Matapos nang pag-uusap ng dalawa, Anthony at Glee agad din silang naghiwalay nang landas. Walang nagawa si Anthony kundi ang umalis na hindi kasama ang anak niya. “Mommy, gusto kong sumama kay Daddy Anthony.” Hindi nakatiis si Dion at nakiusap sa ina. Nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha habang nakatingin sa kanyang tunay na ama na palabas sa coffee shop. Dati sobrang proud niya sa tuwing kasama ang kanyang ina, ngunit ngayon napuno na siya ng takot sa araw-araw na kasama niya ito. Maliban sa lagi siyang napapagalitan dahil madalas niyang sinusuway ang kagustuhan nito, natatakot din siya sa tuwing lumalabas ang orihinal nitong mukha. “A devil woman.” sigaw ng utak niya. “Tigilan mo ako Dion, kung ayaw mo paluhurin kita sa asin.” Mangiyak-ngiyak si Dion na tiningnan muli ang ama habang binubuksan ang pintuan ng kotse. Nakaramdam siya ng takot na baka ito na ang huli nilang pagkikita at hindi na siya muli pang balikan. “Dito ka lang, huwag kang aalis. Punta lang ako ng banyo.” Tuma
Terakhir Diperbarui : 2023-12-18 Baca selengkapnya