Para hindi makalikha ng gulo sa restaurant na iyon at para walang inosenteng madadamay, pumayag sila sa gusto ng mga ito, sumama na lang. Piniringan sila sa mga mata, at sinakay sa sasakyan. Pareho silang nakagapos at dinala sila sa lugar na hindi niya alam kung saan.Nang tanggalin ang piring sa kanilang mga mata, nasa loob sila ng tila abandonadong lugar pero napakasarado na. Nakaupo sila sa upuan, nakagapos, at may mahabang lamesa sa unahan nila, may distansya lang at may mga taong kakilala rin ni Yun Xiao na nagtatambay doon.Napabuga ng hangin si Yun Xiao, siya naman papilig ng ulo para maayos ang makalat niyang buhok. "Kamusta Maxim? May higit isang buwan ka ring nawala ah." Namukhaan niya ang lalaking nagsalita isa ito sa lalaking naghahabol kay Yun Xiao noon. Nagpatunog ng dila ang kasama niya at binanggit ang pangalan nito, "Ivan..." "Nandiyan na si Boss mamaya, Maxim. Sabi ko kasi noon, sumama ka na lang, kasi mahuhuli ka rin naman eh, gusto ka lang naman niyang makausap,
"Sarap ba luto ni Uncle?" tanong ni Ian sa mga mata habang kumakain. Turon lang naman ang mga iyon pero ginandahan niya ng design para naman ganahan ang mga ito. "Masarap po, kuhang-kuha mo na ang timpla ni Lola Ma," ani naman ni Angela, ang lola ang tinutukoy nito. Mabuti na lang nakapagsalita na ito kalaunan. Nakarecover na rin nang kaunti. Napaiwas siya ng tingin at pait na ngumiti. "Para ka rin po pala si Kuya Maxim, masarap po magluto," puna naman ni Arian, masisilayan na ang ngiti sa mukha nito kahit papaano. Si Alec lang ang hindi umiimik pero kumakain din ito. Naintindihan niya. "Sige damihan niyo ng kain, marami pa iyan." "Anong oras po uuwi si Kuya Maxim?" biglang tanong naman ni Alec. Napaisip siya. "Wala siyang sinabi, pero sigurado ako, uuwi iyon bago magdilim." Napatingin siya kay Hake na paparating, deretso ito sa kaniya at napansin niyang tila may importante itong sasabihin pero hindi bagay na marinig ng mga bata kaya bumulong ito, "Ang nanay nila Jasper nasa lab
Gabi na naman pero hindi ibig sabihin noon matutulog si Caitlin. Nagbihis siya, pang-kulto attire, at tumalon na naman sa bintana, diretso sa parking lot at kumuha ng isang kotse na naman. Umalis siya ng gabi dahil na naman iyon sa kalokohan niyang plano. Binihag na siya ni Hector, at dahil sa katotohanan na inilabas ni Yun Xiao pinakawalan sila nito, pero hindi pa alam ni Hector na siya ang babaeng tinutukoy ni Yun Xiao na mahal ni Sergeant. Pero ang tanong mahal ba talaga siya ni Sergeant? Hindi naman sigurado ang information na ito lalo na't wala naman silang relasyon ng sundalong iyon.Kung siya siguro, hindi niya gagawin ito kung wala siyang nararamdaman sa isang Sergeant Keegan Carreon na Captain na ngayon. Pinuntahan niya ang Carreon Institute of Tactical training, ang sabi ni Keegan sa harap lang daw ng Military school na ito ang bahay nito. Ipinarada niya ang sasakyan sa di kalayuan. Saka lumapit siya sa naturang lugar, masyadong tahimik, lalo na ang nasa Cafeteria. Dumaan
Tumayo si Caitlin, bumaba naman ng kama si Keegan at sinamaan ng tingin ang babae. "Cute, hehe kasi gumagalaw eh, gumagalaw siya sa kamay ko. Tingnan mo malaki na siya, so...hehe." Kinaway-kaway niya ang kamay niya. "Pampabuhay niya to."Dinuro nito ang kamay niya. "Pampabuhay..."Tumangi siya ng awkward. "Oo, p-pampabuhay..." napangiwi siya. "Susi yan," ani naman nito. "Susi?" naintriga siya. "Oo susi, kasi ito iyong pampabuhay," sabi nito halatang naiinis at dinuro pa ang harapan nito. "At iyan?" dinuro nito ang tiyan niya bumaba naman ang paningin niya. "Ito?" tinuro niya rin ang tiyan niya. "Oo iyan! Taga keep ng buhay! At itong ginagawa mo? Naninimula ka eh," ani nito at naintindihan naman niya ang ibig sabihin. Napayakap siya sa sarili niya. "Woi, bawal ba ma-curious lang?" Binanat nito ang garter ng pajama at sinilip ang sarili. Kitang-kita na rin niya ang hubog ng sandata nito na nanunulak na ng tela. Napaiwas siya ng tingin at napalunok, may naramdaman kasi siyang kaka
"Kyle! Wait! Kyle!" Habol-habol ni Keegan ang kapatid niya at ngayon naabutan niya itong nagda-dial ng phone deretso sa tenga. "Kyle, what's wrong?" Kailangan niyang magkunwari na nagtataka para makalusot. "What's wrong?" sarkastiko nitong tanong hinihintay na sumagot ang ama sa kabilang linya. "I saw you kissing that girl and it wasn't Ate Lilith. With my two eyes!" Dinuro pa nito ang dalawang mata. "The witness!" paglinaw nito. Natawa siya at nagkunwaring, "What?""Don't lie, kuya, I saw you," banta pa nito sa kaniya. Huminga siya nang malalim at mukhang mahimbing ang tulog ng ama nila, kaya hinablot niya ang phone nito. "Kuya!""I''m not kissing with someone, Kyle," kalmadong sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Really?""Yes!" "I hate lies, Kuya you know that.""Kung talagang may kahalikan ako, saan ang babaeng nakita mo, ano suot niyang damit?" tanong niya. "Sinasabi mo bang namalik-mata lang ako? Maganda siya, kaso weird ng suot niya, para siyang galing sa halloween
Sa opisina ni Viana tumungo si Clary at Knox upang kunin ang singsing na pinagawa nila kay Ino at nahulma na rin. Iyon ang wedding na sila lang ang may design, kung baga walang kahit sinong makakagaya dahil pati ang sketch ni Ino ay kinuha ni Knox. Limang klase iyon at ngayon sa loob ng opisina nasa harapan na nila ito. "Bagay ba?" tanong niya nang isukat ang isa, white gold iyon na may isang diamond at may unique pang design. "Bagay nga, kanina ko pa sinasabi, kahit anong singsing kasi sa'yo bagay basta mahal," katwiran naman ni Viana. "Ito try mo." Inabot naman ni Knox ang isang singsing sa kaniya gold iyon na may tatlong diamond na magkadikit kaya naghugis puso. Hinubad naman niya ang suot niya at sinukat ang bigay nito. Tiningnan pa niya ang pangalan, Xinyi ang nakalagay sa shank nito sa loob. Ngiting-ngiti naman siyang sinukat ito at tiningnan. "Ayan, bagay din. Pero feeling ko mas maganda iyan eh." Tiningnan niya si Knox. "Gusto mo ba ito?" "Bakit ako tinatanong mo? Ikaw?
Pagkababa ng Azara Gems Building, reklamo naman si Knox nang sumakay na sila sasakyan nila, "Pasalamat iyang Viana Viana na iyan bestfriend mo. Kung hindi...""Kung hindi?" bara niya habang nagkakabit ng seatbelt. "Kung hindi ipakain ko siya sa mga tuna sa dagat, gawin kong nucleus iyong mga mata niya para malaking perlas mabubuo nun," putak nito habang pinapaandar ang makina ng sasakyan. Natawa naman siya saktong bumwelta na ito. Tumunog ang phone niya, napatingin ang asawa niya sa kaniya. Kinuha naman niya sa loob ng bag iyon at tiningnan, awtomatiko naman itong nagtanong, "Sino iyan?" Selos na naman. Sumagot siya, "Lalaki ko." "Aba—" Sinamaan siya nito ng tingin pero ang totoo si Caitlin ang tumatawag. Sasagutin ka sana niya kaso hinablot nito at tiningnan. Diretso sagot na rin, "Bakit?" "Nasaan si Clary?" tanong ni Caitlin sa kabilang linya, ni-loudspeak kasi. "Kasama ko, bakit?" tanong ulit ng asawa niya. "Pakausap nga!" Tumingin sa kaniya si Knox sumagot naman siya, "I'm
"Sabi ko iyong natatakpan iyong peklat ko eh. Ayoko nito,"' reklamo ni Caitlin ng ipasuot sa kaniya ang off shoulder na dress. Long-sleeved naman iyon, maganda ang design maroon ang pang-itaas and black ang pang-ibaba, para raw kitang-kita ang tingkad ng ganda niya sa gabi. Pero off shoulder nga, pa-V pa ang sa harap halos makikita ang cleavage niya, katamtaman lang naman kasi ang laki ng bøøbs niya, kung baga hindi oversize, sapat lang para masabing sexy siya. Mini-skirt naman ang sa pang-ibaba, wala siyang peklat sa legs niya kaya ayos lang kung above the knee iyon, ang sa likod lang talaga niya ang problema. "At dapat hindi nakikita ang tattoo ko." "Ano ka ba..." ani naman ng bakla. "Ako ang bahala sa mga scars mo." Ani naman nito. At dahil nag-promise ito pinaubaya na lang niya ang gagawin nito sa kaniya. May mga nilagay ito sa balat niya, na pati tattoo niya ay matatakpan bukod doon kinulot nito ang buhok niya, nilagyan siya ng hikaw, nilagyan ng kolorete sa mukha kahit hindi
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal