Emosyonal si Fabian sa pag manipula sa anak niya.Ang relasyon nila bilang mag ama ay mas naging masama, ngunit hindi siya binitawan ni Fabian.Halos magkaroon ng mental breakdown si Faye noong maisip niya ang mga ginawa ng tatay niya at ang nangyari sa nanay niya, kaya naman ay halatang nanginig siya sa entablado.Dahan dahan na hinawakan ni Fabian si Faye at binulong niya, “Ito ang kinabukasan mo. Bilang tatay mo, pumili ako ng isang lalaki para sayo, at hindi ito magiging pagkakamali. Magsalita ka para sa lahat. Simula ngayon, maging sa Endler Province o sa Kardon Province, ang pangalan ng pamilya natin ay magiging kilala.”Hindi mapigilan ni Faye na ngumisi at naisip niya sa sarili niya, ‘Wow. Hindi ka man lang humingi ng kunsinte ko. Kalokohan ito.’Hindi siya magiging katulad ng nanay niya. Hindi niya titiisin ang manipulasyon ng tatay niya.Huminahon si Faye at tumayo siya sa harap ng microphone, ngumiti siya sa lahat.Ang lahat ay naghihintay para ikumpirma ni Faye ang e
Tumawa ng awkward si Wilbur. Pakiramdam niya na dinala siya ni Faye sa isang malaking problema.Wala siyang pakialam kung ito ay ibang sitwasyon, ngunit mas komplikado ito dahil may kinalaman ito kay Fabian Yves.Gayunpaman, nangako siya na susuportahan niya si Faye kahit na anong mangyari. Tutal, si Faye ang babae niya.Tumayo si Wilbur at mabagal siyang naglakad patungo sa entablado.Ang lahat ay tumitig ng gulat kay Wilbur. Para bang nakatingin sila sa isang alien.Walang kahit sino ang may kilala kay Wilbur. Akala nila ay kung sino lang si Wilbur.‘Paanong ang isang taong tulad niya ay naging boyfriend ni Faye?’‘Bakit susuko si Faye sa isang tao na tulad ni Whawn para makasama si Wilbur? May problema ba sa pag iisip niya?’Noong tinawag ni Faye si Wilbur sa entablado, pakiramdam nila Fabian at Shawn na para bang sinampal sila sa harap ng lahat. Napahiya talaga sila. Walang chansa na mababawi nila ang kahihiyan na nito.Tumingin sina Shawn at Fabian na para bang papatayin
Nagalit si Shawn. Humigpit ang mga kamao niya na para bang handa na siyang suntukin si Wilbur sa mukha.Nasaktan talaga ang reputasyon niya ngayon. Ipinanganak siyang mayaman, kaya hindi pa siya nakaharap ng ganitong kahihiyan.“Wag ka nang humingi pa ng gulo. Kapag nagpatuloy ka sa pagiging matigas ng ulo mo, hindi ako magiging responsable kung anuman ang mangyari sayo,” Ang malupit niyang sinabi.Si Shawn ay umabot sa hangganan niya.Kung hindi dahil sa presensya ng maraming mahalagang mga tao, sasabihin niya na sa mga bodyguard niya na palayasin si Wilbur.Tumawa si Wilbur at tumingin siya kay Shown, ginalit niya ito lalo, “Sige. Subukan mo. Sa tingin mo ba ay susunod ako sa laro mo?”Hindi siya pwede makialam pagdating kay Fabian, ngunit hindi niya kailangan maging mabait kay Shawn.Galit na galit si Shawn.‘Una, pinahiya ako ni Faye, at ngayon ay may lakas ng loob ang lalaking ito na apak apakan ako ng ganito? Sa tingin niya ba ay walang kwenta ako?’Tumingin siya kay Wil
Sina Pendleton at Fergus ay hindi ito pwedeng hayaan na mangyari dahil makakaapekto ito sa potensyal na achievement at career nila sa darating na panahon.Kailangan itong tanggapin ni Wilbur. Madaling harapin si Faye dahil kailangan silang respetuhin ni Faye dahil sa mga katayuan nila.Tapos na rin si Faron sa pagkain niya. Pinunasan niya ang bibig niya at naglakad siya papunta sa entablado, alam niya na ito na ang oras niya.Lumapit si Faron at sumigaw siya, “Pare, nandito ka rin pala!”Tumingin ang lahat, ang mga bigshot ay nabigla, at bumilis ang tibok ng puso nila.‘Diyos ko! Si Faron Campbell ba yun? Hindi ba’t siya ang anak ni Orin Campbell, ang pinakamahalagang tao sa Kardon Province?’‘Ano ang tinawag niya kay Wilbur? Pare? Isang pagkakamali ba ito?’Nabigla din sina Pendleton at Fergus. Malaking gulo para sa kanila ang pagdating ni Faron.Hindi sila makapaniwala na tinawag ni Faron si Wilbur na kanyang pare. Konti lang sa Kardon Province ang may karangalan na kilalanin
Sinubukan ni Pendletown na balaan sila at mag ingat sa pananalita nila. Kung hindi, baka lumala ng sobra ang sitwasyon na ito.Natulala sina Shawn at Fabian.Ang mga businessmen na hindi namukhaan si Faron ay nabigla din.‘Kaya pala may lakas ng loob si Wilbur para insultuhin si Shawn. May suporta siya ni Faron Campbell.’Naiintindihan na ng lahat kung bakit pinili ni Faye si Wilbur sa halip na si Shawn, na siyang may ari ng Pride Corp. Mas higit pa si Wilbur kay Shawn kung ikukumpara.Tumingin si Wilbur kay Shawn at tinanong niya ng kaswal, “Sino ulit ang gusto mong palayasin?”Mukhang takot na takot si Shawn. Mabilis siyang sumagot, “Isang misunderstanding ito, Mr. Campbell. Sana ay wag mo itong isapuso. Nagbibiro lang ako.”Balisa at takot na takot si Shawn.Alam niya na mapanganib ang isang tao na tulad ni Faron para sa isang businessman na tulad niya. Guguho ang Pride Corp kapag hindi niya hinarap ng maayos ang sitwasyong ito.Umaasa siya kay Pendleton at umaasa siya na k
‘Nangako si Fabian at sinigurado niya sa akin ang engagement ko kay Faye. Hindi sana ito mangyayari kung hindi dahil sa kanya!’ Ang galit na sinabi ni Shawn sa loob.Samantala, tila kalmado si Fabian. Sinabi niya kay Shawn, “Mr. James, hindi ito isang masamang bagay. Baka imposible ito para sa inyo ni Faye ngayon, pero anak ko pa rin siya. Meron tayong isang tao na tulad niya para asahan natin, kaya hindi ito masamang bagay, hindi ba?”Pinag isipan ito ni Shawn at pumayag siya, ngunit naisip niya sa sarili niya, ‘Paano ang kahihiyan na pinagdaanan ko ngayong gabi?’Kaya naman, nagalit lang siya ng tahimik.Lumapit si Pendleton at sinabi niya kay Shawn, “Shawn, huminahon ka at wag kang magalit. Ito siguro ang personal na problema ni Faron. Hindi ito makakaapekto sa industrial park project.”“Ganun ba? Hindi na ako umaasa sa project na ito ngayon,” Ang malamig na sagot ni Shawn.Hindi ito sinabi ni Shawn dahil sa sama ng loob, ngunit sinabi niya ito dahil totoo ito.Walang kahit s
Mabilis na tinulungan ni Wilbur si Jose sa pagtayo. Sinabi niya ng may malalim na boses, “Mag usap tayo sa loob. Hindi tama na gawin mo ito sa publiko ng ganito.”Binuksan ni Faye ang pinto, at pumasok silang tatlo. Sinabi ni Wilbur kay Jose na umupo habang nagbigay siya ng isang tasa ng tsaa.Maganda ang naging trabaho ni Jose para kay Wilbur, protektado ng mabuti si Faye. Ngayon at humihingi ng tulong si Jose, hindi babalewalain ni Wilbur ang hiling niya“Anong problema?” Ang tanong ni Wilbur.Nagsimula si Jose na sabihin kay Wilbur ang sitwasyon.Nakatanggap si Jose ng isang call mula sa hometown niya sa Shaw Province. May phone call siya mula sa anak ng mentor niya, si Marcus Torres. Sinabi nito na bumalik ito para tumulong lumabas, sinabi na ang Torres clan ay nasa malaking panganib.Si Jose ay naging isang cultivator dahil sa kanyang mentor, si Easton Torres. Si Easton din ang nagpakilala kay Jose sa mundo ng mga cultivator.Si Easton ay nasa Ambience level cultivator. Isa
Hinawakan niya ang mukha niya, suminghal siya at binulong niya, “Wag mo akong hayaan…”…Hapon na.Nagmamaneho sa kotse si Jose, at nakaupo si Wilbur sa backseat habang umidlip.Ginamit niya ang spirit energy niya para mag transfor para maging si Trevor Penn.Ayaw niya na gumawa ng gulo para sa kanya at kay Faye, kaya nag palit siya ng itsura niya. Naisip niya na importante ito.Ito ang unang beses na nakia ni Jose na pwede magtransform ng itsura ang isang tao. Agad siyang nabigla at humanga, iniisip niya na mas misteryoso par i Wilbur kaysa dati.Makalipas ang maraming taon, ang kotse ay nag exit sa highway ng Silvertown, ang Shaw Province. Pagkatapos mag drive ng higit sa isang oras, dumating sila sa isang manor sa paa ng bundok sa labas ng lungsod.Lumabas sila ng kotse at nauna si Jose. Maliwanag sa manor, at may grupo ng mga tao na nagpapartoll sa harap ng lugar.“Sino kayo?” Ang sigaw ng isang tao.Agad na sumagot si Jose, “Ako si Jose Smithson ng Torres clan. Pumunta a