Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of GENUINE LOVE IN DECIET : Chapter 151 - Chapter 160

186 Chapters

Chapter 151: THE AGREEMENT

"Sir ito na po ang mga paper bag," ngiting sabi ng katulong nila Keegan nang iabot nito sa lalaki ang pinakuha nitong mga paper bag. Glittered black gold ang design nito at hindi basta paper bag lang. Kinuha naman ito ni Keegan habang sinasabi, "Thank you, Lisa." Sobrang galang sobrang bait na mabagsik ang pakikitungo ni Keegan rito at mukhang wala namang problema sa patakaran dito sa mansion ng mga Carreon. Mukhang maayos naman ang pamamalakad ni Hector. Bakit kaya ito naging member ng El Trado? Maayos naman itong ama sa dalawang anak. Inabot naman ni Keegan sa kaniya ang mga paper bag na iyon, saktong may tumawag. "Keegan!"Boses ni Hector kaya sabay silang napaharap dito. "Yes Dad?""Can I talk Caitlin alone?" tanong nito. Napatingin naman si Keegan sa kaniya na alangan mag-Oo. Para bang nag-aalala. Nagkatinginan naman sila ni Hector, at para iwas hinala para kay Keegan tiningnan muna niya ang lalaki. "Okay lang."Ngumiti ito, at tumingin sa ama. "Sige Dad. Puntahan ko lang si K
Read more

Chapter 152: SECRET SAVIOR

"Pa ang ganda-ganda po ng damit ko," ngiting wika ni Angela kay Hake, habang nakaharap sa salamin. "Sana makita to ni Lola Ma.""Nakikita ka naman ni Lola Ma sa langit," tugon naman ni Hake. "Hindi lang talaga siya natin nakikita." "Talaga po? Bakit po ganoon hindi natin siya nakikita tapos tayo nakikita niya?" tanong naman ng inosente. "Dahil angel na siya, guardian angel mo na siya ngayon, at binabantayan ka niya palagi," sagot naman ni Hake. May kumatok sa kwarto kaya naputol ang usapan nila. Bumukas rin ito, "Tol, tara na." Si Ian iyon. Tumingin siya sa anak niya. "Tara na, Angi, alis na tayo.""Papa, maganda po ba sa china?" tanong naman nito nang tumayo na siya hawak ang kamay nito. "Siguro kasi nga isasama tayo doon ni Uncle Ian diba?" sagot naman niya, inayos pa niya ang lock ng sapatos nito. "Sana ganito din po ang bahay doon no? Iyong kama po sana kasing lambot ng higaan dito sa hinihigaan natin," ngiting-ngiti na sabi nito. "Maganda din ang higaan doon, Angi at bibi
Read more

Chapter 153: SECRETS

"Kompleto na ba ang lahat? Aalis na tayo," tanong ni Maxim habang hawak ang kamay ni Arian at katabi lang din nito ang kuya na si Alec dala-dala ang jar na may lamang abo ni Andrei. Napatingin naman si Clary sa mga kasama nila. Napansin niyang wala si Cassandra, "Wala pa si Cassy eh.""Nasaan siya?" tanong ng Mom niya. "Call ko," ani naman ni Caitlin sabay atupag ng cellphone. Bumuntong-hininga na lang ang ina niya, animo'y naiinip. Siya naman tumingin kay Knox tumingin rin ito sa kaniya. Iyong tipong mag-asawa na sila pero biglang naging awkward ang tinginan nilang iyon at talagang dinagdagan pa nito dahil kumindat ito sa kaniya. Dahil doon natawa siya, at mas lalong naging awkward pa dahil nagtama ang paningin nila ng mommy niya, tumingin rin si Knox rito, at sinamaan ito ng tingin ng mommy niya. Tumikhim-tikim na lang ang asawa niya. Alam niyang excited ito dahil ang dahilan ng pagbalik nila sa China ay kasal nila. Ngunit ng biglang, "Christian ano ba?!"Ang dinig niya sa pang
Read more

Chapter 154: UNCONTROLLABLE FEELINGS

Galit na galit si Lilith nang mapanood ang balita tungkol sa lalaking nahulog sa building sa airport. Naging malinaw sa kaniya kung bakit hindi na sumasagot sa tawag niya ang inutusan niya kanina. Nahuli yata ito ng mga Moretti kaya ganoon kabrutal ang sinapit. Galit na galit siyang nagwawala at naluluha sa sobrang frustration. Sukdulan hanggang langit ang galit niya kay Knox Wolthorn na tinuturing na impyerno ng buhay niya ang makitang buhay ang bagong babae nito. "Hâyôp ka! Inütïl!" Pinagtutulak niya lahat ng gamit niya sa ibabaw ng desk sa opisina niya sa Davenel. Sobrang stress niya, namamawis siya sa inis, sobrang depress siya sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi niya matatanggap sa sarili niyang may nagpamukha sa kaniya na hindi siya karespe-respeto. Humagulhol siya ng iyak, at nagpasyang magtawag ng phone. Sa kabilang linya naririnig niyang nagri-ring ito. "Lilith," boses ni Jasper. "I hate this! She's still alive! She's still alive!" tili niyang sagad sa lalamunan at humag
Read more

Chapter 155: IAN REAL LIFE

Pagdating ng China, humiwalay sila Yun Xiao sa kanila at dinala naman sila ng kanilang ina sa mansion nila Marcus na ngayon ay mapupunta na kay Ian. Sa ibabang kalsada palang sila ay manghang-mangha na siya sa ganda ng mansion na nasa itaas. Exterior pa lang ang nakikita nila pero nanghahatak na ito ng attention. "Nakakalaglag panga naman itong bahay," puna ni Hake. Si Ian halos hindi makapagsalita, halatang kabado at naintindihan niya ang nararamdaman nito. Paakyat hanggang sa gate ang sasakyan, nila at huminto ito sa tapat ng kasalukuyang nagbubukas na gate. May dalawang guards na nagbukas doon, at parang pang-sundalo pa ang galaw. Si Knox, tahimik lang ito sa tabi niya, at halatang pagod, mukhang inaantok pa. Pagpasok naman nila sa gate unang makikita nila, ang malaking swimming pool sa kanan. Huminto naman ang sasakyan sa tapat ng hagdan, isang metro ang lapad at gawa sa clear glass and handrail nito. Maiksing hagdan lang iyon at dinala sila nito sa isa pang malaking swimming
Read more

Chapter 156: HER WEIRD BEHAVIOR

Napatingin naman si Clary sa tawang-tawa na asawa niya na parang may naalala. Kumunot naman ang noo niya habang tinitignan itong ngumunguya ng cookies. "Tingin-tingin mo?" tanong nito. "Nyare sa'yo?" tanong naman niya. Gabi na kasi at naroon sila sa veranda ng mega mansion ni Ian. Sa kinaroroonan nila kasi maaliwalas, malamig at preska ang hangin. Bukod doon makikita ang lawak ng kumikislap na city sa di kalayuan. Silang dalawa lang ni Knox doon, si Caitlin kasi may sariling mundo, pero nasa veranda rin may distansya lang sa kanila. "Hindi lang ako maka-get over kay Ian," sagot nito at nagkatitigan silang dalawa. Naglalaro ang daliri niya sa baso ng gatas na hawak niya pero nakapatong rin sa square na lamesa. Dahil sa sinabi nito natawa rin siya, kaya sumabay na ito lalo. "Pinanganak ka kasing mayaman kaya hindi ka relate," bara niya. "Bakit? pinanganak naman siyang mayaman ah," rason naman nito. "Pero hindi siya namuhay mayaman, ngayon palang. Kasi imagine ha..." Nataas siya n
Read more

Chapter 157: PREPARING FOR WEDDING

Three days later. In Moretti.Sa kabila ng pagtitiis ni Knox, ang iwasang mahalikan ang asawa, mayakap sa loob ng tatlong linggo, may reward din talagang naghihintay para sa kaniya. Dahil ngayon, suot na niya ang Chang Pao na pinaghalong kulay pula at itim, ito ay kasuotang pangkasal ng mga Chinese. Ang itim nito na parang blazer pero Ma Gua kung tawagin at may desinyong logo ng Moretti ang Phoenix bird.Masayang-masaya siyang humarap, sa mga lalaking kaibigan niya. Kasama niya ngayon si Yun Xiao, Zhou Shen, shempre humabol sila Darwin, Barth and Walter. Hindi dapat mawawala ang tatlong ito sa kasal niya, mga paborito niyang alipuris. Sempre hindi magpapahuli ang tiyohin niyang si Marvi Wolthorn, kasama rin nila ang dalawang bata na si Alec and Arian. Pero si Arian kasama ni Margarette na inaayusan sa kabilang section. Si Xiang Fei lang ang wala sa kanila dahil nandoon naman iyon kasama nila Clary. Pinayagan silang makarating rito sa Moretti ngunit habang papunta ang mga ito sa luga
Read more

Chapter 158: WAITING FOR THE GROOM AND BRIDE

Sa main hall, naroon na ang Queen, sa trono niya, hindi naman maalis ni Keegan ang mata niya roon lalo na't may suot itong korona. Cream at gold ang suot nitong damit na may magandang desinyo. Pagpasok kasi nila sa main hall na iyon, deretso sila sa harap at yumuko rito, talagang nirerespeto ito ng lahat dahil lahat ng mga tao rito yumuyuko sa babaeng iyon. Dinala naman siya ni Caitlin sa gilid ng ailse upang abangan ang bride and groom. Bahagya siyang dumikit kay Caitlin at nagtanong, "So siya ang mommy mo?"Tumingin ito sa kaniya at tumango. "Oum, ganda ba? Kamukha ko?""Oo kamukha mo, pero grabe anak ka pala ng reyna, so prinsesa tawag nila sayo?" tanong pa niya."Third Chen Princess Chen Cai," sagot nito."Bali ikaw ang bunso sa inyong tatlo?" tanong pa niya. "Hindi, may first princess pa kasi, iyong kapatid nila Marcus, si First Chen Princess Chen Mei, pero namatay iyon," sagot nito. Napaawang ang mga labi nila. Parang naubos naman ang pamilya ni Ian, kawawa naman. "Sino ang
Read more

Chapter 159: K&C WEDDING CEREMONY

Sarado ang main hall, nasa labas sila Clary and Knox, suot ang damit pangkasal. Para silang binuo sa damit na iyon kapag magkatabi. Sobrang kabado si Clary ngayon, isang napakagwapong lalaki ang nasa harapan niya. Hindi niya akalain na hahantong siya sa sitwasyon na ikakasal siya. Noon, may nag-propose sa kaniya, ngunit hindi natuloy ang kasal nila. Ikalawang nag-propose si Knox sobrang nagustuhan niya ang pamamaraan nito. At humantong talaga sila sa araw na ito. "Ang ganda naman ang bride ko.""Ang gwapo rin ng groom ko," aniya at napahagikhik. Nagtaas ito ng dalawang kamay, pinag-square ang mga braso. Ginaya niya ang ginawa nito, at pareho silang humarap sa saradong pintuan. "Pagkatapos nito, mahahalikan na kita," bulong naman ni Knox. "Doon ka pa talaga excited ah," ani naman niya, sinikap na huwag itong samaan ng tingin. "You just don't know how excited I am to thrust my cóck inside your prescious mouth, deep throat," bulong nito. "Woi!" Naging dahilan iyon ng kaniyang pagta
Read more

Chapter 160: THE VOWS

Pinanood niya ang pagkuha ni Knox ng singsing mula sa unan na hawak ni Art. Nanginginig ang mga kamay nito, na naging dahilan naman nang paghagikhik ni Art. "Matapang ako eh," ani nito na napapailing. Natawa naman siya, pero napabuga ng hangin si Knox. "Ingatan mong wag mahulog malas iyan," ani pa ni Art. May inipit naman si Caitlin sa damit ni Knox, lavalier microphone. Para makuha agad ni Knox ang singsing sa ribbon na nakatali, tinulungan na ni Art. May nilagay din si Margarette sa damit niyang ganoon.Natawa silang pareho at si Knox naman kitang-kita niya sa noo nito ang pawis. Malamig na ang lugar nila pero matindi parin ang pawis nito. "I can't imagine this day ever coming." Naging emotional ang boses nito. "I am getting married to the most beautiful woman in the world. Even though there are others who resemble her, her only face is truly perfect in my eyes. I feel incredibly proud of myself, so much." Tinapik nito ang dibdib at tumingin sa mga nanonood. "I'm so happy..."Nag
Read more
PREV
1
...
141516171819
DMCA.com Protection Status