Lahat ng Kabanata ng Living With My Lady Boss: Kabanata 181 - Kabanata 190

439 Kabanata

Kabanata 181

Si Pendleton ay isang pulitiko na may karanasan, kaya alam niya na may ibang rason ng pagpunta si Faron dito.Kahit na nakaupo ng tahimik si Faron dito, ang katahimikan nito ay may ibig sabihin/.Gayunpaman, hindi sigurado si Pendleton kung ano ang balak ni Faron sa sandaling ito.Ang layunin ni Pendleton ay ang alamin ang rason kaya pumunta si Faron.Tumawa si Faron at sinabi niya, “Ayos lang ang trabaho ko, pero ang project na inaasikaso niyo ay kahanga-hanga, Mr. Howard. Nakakatulong ito sa economy at nagbibigay ng mga trabaho sa Seechertown. Congratulation!”Ngumiti si Pendleton at sumagot siya, “Ito ay salamat sa vision ng tatay mo. Sinuportahan niya ako sa simula pa lang, kaya ang project ay na-finalize ng mabilis. Dapat ko talaga pasalamatan ang tatay mo.”“Hindi ako sigurado, pero bunga pa rin ito ng pagsisikap niyo, Mr. Howard. Masyado kayong humble,” Ang sabi ni Faron habang tumatawa.Sigurado si Pendleton na walang objection si Faron tungkol sa industrial park project
Magbasa pa

Kabanata 182

Hindi nagtagal pagkatapos umupo sina Faye at Wilbur, lumapit sina Fabian at Sawn sa kanila.Kumunot ang noo ni Fabian habang tumingin siya kay Wilbur, pagkatapos ay tinanong niya, “Ano ang ginagawa niyo dito? Hindi ko pa ba ginawang klaro ang sarili ko?”“Pinilit ni Faye na isama ako, kaya hindi ko ito mapigilan,” Ang sabi ni Wilbur ng may neutral na tono.Tumingin si Shawn kay Faye sa sandaling yun, ang mga mata niya ay nagbigay ng gulat na tingin.Nakita niya ang mga litrato ni Faye noon, ngunit hindi niya inaasahan na sobrang ganda at elegante nito sa personal. Marami na siyang nakitang babae sa buhay niya, ngunit unang beses niyang nakakita ng nakakabighani na babaeng parehong maganda at elegante.Lumingon siya para tumingin kay Wilbur pagkatapos mabighani sa kagandahan ni Faye. Sinuri niya si Wilbur at tinanong niya, “Ikaw si Mr. Penn, tama ba?”“Oo.”“Nabalitaan ko na nagtatrabaho ka rin sa Cape Consortium?”“Parang ganun na nga.”“Anong posisyon mo?”“Wala akong posisy
Magbasa pa

Kabanata 183

Tumawa si Wilbur at sinabi niya, “Walang kinalaman sa amin ang nararamdaman mo. Baka sumama pa ang loob namin kapag nagpatuloy ka sa pag harass sa amin.”Galit na galit si Shawn at sasabog na siya, ngunit pinigilan siya ni Fabian at sinabi niya, “Huminahon ka, Shawn. Magsisimula na ang cocktail party, kaya wag ka na mag abala sa isang tao na tulad niya. Dapat mong tandaan ang katayuan mo. Faye, nagdesisyon na ako para sayo. Kailangan mo maintindihan na ito ay para sa ikabubuti mo. Ako ang tatay mo, at wala akong gagawin para ipahamak ka. Hindi ka na isang bata, kaya wag kang matigas ang ulo at makinig ka na lang sa akin.”Pagkatapos nito, hinila ni Fabian si Shawn palayo at pumunta sila sa Entablado. Hinihintay sila ni Pendleton at Fergus. Ang dalawang ito ay magsisimula na sa announcement nila sa cocktail party.Tumingin si Wilbur kay Faye at napansin niya na tila hindi natutuwa si Faye. Tila galit ito.Walang nagawa si Wilbur tungkol dito. Tutal, ito ang tatay ni Faye. Ano ang ma
Magbasa pa

Kabanata 184

“Oh?” Ang lahat a nalito kung bakit gusto niya ipakilala ang anak niya.Sinabi ni Fabian, “Faye, lumapit ka dito at magpakilala ka sa lahat.”Nabigla ang lahat.‘Si Faye ba ang anak ni Fabian Yves?’‘Kaya pala gusto niyang ipakilala ang anak niya. Si Faye ang CEO ng Cape Consortium ng Seechertown. Si Faye ang may kontrol ng malaking halaga ng mga pondo. Ang isang collaboration sa Pride Corp ay magiging isang malaking profit sa magkabilang panig.’Kumunot ang noo ni Faye dahil alam niyang may mangyayari na ganito.Gayunpaman, kailangan niya dumalo bilang isang businesswoman dahil inimbita siya ni Pendleton Howard.May malaking sama ng loob siya sa tatay niya, ngunit hindi niya ito kayang tanggihan sa harap ng lahat. Magiging awkward ito.Tumingin si Fayet kay Wilbur, na siyang nakangiti at sinabi nito, “Sige na. Susuportahan kita kahit anong mangyari.”“Salamat, Boss. Wag niyo itong pagsisihan.” Pinakalma ni Cordy ang sarili niya at naglakad siya patungo sa entablado.Ngumiti
Magbasa pa

Kabanata 185

Emosyonal si Fabian sa pag manipula sa anak niya.Ang relasyon nila bilang mag ama ay mas naging masama, ngunit hindi siya binitawan ni Fabian.Halos magkaroon ng mental breakdown si Faye noong maisip niya ang mga ginawa ng tatay niya at ang nangyari sa nanay niya, kaya naman ay halatang nanginig siya sa entablado.Dahan dahan na hinawakan ni Fabian si Faye at binulong niya, “Ito ang kinabukasan mo. Bilang tatay mo, pumili ako ng isang lalaki para sayo, at hindi ito magiging pagkakamali. Magsalita ka para sa lahat. Simula ngayon, maging sa Endler Province o sa Kardon Province, ang pangalan ng pamilya natin ay magiging kilala.”Hindi mapigilan ni Faye na ngumisi at naisip niya sa sarili niya, ‘Wow. Hindi ka man lang humingi ng kunsinte ko. Kalokohan ito.’Hindi siya magiging katulad ng nanay niya. Hindi niya titiisin ang manipulasyon ng tatay niya.Huminahon si Faye at tumayo siya sa harap ng microphone, ngumiti siya sa lahat.Ang lahat ay naghihintay para ikumpirma ni Faye ang e
Magbasa pa

Kabanata 186

Tumawa ng awkward si Wilbur. Pakiramdam niya na dinala siya ni Faye sa isang malaking problema.Wala siyang pakialam kung ito ay ibang sitwasyon, ngunit mas komplikado ito dahil may kinalaman ito kay Fabian Yves.Gayunpaman, nangako siya na susuportahan niya si Faye kahit na anong mangyari. Tutal, si Faye ang babae niya.Tumayo si Wilbur at mabagal siyang naglakad patungo sa entablado.Ang lahat ay tumitig ng gulat kay Wilbur. Para bang nakatingin sila sa isang alien.Walang kahit sino ang may kilala kay Wilbur. Akala nila ay kung sino lang si Wilbur.‘Paanong ang isang taong tulad niya ay naging boyfriend ni Faye?’‘Bakit susuko si Faye sa isang tao na tulad ni Whawn para makasama si Wilbur? May problema ba sa pag iisip niya?’Noong tinawag ni Faye si Wilbur sa entablado, pakiramdam nila Fabian at Shawn na para bang sinampal sila sa harap ng lahat. Napahiya talaga sila. Walang chansa na mababawi nila ang kahihiyan na nito.Tumingin sina Shawn at Fabian na para bang papatayin
Magbasa pa

Kabanata 187

Nagalit si Shawn. Humigpit ang mga kamao niya na para bang handa na siyang suntukin si Wilbur sa mukha.Nasaktan talaga ang reputasyon niya ngayon. Ipinanganak siyang mayaman, kaya hindi pa siya nakaharap ng ganitong kahihiyan.“Wag ka nang humingi pa ng gulo. Kapag nagpatuloy ka sa pagiging matigas ng ulo mo, hindi ako magiging responsable kung anuman ang mangyari sayo,” Ang malupit niyang sinabi.Si Shawn ay umabot sa hangganan niya.Kung hindi dahil sa presensya ng maraming mahalagang mga tao, sasabihin niya na sa mga bodyguard niya na palayasin si Wilbur.Tumawa si Wilbur at tumingin siya kay Shown, ginalit niya ito lalo, “Sige. Subukan mo. Sa tingin mo ba ay susunod ako sa laro mo?”Hindi siya pwede makialam pagdating kay Fabian, ngunit hindi niya kailangan maging mabait kay Shawn.Galit na galit si Shawn.‘Una, pinahiya ako ni Faye, at ngayon ay may lakas ng loob ang lalaking ito na apak apakan ako ng ganito? Sa tingin niya ba ay walang kwenta ako?’Tumingin siya kay Wil
Magbasa pa

Kabanata 188

Sina Pendleton at Fergus ay hindi ito pwedeng hayaan na mangyari dahil makakaapekto ito sa potensyal na achievement at career nila sa darating na panahon.Kailangan itong tanggapin ni Wilbur. Madaling harapin si Faye dahil kailangan silang respetuhin ni Faye dahil sa mga katayuan nila.Tapos na rin si Faron sa pagkain niya. Pinunasan niya ang bibig niya at naglakad siya papunta sa entablado, alam niya na ito na ang oras niya.Lumapit si Faron at sumigaw siya, “Pare, nandito ka rin pala!”Tumingin ang lahat, ang mga bigshot ay nabigla, at bumilis ang tibok ng puso nila.‘Diyos ko! Si Faron Campbell ba yun? Hindi ba’t siya ang anak ni Orin Campbell, ang pinakamahalagang tao sa Kardon Province?’‘Ano ang tinawag niya kay Wilbur? Pare? Isang pagkakamali ba ito?’Nabigla din sina Pendleton at Fergus. Malaking gulo para sa kanila ang pagdating ni Faron.Hindi sila makapaniwala na tinawag ni Faron si Wilbur na kanyang pare. Konti lang sa Kardon Province ang may karangalan na kilalanin
Magbasa pa

Kabanata 189

Sinubukan ni Pendletown na balaan sila at mag ingat sa pananalita nila. Kung hindi, baka lumala ng sobra ang sitwasyon na ito.Natulala sina Shawn at Fabian.Ang mga businessmen na hindi namukhaan si Faron ay nabigla din.‘Kaya pala may lakas ng loob si Wilbur para insultuhin si Shawn. May suporta siya ni Faron Campbell.’Naiintindihan na ng lahat kung bakit pinili ni Faye si Wilbur sa halip na si Shawn, na siyang may ari ng Pride Corp. Mas higit pa si Wilbur kay Shawn kung ikukumpara.Tumingin si Wilbur kay Shawn at tinanong niya ng kaswal, “Sino ulit ang gusto mong palayasin?”Mukhang takot na takot si Shawn. Mabilis siyang sumagot, “Isang misunderstanding ito, Mr. Campbell. Sana ay wag mo itong isapuso. Nagbibiro lang ako.”Balisa at takot na takot si Shawn.Alam niya na mapanganib ang isang tao na tulad ni Faron para sa isang businessman na tulad niya. Guguho ang Pride Corp kapag hindi niya hinarap ng maayos ang sitwasyong ito.Umaasa siya kay Pendleton at umaasa siya na k
Magbasa pa

Kabanata 190

‘Nangako si Fabian at sinigurado niya sa akin ang engagement ko kay Faye. Hindi sana ito mangyayari kung hindi dahil sa kanya!’ Ang galit na sinabi ni Shawn sa loob.Samantala, tila kalmado si Fabian. Sinabi niya kay Shawn, “Mr. James, hindi ito isang masamang bagay. Baka imposible ito para sa inyo ni Faye ngayon, pero anak ko pa rin siya. Meron tayong isang tao na tulad niya para asahan natin, kaya hindi ito masamang bagay, hindi ba?”Pinag isipan ito ni Shawn at pumayag siya, ngunit naisip niya sa sarili niya, ‘Paano ang kahihiyan na pinagdaanan ko ngayong gabi?’Kaya naman, nagalit lang siya ng tahimik.Lumapit si Pendleton at sinabi niya kay Shawn, “Shawn, huminahon ka at wag kang magalit. Ito siguro ang personal na problema ni Faron. Hindi ito makakaapekto sa industrial park project.”“Ganun ba? Hindi na ako umaasa sa project na ito ngayon,” Ang malamig na sagot ni Shawn.Hindi ito sinabi ni Shawn dahil sa sama ng loob, ngunit sinabi niya ito dahil totoo ito.Walang kahit s
Magbasa pa
PREV
1
...
1718192021
...
44
DMCA.com Protection Status