Home / Urban / Realistic / Living With My Lady Boss / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of Living With My Lady Boss: Chapter 161 - Chapter 170

439 Chapters

Kabanata 161

Iniisip pa lang ni Wilbur kung ano ang isasagot niay sa tatay ni Faye, na siyang demanding at mayabang. Nakita niya na pumasok si Faye, at mabilis niyang sinabi, “Faye! Nandito ang dad mo.”Nabigla si Faye, at naging malamig ang ekspresyon niya. “Ano ang ginagawa niyo dito?”“Ano? Hindi ko pwedeng bisitahin ang sarili kong anak?” Sumimangot si Fabian.Hindi alam ni Wilbur kung ano ang sasabihin niya. Mukhang hindi magkasundo ang dalawa.Sinabi ni Faye, “Ayos lang ako. Hindi niyo ako kailangan bisitahin. Hindi niyo kailangan makialam sa akin.”“Anong ibig mong sabihin? Ano ang ginawa ko?” Nagalit si Fabian.Galit na galit si Faye. “Ano sa tingin niyo?”Lumapit si Wilbur para himasin ang likod ni Faye, umupo siya sa sofa. “Wag kang magsalita ng ganyan. Pag usapan natin ito.”Hindi niya inaasahan na darating ang tatay ni Faye, at agresibo pa ang pagkikita nila sa isa’t isa.Umupo si Faye, nakaharap siya sa gilid.Binaba ni Fabian ang sigarilyo niya. “Hindi ka na bumabata at alam
Read more

Kabanata 162

“Uhh… Siguro ay medyo may kinalaman ako, pero uhh… Hindi ako pwede mag desisyon para sayo, kaya…” Ang hirap na sinabi ni Wilbur.Nag buntong hininga si Faye, ngumiti siya ng nasasaktan. “Alam ko. Hindi ko kayo papahirapan para dito, Boss. Haharapin ko ito ng mag isa.”“Uhh… Faye, ano ang trabaho ng tatay mo? Parang mataas ang posisyon niya, no?” Sinubukan ni Wilbur na baguhin ang pinag uusapan nila.Nangutya si Faye. “Isa siyang gang leader sa Howl City, Endler Province. Naging mayaman siya dahil sa isang babae, at nakalimutan niya na ang tungkol sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na ito.”“Ahh, kaya pala,” Ang sabi ni Wilbur ng nakakunot ang noo.Ngumiti bigla si Faye. “Oo nga pala, sa tingin niyo ba ay ang posisyon ko sa Cape ay maaapektuhan kapag pumayag ako sa kasal?”“Syempre hindi,” Ang sagot ni Wilbur ng hindi nagdadalawang isip.Nawala ang ngiti sa mukha ni Faye, at nag buntong hininga siya.Agad na sinabi ni Wilbur, “Hindi yun ang ibig kong sabihin! Kung ayaw mo i
Read more

Kabanata 163

“Anong problema?” Kumunot ang noo ni Wilbur habang nakatingin sa tulala na si Faron.Makalipas ang ilang sandali, umiling si Faron. “Pre, grabe ka. Ang lugar na ito ay may halaga na halos one billion dollars. Kahit ako ay hindi makakatanggap ng ganitong bagay.”“Oo, pero ito ay dahil wala kang lakas ng loob. Sigurado ako na makukuha mo rin ito at mas marami pa kung mas naging matapang ka lang,” Ang sabi ni Wilbur.Tumawa si Faron. “Oo, siguro nga. Makukulong ako kapag mas matapang ako.”“Ikaw ang nagsabi nyan.” Naglakad sila lagpas sa square sa gitna ng isla, pumasok sila sa gubat sa likod.May tatlumpu hanggang sa apatnapung homestay na medyo nakatago sa gubat, mukha itong elegante at maganda.Nakita ni Wilbur ang pinakamalapit na homestay na walang tao at pumasok siya sa loob.Ang bahay ay may parang isang regular na homestay, may mga basic necessities at ilang dekorasyon.“Maupo ka!” Sumenyas si Wilbur na umupo si Faron. Una siyang naglakad papunta sa kwarto, pagkatapos ay u
Read more

Kabanata 164

“Salamat, Pre,” Ang mahinang sinabi ni Faron bago siya nagsimula sa pag meditate.Tahimik siyang pinanood ni Wilbur.Ang cultivation method na pinadaan niya kay Faron ay ang sarili niyang Dragon’s Chant, ngunit si Faron ay hindi kayang abutin ang lebel ni Wilbur ng wala ang Dragonsoul.Ngunit ibig sabihin nito ay pumasok na si Faron sa mundo ng cultivation at isa na siyang opisyal na cultivator. Ang makakamit niya sa darating na panahon ay depende na sa kanya.…Sa police station, nakaupo si Elsa sa harap ng mesa sa opisina habang nakakunot ang noo niya.Umamin si Remy sa lahat pagkatapos ng isang hapon ng intense na interrogation.Ang lahat ng mga lalaki at babae na parte ng palabas ni Remy ay napilitan na gawin ito dahil kay Remy, at pinainom sila ng gamot upang mag perfrom sa ilalim ng impluwensya nito.Natrack din nila ang message na sinend ni Remy sa computer, at napunta ito sa isa sa mga higher-ups ng Seechertown.Sa oras na gumawa ng warrant si Elsa para sa pag aresto n
Read more

Kabanata 165

Medyo nairita si Elsa sa ugali ni Ryder.Gayunpaman, ito ay ang tulong na binigay sa kanya ng superior niya, at wala siyang masasabi tungkol dito. “Sige. Ito si Wilbur Penn, isang kaibigan ko. Nandito rin siya para tumulong sa kaso. Magkakasama tayo sa trabahong ito.”Tumingin si Ryder kay Wilbur. “Parte ba siya ng team niyo?”“Hindi, isang kaibigan lang siya,” Ang sagot ni Elsa.Walang emosyon na sinabi ni Ryder, “Pasensya na, pero pinagbabawal ng trabaho ko ang presensya ng iba. Sabihin mo sa kanya na umalis.”Namula ng awkward si Elsa. “Si Mr. Penn ay isang cultivator din, at sigurado ako na magiging maayos ang takbo ng kasong ito kapag nagtulungan tayo.”“Hindi na ito kailangan,” Ang sabi ni Ryder, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya.Hindi alam ni Elsa ang sasabihin niya. Sino ba ang lalaking ito, at bakit siya ganito?Sinabi ni Wilbur kay Elsa, “Ayos lang. Busy rin naman ako. Pwede na kayo magpatuloy. Sigurado ako na ayos lang ang lahat at nandito si Mr. Litwing.”
Read more

Kabanata 166

Hindi nagtagal, ang mga offier ay nahuli ang pitong mga suspect at tinipon nila ang mga ito sa porch.Tumingin si Elsa sa kanila ng nakakunot ang noo. “Yun lang ba?”“Wala nang iba.”“Nakuha ba natin ang lahat ng mga droga?”“Nakuha natin ang lahat ng equipment para gumawa ng droga. Ito talaga ang lugar kung saan nagaganap ang drug production.”“Lintik na buhay ito,” Ang malakas na sigaw ni Elsa. Mukhang tumakas ang dealer. Paano niya nalaman ang tungkol sa raid na ito?Sa oras na yun, lumapit si Ryder at tumingin siya sa pitong mga suspect.Sumingkit ang mga mata niya, huminto siya sa pangatlong tao. Isa itong lalaki, sa sobrang payat niya ay mukha siyang may sakit dahil sa hirap. Tinaas niya ang super cannon niya at tinutok niya ito sa lalaki.“Ano ang ginagawa mo? Papasabugin mo ang ulo niya!” Ang sagot ni Elsa.Paano tatanggapin ng payat na lalaking ito ang isang bala mula sa super cannon?Ngunit nagging maputla ang ekspresyon ni Ryder, “Isa siyang cultivator. Nasesense k
Read more

Kabanata 167

Sa ilang metro ang layo, ang lalaki ay nakahiga sa isang malaking pool ng dugo.Hindi mapigilan ng mga tao sa paligid na huminga ng maluwag. Tinapik ni Elsa ang dibdib niya habang tinanong niya, “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako,” Itinabi ni Ryder ang rifle, at ang ekspresyon niya ay nanatili pa ring malamig.Naglakad ng mabagal si Elsa papunta sa lalaki. May isang sugat sa baywang ang lalaki na kasing laki ng isang kamao, walang tigil ang pagdaloy ng dugo mula dito.Sumikip ang dibdib ni Elsa nang makita niya ito. Mukhang ang super cannon ay may sapat na kapangyarihan para sumira ng isang buong tao ay kaya lang gumawa ng butas sa lalaking ito. Nagpapakita dito kung gaano talaga kalakas ang isang cultivator.Gayunpaman, ang butas ay may sapat na laki para malaman ni Elsa na ang lalaki ay may malubhang kondisyon o patay na.Sa oras na lumapit si Elsa, tumunog ang malakas na paghinga mula sa boses ng lalaki.Nabigla si Elsa, napahinto siya habang sumenyas siya sa team niya na umat
Read more

Kabanata 168

Kumunot ang noo ni Wilbur. “Hindi ba’t nandoon yung Ryder? Isa siyang Ambience level cultivator, kaya kaya niya na harapin ang sitwasyon.”“Sa tingin ko ay hindi. May dala siyang super cannon, pero hindi niya pa rin matalo ang halimaw na yun. Hinabol niya ang halimaw ng walang armas. Nangangamba ako na baka nasa panganib siya.”“Anong nangyari?” Ang tanong ni Wilbur.Sinabi ni Elsa ang lahat kay Wilbur, at kumunot ang noo ni Wilbur sa oras na matapos na si Elsa.“Sige na, magsalita ka!” Nataranta si Elsa.Sinabi ni Wilbur, “Hindi ko alam kung anong method ang gamit ng lalaking yun para mag cultivate, pero hindi ito maganda. Walang laban si Ryder sa kanya.”“Nakikita ko nga! Kaya lumapit ako para hanapin ka,” Ang sabi ni Elsa.Tumingin si Wilbur kay Elsa. “Hindi naman ako parte nito.”“Pre, seryoso ka ba rin ba na magsalita ng ganyan sa oras na ito?”“Hindi, ayaw ko lang ang ugali na binigay sa akin ng Ryder na yun.”“Sige na, gawin mo na lang ito para sa akin ngayon. Talunin
Read more

Kabanata 169

Sa isang malakas na tunog, bumagsak si Wilbur sa kanyang mga binti, gumawa ito ng isang crater na may ilang metro ang lalim sa lupa.Tumingin siya sa harap niya at nagsindi siya ng isang sigarilyo habang tumayo siya sa lugar.Makalipas ang ilang minuto, bumaba si Elsa sa tabi ni Wilbur. Walang lugar para magland ang helicopter, kaya walang nagawa ang pilot kundi ang bumalik.Nakita ni Elsa na naninigarilyo si Wilbur at ang crater sa paligid ni Wilbur, at suminghal siya. “Iba ka talaga, pre.”“Ayos lang ako,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Nagkibit balikat si Elsa, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.“Sa tingin mo ba ay ang halimaw ay tumakbo sa ibang lugar?” Ang nag aalala na tanong ni Elsa.Sinabi ni Wilbur, “Nnadito siya.”Sa oras na yun, ang isang bagay na tumatakbo ng mabilis ay dumating sa paningin nila.Kumunot ang noo ni Wilbur.Nabigla si Elsa nang makita niya na ang sugat ng halimaw ay naghilom na.Ang madugo na butas sa baywang nito ay wala na, at pati na
Read more

Kabanata 170

Makapangyarihan talaga ang halimaw, at ang kahit ano sa mga atake nito ay nakamamatay.Ang cleaver ay humiwa sa ere, may nakakabingi na tunog ito sa bawat kilos.Mahusay at mabilis si Ryder. Umiwas siya sa mga atake ng cleaver habang ang umaapoy na dagger niya ay sumaksak sa halimaw sa iba’t ibang lugar. Mahusay ang parehong manlalaban, at mahirap malaman kung sino ang lamang.Tumingin ng nag aalala si Elsa. “Hindi ka ba tutulong?”“Narinig mo siya. Hindi ako pwedeng makialam,” Ang sabi ni Wilbur.Umiling si Elsa. “Sigurado ako na hindi mahalaga ang mga patakaran sa mga sandaling ganito>’“Ikaw na pala ang pumunta. Hindi ko kukumbinsihin ang kahit sino na payagan ako na sirain ang patakaran na ito,” Ang sabi ni Wilbur, nagsindi siya ng isa pang sigarilyo at humithit siya ng mahaba.Tumingin ng masama si Elsa kay Wilbur. “Gusto mo bang mamatay ako? Mukha bang may laban ako sa halimaw na yun?”“Wala akong magagawa tungkol dito,” Ang sabi ni Wilbur.Walang magawa si Elsa kundi an
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
44
DMCA.com Protection Status