Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Kabanata 131 - Kabanata 140

Lahat ng Kabanata ng GENUINE LOVE IN DECIET : Kabanata 131 - Kabanata 140

186 Kabanata

Chapter 131: KNOX'S PROPOSAL

Walang magawa si Knox kundi bumalik sa karwahe at kumanta ulit. Nakita ni Clary ang kaniyang ina na seryoso lang pero mapapansin niya sa sulok ng labi nito na parang gusto nga nitong matawa. Lalo na't sa bawat pagkanta ni Knox napipiyok ito. Pagkatapos ng kanta bumaba ito sa karwahe at bumalik luhod sa harapan ng nanay niya."Can I marry your daughter, Mother?" "No. You failed again," ani ng ina niya. "Sing it again. Make it perfect."Gusto niyang umangal pero pinigilan siya ni Caitlin at Cassandra at inilingan. Tumayo si Knox at bumalik ulit sa karwahe. Kumanta ulit at pinagdadasal naman niya na sana hindi ito pumiyok. Ngunit ang ikatlong ulit, pumiyok na naman, basta nasa mataas na tono na nababalda talaga ang lalamunan nito. "Again, Li Wei," ani na naman ng ina niya, at nag-cross pa ng mga braso. Napansin niya sa panig ng nito na parang gusto nang magreklamo, naaawa sa prinsipe nila pero si Knox bumalik sa karwahe, tumikhim lang at kumanta ulit.Nakikita niyang hindi talaga ito s
Magbasa pa

Chapter 132: GOING BACK

"Hindi ka na ba magpapapigil, kuya?" tanong ni Ian kay Marcus na ngayon ay handa nang umalis. Nasa harapan sila nito lahat para pakinggan ang paalam nito. "I deserve this, Ian. Habangbuhay akong papatayin ng kunsensya ko na buhay ako tapos ang kambal mo hindi. Ang chance na ito mas deserve niya, alam mo iyon, pero ako ang nakatanggap. Hindi naman ibig sabihin nito, hindi niyo na ako makikita ulit. Pwede niyo akong bisitahin doon, at darating ang araw, titira kayo doon mga isang buwan para mag-training," paliwanag nito at tumingin kay Margarette. "Ako ang magtuturo." "Hindi ka ba malulungkot doon?" tanong ni Clary. "Malungkot doon pero mas okay na iyon. At kayo na bahala kay Ian ah. Turuan niyo maghandle ng negosyo, lalo ka na Clary, magaling ka sa ganoon, kahit anong klaseng negosyo alam mong patakbuhin, ikaw na bahala kay Ian para dun, okay?" pakiusap nito. "Anong negosyo kuya?" tanong niya nalilito. "Iiwan mo sa akin lahat ng iyon? Hindi ko kaya iyon, wala akong alam, Kuya" ang
Magbasa pa

Chapter 133: THE TRUE SECRET

Maayos naman ang pamamalakad ni Jasper ng Nautical. Hindi niya sigurado kung babalik pa si Clary oh baka tuluyan na itong kinuha ni Knox Wolthorn at hindi na pinakawalan pa. Ngunit kahit ganoon, handa siya sa pagbabalik nito. Dahil may mga matitibay na siyang mga dokumentong hawak niya. Salamat na lang talaga kay Lilith. At isa pa, may pirma si Clary sa pag-lipat ng kompaniya sa pangalan niya at walang ebidensya na hawak si Clary tungkol sa ginawa nila maliban sa sarili nito. Hindi niya rin alam kung nasaan na si Hake at Ian, baka nga nagpakalayu-layo na ang mga ito sa gulo alang-alang sa anak ni Hake na kakaopera lang noon. May dalawang buwan na ang nakalipas, mahigit pa nga, walang action si Clary. Takot na talaga siguro iyon kay Lilith ngunit ngayon, tumunog ang intercom niya at nang sagutin niya ito, secretary niya, "Sir, nag-request ang board members and shareholders ng meeting ngayon mismo po.""Meeting?" taka niyang tanong napahinto sa kaniyang ginagawa. "Hindi ko po alam ku
Magbasa pa

Chapter 134: BEING FOOLED

Badtrip na umuwi si Lilith dahil sa naganap na usapan sa pagitan ng kaniyang ama at ni Hector. Nais ng ama niya na ikasal na naman siya sa anak nitong sundalo rin ngunit sa nakikita naman niya sa anak ni Hector, ayaw siya nitong pansinin. Nadala na siya kay Knox noon, unang pagkakataon na pinakilala sa kaniya ang lalaking iyong halos naging hangin siya sa harapan nito naulit na naman iyon sa anak ni Hector, kaya ngayon, todo refused na siya. Mas gusto niyang bumalik sa dati niyang asawa dahil sandamakmak ang negosyo nun ngayon. Ngunit ang ama niya ay talagang ginigipit siya, lalo na't nagigipit ito sa paghihiwalay nila ni Knox Wolthorn nawalan siya ng rason sa MetalCrown. Dumagdag pa pagdating niya sa mansion nila ni Knox, walang tao, walang may nagbukas ng gate para sa kaniya, kaya todo tili siya, "Guard!" Walang may sumagot, kaya napilitan siyang bumaba at binuksan ang gate para sa kaniya. Pagbalik niya sa loob ng sasakyan, tumatawag si Jasper sa phone niya, badtrip siya kaya hin
Magbasa pa

Chapter 135: SOMETHING IS OFF

Mabuti na lang, hindi nagtagal si Jasper at nakarating agad ito. Nahihilo na siya sa sugat niya dahil sa sakit na nararamdaman niya nauubusan siya ng enerhiya. "Ano ba ang nangyari? Umuwi si Knox?" Hingal siyang sumagot dulot nang panghihina, "Ano pa nga ba? Binigla ako eh.""Dalhin kita sa hospital," ani nito at mabilis na pumalit sa driver seat niya. Umusog na kasi siya kanina pa para mas mapadali ang pagkilos nito. "Sandali, bago sa hospital..." Lumunok siya, napahinto naman itong tumingin sa kaniya. "Ano? Sinampahan ka ba ng kaso?" "Hindi," sagot nito at pinaandar na ang makina. "Ewan ko kung bakit pero tinakot ako, oo.""At natakot ka naman?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Talaga Lilith? Hindi ka natakot sa asawa mo? Mukhang tumakas ka nga sa lagay mo na ito eh. Ako pa kaya, sa buong pamilya ni Clary?" sumbat nito at pinatakbo na ang sasakyan. "Akalain mo pati may-ari ng Brilliant Chen, kuya niya? Si Cassandra at Caitlin pala ang mga kambal niya?" "Sino?" maang niyang tanong
Magbasa pa

Chapter 136: SETTLING DOWN

"A-Ah...k-kwan—""So totoong ama namin si Daddy at si Clary talaga ang hindi tunay na anak?!" tumaas ang boses ni Jasper sa pagsumbat sa ina. Pati si Ruby nawindang. "J-Jasper—""Ma naman! All this time pala, habang naiingit kami kay Clary dahil may ama siya, yun pala ang tatay niya ay ang totoong tatay namin? Siya iyong minahal ng totoong tatay namin tapos kami, ginawang saling-pusa sa buhay niya—""Kasi iyon ang nagagawa ng pera, Jasper!" sigaw ng nanay niya nang maging tense na ang panunumbat niya. Napanganga na si Ruby habang umiiyak sa nalaman. "Kinontrol kami ni Hershe gamit ang pera niya! Kung hindi kasi iyon gagawin ng tatay niyo, walang-wala tayo, dahil bankrupt nga ang kompaniya! Iyon ang ginawa ng nanay ni Clary sa atin! Kaya may rason tayo sa kompanya kasi bayad nila iyon! Bayad sa sarkripisyo na ginawa ng daddy niyo! Kami ang kasal, kahit nangyari iyon ng lihim lang, kami ang legal, hindi kayo illegitimate!""Ma! Pâtây na si Daddy!" tili ni Ruby at humagulhol ng iyak. "N
Magbasa pa

Chapter 137: DISCOVERIES

Kumain sila sa restaurant kung saan unang restaurant na napuntahan nila dati kakakilala pa lang nila, seafoods restaurant. Halatang gutom itong asawa niya kaya ang daming na-order. "Hindi ka ba nagsasawa sa seafoods? Seafoods na produkto mo seafoods pa rin itong in-order mo," puna niya dito, nagsimula na kasi itong kumain siya naman, nagpipiga pa ng lemon para sa sawsawan niya. "Ayaw mo ba? Pwede naman tayo lumipat sa ibang restaurant," sagot nito. "Hindi. Paborito ko nga ito eh. Baka nga kasi dahil paborito ko kaya ito ulit order mo, hindi mo na binibigyan sarili mo," tugon naman niya. "Hindi naman iyong putahe dito ang dahilan bakit dinala kita dito eh," ani naman nito. "Correction, pinapunta mo ako dito, hindi dinala," pagtama naman niya. Natawa ito. "Edi pinapunta, pero shempre naisip ko lang..." anito at napaturo ng hintuturo kahit may hawak na kutsara. "Unang punta natin dito, atat na atat kang mabawi ang kompanya mo kay Jasper, akalain mo pagbalik natin dito, nabawi mo
Magbasa pa

Chapter 138: THE BAWALS

Nabuga naman ng hininga si Clary, kakatapos lang niya maglinis ng katawan. Nakasuot na siya ng pantulog at mahiga na sana ngunit may naririnig siyang îgîk ng glass door na nagbubukas. Pagtingin niya roon gumagalaw na ang kurtina dahil sa pumasok na malamig na hangin. Familiar sa kaniya ang galaw ng kurtina na iyon at maya-maya may humawi rito. Napabuka siya ng bibig nang lumabas ang kalahating katawan ng asawa niya at parang batang yumakap sa kurtina. "Hi..." anito dahilan para matawa siya. "Bakit diyan ka dumaan? Pwede naman sa pintuan," tanong niya. "May order galing sa Mom mo na bawal ako papasukin dito kapag bumisita ako ng gabi, kaya dito ako dumaan," anito. Napatikom siya ng bibig at napatango na lang nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Dahan-dahan naman nitong sinara, pintuan. "Pero siyempre wais itong gwapo mong asawa kaya gumawa ako ng paraan," sabi pa nito na para bang ito lang ang assasin pero mommy niya hindi. Napairap siya at napasabi ng, "Sus...nanay ko
Magbasa pa

Chapter 139: HE'S COMING BACK

Kinabukasan, ganap ni Clary ay pakikipagdate lang kay Knox. Si Cassandra, nakipagkita lang din kay Darwin, si Viana shempre, work time, same kay Art, balik CEO life sa Brilliant Chen niya, habang ang ina naman nila, nanatili lang sa mansion ni Gran, inaasikaso ang mga papeles ng kompanya ni Clary. Si Ian naiwan sa mansion ni Viana kasama ni Hake at ng mga bata. Ngunit si Caitlin and Maxim, they're on the mission. Walang alam sila Knox sa ginagawa nila, buong araw silang nagmanman sa mansion ni Hector na alam ni Yun Xiao pero kahit isang anino ni Keegan or Hector wala silang nakita. Naka-black leather attire si Caitlin, na nakasuot ng sumbrero. Hindi siya marunong sa modern clothes kaya si Yun Xiao pa talaga ang nagturo sa kaniya na pumorma ng ganoon. Pagsapit ng tanghali, nagutom silang pareho, naghanap sila ng restaurant, ngunit dahil ayaw nilang lumayo sa mismong lugar huminto na lang sila sa tindahan na may ihaw-ihaw. Bumaba sila doon at kaniya-kaniya sila salang ng iihawin nil
Magbasa pa

Chapter 140: DISGUISE

Ang mahirap lang sa lagay nila, dahil wala silang weapon kaya hindi pwedeng basta-basta na lang sila haharap sa mga taong may mga baril. Kaya ang ginagawa nila ngayon, takas lang muna. May waepon nga sila pero sa mga relo na suot lang nila iyon, shuriken knife lang ang mayroon doon at retractable, hindi iyon sapat para sumugod sa tigsasampong katao na humahabol sa kanila na may mga armas. "Tara tara dito!" hinila siya ni Yun Xiao para lumiko pero kahit gaano ka-delikado ng sitwasyon nila, hindi pa rin niya binitawan ang ilang stick pa ng barbeque, may laman ng baboy, paa ng manok, hotdog, isaw, at dugo. Nakarating sila sa bayan ng lugar na iyon, pumasok sila sa lugar na sandamakmak ang bangketa, huminto si Yun Xiao sa pamilihan ng mga damit, puro mga pajama ang nakikita niya doon at sinabi pa siya. "Bitawan mo iyang hawak mo." "Gutom ako," rason na naman niya. Inis itong napabulong, "Lagi ka namang gutom." Nagkunwari itong namimili ng pajama at awtomatikong nakangiti ang tinde
Magbasa pa
PREV
1
...
1213141516
...
19
DMCA.com Protection Status