Kasalukuyang tinititigan ni Clary si Knox na mayroon pa ring tubo sa bunganga, at tulog na tulog pa rin ito. Nakatayo siya sa paanan nito, discharge na niya kasi pero wala pa ring progress ang kondisyon ni Knox. Napuruhan kasi ito sa ulo dahil sa aksidente gawa nga ng pinrotektahan siya nito, kaya dito lahat tumama ang sakit na sana para sa kaniya ang iba. Dumadaloy naman ang mga luha niya sa kaniyang mga mata habang sinasabi, "Hindi na ako magiging soft hearted, at hindi mo na ako kailangan protektahan pa. Hindi na ako sasandal sa'yo pagdating sa kapahamakan, babalik ako, pero hindi na ako kasing hina ng Clary na nakilala mo. Hindi ko alam kung kailan ka magigising, pero habang nakapikit iyang mga mata mo, at nakahiga ka lang diyan sa higaan mo, ang anak natin ay araw-araw na nasa panganib. Ako ang kikilos ngayon, kasi ako ang gising. Ipapakita ko sa'yo, Knox hindi ako soft hearted."Para bang ang salita iyon, ang pinakamasakit pakinggan na salitang natanggap niya. Masakit pakinggan
Read more