Share

Kabanata 189

Sinubukan ni Pendletown na balaan sila at mag ingat sa pananalita nila. Kung hindi, baka lumala ng sobra ang sitwasyon na ito.

Natulala sina Shawn at Fabian.

Ang mga businessmen na hindi namukhaan si Faron ay nabigla din.

‘Kaya pala may lakas ng loob si Wilbur para insultuhin si Shawn. May suporta siya ni Faron Campbell.’

Naiintindihan na ng lahat kung bakit pinili ni Faye si Wilbur sa halip na si Shawn, na siyang may ari ng Pride Corp. Mas higit pa si Wilbur kay Shawn kung ikukumpara.

Tumingin si Wilbur kay Shawn at tinanong niya ng kaswal, “Sino ulit ang gusto mong palayasin?”

Mukhang takot na takot si Shawn. Mabilis siyang sumagot, “Isang misunderstanding ito, Mr. Campbell. Sana ay wag mo itong isapuso. Nagbibiro lang ako.”

Balisa at takot na takot si Shawn.

Alam niya na mapanganib ang isang tao na tulad ni Faron para sa isang businessman na tulad niya. Guguho ang Pride Corp kapag hindi niya hinarap ng maayos ang sitwasyong ito.

Umaasa siya kay Pendleton at umaasa siya na k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status