hindi niya maiwasang mapatawa.Nabigo ang kanyang pagnanais na pigilan ang isang mapait na ngiti, at tumugon siya, "Mukhang may paraan ang universe para tanggihan siya."Lumipat ang tingin ni Yara sa namamagang paa ni Calista.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Whoa, anong nangyari sa paa mo? Nagpacheck ka ba sa doktor?"Pinagmasdan ni Yara ang silid na puno ng sari-saring bote ng alak habang papalapit kay Calista.Napakaraming seleksyon ng mga inuming nakalalasing na naka-display, mula sa mga pagpipilian sa nangungunang istante hanggang sa higit pang mga opsyon na angkop sa badyet.Agad na nakita ni Yara ang nakahanay pagkapasok sa sala.Dahil hindi naman pala-inom si Calista sa kanyan
Magbasa pa
Kabanata 280 Nakikipag-date
Tumingin si Calista kay Liam at bumulong, "Paanong ..."Kalmadong kinuha ni Liam ang phone niya sa bulsa at sinagot ang tawag. Habang ginagawa niya iyon ay nasulyapan ni Calista ang naka-display na numero. Hindi ito sa kanya."Sorry, kailangan kong sagutin ito," sabi ni Liam.Lumayo siya ng ilang hakbang para sagutin ang tawag. Samantala, patuloy na narinig ni Calista ang tunog ng beep sa kanyang telepono hanggang sa na-disconnect ito.Pinuntahan ni Liam si Calista matapos ang kanyang tawag."Saan tayo susunod na pupunta?" tanong niya."Uuwi na," sagot niya.Hindi na kinailangan ni Calista na bumisita araw-araw sa opisina ng Baker Group.Naitakda na ang kabuuang plano ng proyekto, at ang natitirang mga gawain ay tungkol sa pagpino sa mga detalye, na madali niyang gawin sa bahay.Maaari siyang magplano ng isa pang biyahe kapag handa na ang huling draft.Inabot ng dalawang linggo bago gumaling ang sprain sa paa ni Calista, ngunit pinaghigpitan pa rin siya nito sa paglalakad nan
Magbasa pa
PREV
1
...
2627282930
...
36
DMCA.com Protection Status