Nanatili lang nakaupo si Jayna sa couch. Walang bakas ng emosyon ang makikita sa kanya. She’s a Mafia Queen at si Allaric ang nagturo niyon sa kanya. Sa katunayan siya ang humahawakn ng organisasyon dahil focus si Allaric sa negosyo. Hindi rin nito alam na kilala na niya si Karim Walton bilang Mafia King ng Black Eagle. Hindi na niya sinabi pa ang tungkol dito dahil ayaw niyang makialam na naman ito sa buhay ni Adira. Alam niyang mahal na mahal ni Karim si Adira. Babae siya at nakikita niya kung paano mabaliw si Karim noong mga panahon na wala si Adira. Halos puro babae ang naging hantungan nito para lang makalimutan si Adira.Tiningnan niya ang nabasag na wine glass sa sahig. Hindi siya kayang sindakin ni Allaric dahil lang sa mga pabasag-basag nito ng kopita. Kung noon dumating pa sila sa point na basagan ng salamin sa loob ng silid hindi siya nagpapatinag sa asawa, ngayon pa kaya na sintibay na ng bakal ang pakiramdam niya? Ginawa niya ito para sa kanyang mga anak. After nang nang
Matapos nang pag-uusap ng dalawa, Anthony at Glee agad din silang naghiwalay nang landas. Walang nagawa si Anthony kundi ang umalis na hindi kasama ang anak niya. “Mommy, gusto kong sumama kay Daddy Anthony.” Hindi nakatiis si Dion at nakiusap sa ina. Nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha habang nakatingin sa kanyang tunay na ama na palabas sa coffee shop. Dati sobrang proud niya sa tuwing kasama ang kanyang ina, ngunit ngayon napuno na siya ng takot sa araw-araw na kasama niya ito. Maliban sa lagi siyang napapagalitan dahil madalas niyang sinusuway ang kagustuhan nito, natatakot din siya sa tuwing lumalabas ang orihinal nitong mukha. “A devil woman.” sigaw ng utak niya. “Tigilan mo ako Dion, kung ayaw mo paluhurin kita sa asin.” Mangiyak-ngiyak si Dion na tiningnan muli ang ama habang binubuksan ang pintuan ng kotse. Nakaramdam siya ng takot na baka ito na ang huli nilang pagkikita at hindi na siya muli pang balikan. “Dito ka lang, huwag kang aalis. Punta lang ako ng banyo.” Tuma
“Mommy nandito si Daddy!” Excited na binitawan ni Skyler ang laruan upang salubungin ang ama na natanaw niya sa labas ng gate. Ngunit ang tuwa at excitement na nararamdaman niya ay lumipad nang makita ang batang karga ni Anthony. “Son, come here. He’s your brother.” Nakangiting wika ni Anthony at binaba si Dion upang makipagkamay kay Skyler.Pinagkrus ni Skyler ang dalawang kamay sa dibdib habang nakabusangot ang mukha. Matagal siyang nakipagtitigan sa batang kasing edad niya na nakita niya sa loob ng simbahan. Nalilitong tiningnan niya amahan. “You look like him, Dad.”Hinaplos ni Anthony ang pisngi ni Skyler. “Skand, he’s my real son. Hope you will treat him as your brother.”Humaba ang nguso ni Skyler lalo pa nang makita na nasalubong ang kilay ni Dion habang nakatingin sa kanya.“My real Dad is a Monster King, so am I. Are we the same?” Nakataas ang kilay na tanong ni Skand kay Dion.Muntik pang mabilaukan ng laway si Anthony dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya si Dion at hinint
“Boss, sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong ni Sherwin habang nagmamaneho ng sasakyan.Nakatingin pa rin si Karim sa labas ng tinted window glass habang malalim na nag-iisip.“I know what I’m doing.” sagot niya na hindi pa rin tumitingin kay Sherwin.“Eh..paano kung lalong magagalit sa’yo si Ma’am Adira kapag nalaman niyang nasa side ka ni Glee sa pagdemanda sa kanila ni Anthony?”“I’m doing this for her and not for Glee.” sagot pa rin ni Karim na patuloy na nakatingin sa mga nadadaanan nila sa labas.“Buti sana kung ‘yan ang iisipin niya. Alam mo naman ang ex-wife mo kung mag-isip.”“She’s still my wife.” Pagtatama ni Karim.Tiningnan ni Sherwin ang kanyang Boss sa side mirror. “Eh, di ba, tapos na ang kontrata ng kasal ninyo? So, ex-wife mo na siya.” Katwiran rin niya na parang natatawa pa sa kanyang boss.Sinulyapan ni Karim ang alalay. “Yan ang alam ni Adira. Ngunit walang expiration ang aming kasal. We’re still married.”Napaawang ang labi ni Sherwin. “Kung ganun, bakit hindi
“Miss Dela Vega, you are free now.” Lumipad ang tingin ni Adira sa nakabukas na pintuan na bakal ng kanyang selda. Tumayo siya mula sa kanyang inuupuan na sahig. Nagtataka ang kanyang mga mata habang nakatingin sa guwardya. Katatapos lang nilang mag-usap ng Kuya niya at inabi nitong hindi siya tutulungan na makalabas ng kulungan. Ayaw na raw nitong makisali sa problema niya. Naiintindihan din naman niya ang Kuya niya. Kahit siya hanggat maaari ayaw niyang maging pabigat pa rito. Marami silang magkakapatid na iniintindi ng Kuya niya at ayaw na niyang makadagdag pa. Kinausap na rin niya si Troy at ito na muna ang kumuha kay Dion at Skyler sa bahay niya dahil hindi pa rin nakabalik si Anthony. Wala naman nabanggit na pupunta rito ang Kuya Troy niya. Malinaw ang usapan nila kanina na ayaw niyang pumunta rito ang anak niya. Ayaw niyang nakikita siya nito sa loob ng kulungan. Kinausap na rin niya ang abogado niya kanina. Ang sabi pupunta raw ito ngunit kinabukasan pa. Tiningnan niya ang o
“Salamat sa paghatid at sa piyansa na rin.” Mataray na lumabas si Adira sa sasakyan ni Karim. Hindi man lang niya hinintay na pagbuksan siya ng pintuan. Naiinis kasi sa ginawa nito kanina. Muntik nang masubsob ang nguso niya nag biglang hininto nito ang sasakyan, mabuti na lang mabilis siyang nakatukod sa pintuan. Malaki na rin ang pasasalamat niya sa kanyang anak at nagawa siyang iligtas mula kay Karim. “Hindi mo man lang ba ako yayain magkape sa loob?” Hindi niya alam mabilis din pala itong nakasunod sa likuran niya. “Maraming coffee shop na pwedeng pagkapehan sa labas, Mr. Walton.” Mataray pa rin niyang sagot habang pinipindot ang doorbell. Alam niyang mga katulong na lang ang natira sa loob dahil ang anak niya ay dinala ni Troy sa kanyang Kuya Allaric. “Pagod ako sa mahabang biyahe. Wala na akong time ikutin ang lugar na ito upang maghanap lang ng kape.” Nakapamulsa na katwiran ni Karim. Lumipad ang matalim na tingin ni Adira sa dating asawa. Nakita nga niyang iniinda lang nit
“Monster Dad, did you like the taste?” Nang-aasar na tanong ni Skyler. Gustong umiyak ni Karim dahil sa sobrang anghang ng lalamunan niya. Nang marinig ang tanong ng anak, pinilit niya ang sarili na umaktong hindi maanghang. Sinigurado muna niyang nasa ayos ang mukha niya bago binalingan ang anak. “Sorry Son, Naibuga ko ang tinimpla mong kape. Nakalimutan kong mainit pa pala. Sandali kuha muna ako ng tubig.” Tumakbo siya sa kusina. Hindi na niya hinintay pa na magpresenta ang anak niya na ito na naman ang kumuha ng tubig at baka domuble ang gagawin nito sa kanya. Pagdating sa kusina agad niyang nakita ang ice cube sa loob ng freezer kaya iyon ang kinuha niya at ginawang candy. Bumalik siya sa sala na may hawak na isang baso ng tubig. Naabutan niyang nakasimangot ang mukha ng kanyang anak habang nakatitig ito sa tinimplang kape. Tila naguguluhan ito. “You’re lying.” Tiningnan siya nito. “Malamig na ang kape bago mo inumin.” dagdag sa sinabi nito. Ngumiti siya. “Son, syempre talagang
Sinubukan hindi pansinin ni Karim ang kalampag ng anak sa pintuan. Ipinagpatuloy niya ang paghalik sa labi ni Adira. Wala namang magawa ang anak niya saklaing hindi niya buksan ang pintuan. “Daddy, I know you're inside. The key is now in my hand. I am going to open this door!” Muling sigaw ni Skyler sa labas ng pintuan dahilan upang itulak ni Adira si Karim. Alam kasi niyang hindi nagbibiro ang anak. Alam nito kung saan tinatago ang lahat ng mga susi para sa loob at labas ng bahay. “Hmmmp..Ka..rim!” inis niyang tinulak muli si Karim nang hindi ito tumitigil sa paghalik sa kanya. Namumungay ang mga mata nito na tiningnan siya. “Your son is—” “You’re a monster! Let go of my Mom!” Hindi natapos ni Adira ang pagsasalita nang biglang hinatak ni Skyler ang ama mula sa ibabaw niya. “Fuck!” Nakamot ni Karim ang ulo habang nakatingin sa kanyang mag-ina. Nagtaka siya kung paano nakapasok ang anak. Bilib na talaga siya sa advance ng utak nito. “Mum, did he hurt you again?” Puno ng pag-a
Nakiramdam muna si Karim sa maging reaction ni Adira matapos maglapat ng mga labi nila. Nang makita na nasa mahimbing pa rin ito ng pagtulog muli niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon. Gusto niyang namnamin ang lambot ng labi nito na matagal na niyang pinananabikan.“Hmmmm..” Gumalaw ng bahagya ang labi ni Adira kasabay ng mahinang ungol habang patudyo-tudyong pinapasok ni Karim ang dila sa loob ng labi ng asawa. Mula sa pagpikit, nagmulat ng mga mata si Karim at tinitigan ang asawa habang magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa.Buong akala niya magigising ang asawa at itutulak siya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng maalala ang mga ganitong sandali sa buhay nila noon. Kailangan pa niyang mag-amoy alak at umaktong lasing noon para may mangyari sa kanila ni Adira. Sa ganoong paraan may lakas loob siyang angkinin ito buong magdamag. Nadadaig kasi siya ng pride niya at ayaw niyang aminin n
Pagdating ni Glee sa ospital agad siyang sinalubong ng mga nagbabagang tingin ni Anthony. Pero hindi niya iyon napansin dahil sobrang nag-alala siya sa anak niya.“Saan si Dion?” humihingal niyang tanong habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng silid ngunit nakaharang ang katawan ni Anthony sa labas ng pintuan.SLAP!Isang sampal ang gumising sa diwa ni Glee mula sa mga kamay ni Anthony. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki habang hawak ang kanyang pisngi na namamanhid dulot ng pagkasampal nito.“What are you doing?” Parang iiyak siya sa sakit na nagtanong.“Really? After what you did to our son, you still have the nerve to ask me that?”Nagtatakang tinitigan ni Glee si Anthony. Hindi niya makuha ang gustong iparating nito ngunit naramdaman niyang may kinalaman ito sa ginawa niya sa anak ni Adira na bumalik sa anak niya. Gayunpaman ipinagpatuloy pa rin niya ang pag maang-maangan.Galit niyang sininghalan ang lalaki. “At bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dion? Anak ko s
“Jukno!” “Madam,” tarantang lumapit ang gwardya kay Glee nang marinig ang sigaw nito. Lalo siyang namutla nang makita ang hindi maipinta na mukha ng kanyang babaeng boss habang nakatayo ito sa labas ng pintuan. “Did you receive this box?” nandidiri nitong kinuha ang box at inimwestra sa kanya. Muntik pang ma-out balance ang guwardya nang i*****k sa dibdib niya ang kahon. Nagulat siya nang makita ang laman nito. "M-Madam, I received it—but I didn't know—" “You don't know because you're stupid! Idiot!” Agaw ni Glee sa paliwanag ng guwardiya. "B-But, Madam, I assumed you were expecting this delivery, so I accepted it." “Ahh! Bullshit!” Ayaw pa rin tanggapin ni Glee ang paliwanag ng kanyang tauhan. Dinakdakan pa rin niya ito. Kinamot ng guwardiya ang ulo. Tinitigan niya ang laman ng box. "Madam, I think these are obviously fake.” Tumigil sa kadadakdak si Glee dahil sa narinig. Bumaba rin ang tingin niya sa box na kasalukuyang hawak ng guwardiya. Kinuha naman ng guwardiya ang mga
Hindi pa man lumapat ang labi ni Karim sa labi ng asawa nang agad na siya nitong tinulak.Namumula ang mukha ni Adira habang uniiwas ng tingin kay Karim. Muntik na naman siyang nagpadala sa damdaming matagal na niyang binaon sa limot.Napalunok ng laway si Karim. Bahagya siyang nasaktan sa ginawang pagtulak ni Adira sa kanya. Talaga bang wala na itong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya? “Ahmmm..” Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Hindi niya kailangan magmadali sa pagbawi sa mag-ina niya. Marami pa siyang oras upang gawin iyon. “Let me drive. Dadalhin kita kay Skyler.” maya’y wika niya upang maiba ang usapan.Halata ang tuwa sa mga mata ni Adira dahil sa narinig. Matagal niyang tinitigan si Karim upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.Ilang sandali pa nagdesisyon siyang bumaba sa kotse at hinayaan sa kagustuhang nitong magdrive. Nagpalit sila ng pwesto. Nagsisinungaling man ito at sa hindi, isusugal pa rin niya ang natitirang tiwala
“I will count—” “No need to count!” Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng asawa. Parang siya pa yata ang sinisisi kung bakit ito nahuli. “Karim, I know you're weak in the knees when it comes to your wife. Haha!” “I don’t care for her. All I want is my son!” Napaawang ang labi ng kalaban na may hawak kay Adira nang marinig ang sagot ni Karim. Si Adira naman parang papatay ang mga tingin na hinagis kay Karim. Abah, at gusto siya nitong patayin para masolo nito ang anak niya? Sinabi na nga bang hindi siya nagkamali sa iniisip niya eh. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ‘to. “Oh, you want me to kill her?” Nakangising tanong ng lalaki. “It’s up to you. You can have her!” “Hahahaha! Looks like Mr. Walton doesn’t need his precious gem anymore.” dinilaan nito ang leeg ni Adira dahilan upang magtagis ang mga panga ni KArim. “Take her over my dead body! Pvtangina mo ka!” Bang! Bang! Bang! Galit na binaril ni Karim ng ilang be
“Andrei!?” tawag niya sa anak nang mabuksan na niya ang secret room. Ngunit walang bakas na pumasok dito ang anak niya. Sobra na siyang nag-alala. Hindi man lang nagalaw ang mga gamit sa loob. Ibig sabihin wala talaga rito si Skyler. Naalala niyang kunin ang kanyang SIG SAUER 365 semi automatic pistol na nakatago sa naka lock na built-in cabinet. Regalo lang ito sa kanya ng Kuya niya upang mayroon siyang magagamit na pang self defense. Mukhang ngayon niya ito magagamit.Bang! Bang!“Shit! Andrei!” Puno ng takot at pag-alala na sigaw niya nang makarinig ng magkasunod na putok. Mabilis siyang lumabas sa secret room habang hawak ang baril. Napansin niyang wala nang natirang bisita sa loob ng kanyang bahay. Lumabas na ang mga ito. Hindi niya nagustuhan ang biglang pananahimik ng paligid. Kanina lang nakarinig pa siya ng mga putok ng baril. Ngayon pati armadong mga lalaki na sinasabi nang nakasalabong niya kanina wala rin siyang napansin. Kabisado niya ang loob at labas ng bahay ngunit n
“Wow! Giganto!” Bulalas ni Skyler nang makita malaking Gigantosaurus na pumasok sa bulwagan. Kasalukuyan siyang napapalibutan ng mga Homeless Kids habang kumakanta ng Happy birthday sa kanya. Ngunit saglit niyang nakalimutan ang lahat nang makita si Giganto. Alam niyang ito na ang sorpresa ng Mommy niya.Pati mga bata hindi na natapos ang pagkanta dahil nalulula sila sa Giant dinosaurs na kanilang nakikita. “Giganto!” Tuwang-tuwa na tumakbo si Skyler kay Giganto. Dahil sa sobrang laki ng isa sa paborito niyang character sa Jurasic Park nagtiis lamang siya na yakapin ang paa nito.Ngunit si Karim na nagtatago sa loob ng katawan ni Giganto ay hindi nakatiis. Kinarga niya ang anak dahilan upang magulat ang lahat lalo na ang bata.Upang maiwasan na magduda sa kanya si Adira agad niyang pinindot ang hawak niyang remote control upang palabasin ang personal niyang regalo para sa kanyang anak.“Happy Birthday Skyler.” bati ng isang boses robot.Binalingan ni Skyler kung sino ang bumati sa k
ISANG ORAS ANG NAKALIPAS pumasok si Adira sa silid ng anak. Nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nakatingin sa hawak nito na picture. Tila hindi siya nito naramdaman dahil naka focus ang atensyon nito sa picture. Dahan-dahan siyang lumapit at sinilip mula sa likuran nang anak kung anong picture ang tinitigan nito. Parang piniga bigla ang dibdib niya nang makita ang larawan nilang tatlo na kung hindi siya nagkakamali stolen shot ito na kinuha noong nasa airport sila at hinahabol ni Karim. Sa larawan napaka-intimate ang pagkadikit ng katawan nila ni Karim habang karga naman niya si Skyler at nakatingin naman ito sa ama. Hindi na siya magtataka kung bakit mayroong kopya itong anak niya. Nakakalat sa pahayagan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Karim sa airport noon. May posibilidad na doon kinuha ng kanyang anak ang picture nilang tatlo. Nagpakawala siya ng malalim na hangin nang marinig ang pagsinghot ni Skyler. Umiiyak ang anak niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ito. Mab
“Adira, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakulong ka pala?” Bungad ni Anthony nang makita si Adira na pababa ng hagdan.Hindi na nagtataka si Adira kung bakit sinugod siya ni Anthony nang ganito ka aga sa bahay niya. May freedom itong gawin iyon dahil hinayaan niya. Hindi niya ito pinapansin ng makababa na siya. Diretcho siya sa kusina upang magtimpla ng kape.“Adira, tinatanong kita! Ganito na ba katigas ang puso mo para lang maiwasan ako?” Halata ang inis ni Anthony sa kanya.“At ano naman ang gagawin mo sakaling sinabi ko na nakulong ako?” iritado niyang tanong. Humarap siya sa lalaki.“Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin ko? Syempre tutulungan kita na lumabas sa kulungan.” sagot nito.“Is that it? Kaya pala wala kang ginawa kahit alam mo na mismo mula kay Glee na siya ang may pakana sa pagpapakulong sa akin.” Bakas ng patama ang tono ng pananalita niya. Alam niyang nag-uusap ang dalawa.Sandaling hindi nakaimik si Anthony. Nagtataka siya kung paano nahulaan ni Adira ang ginawa niy