ANDANIA “Maayos silang nakaalis apo,” saad ni grandpa Bilhem sa akin. Mabuti naman kung ganoon. Mapapanatag na ang kalooban ko na wala na nga si Fatima, ang mama niya at si Conti dito. “Hindi mo ba sila titignan? Mamaya ang alis nila sa barko.” Sabi ni grandpa Bilhem. Umiling ako. Wala na akong plano na tignan o ihatid pa sila. Kung saan man sila makakarating sa buhay na pipiliin nila ngayon ay bahala sila.” Ginawa ko na ang parte ko para matulungan ko sila. “Kung ganoon, sasabihan ko nalang ang tauhan ko na ingatan sila.” “Salamat po grandpa,” tunay na pagpapasalamat ko sa ginawa niya. Niyakap niya ako. “I’m doing my job, Anda. Isa pa, ngayon na maayos na ang lahat at nagawa ko na ang trabaho ko na inatas sa akin ni Amir, pwede na akong mamahinga.” “Hindi magandang joke iyan, grandpa.” Natawa siya. “Hindi ako nagbibiro. Matanda na rin ako at isa pa, matagal ko na ring plinano na ibigay kay Shawn ang trabahong ito.” Tumingala ako sa kaniya. “Pumayag siya?” “Hindi.” Natawa
Huling Na-update : 2024-04-17 Magbasa pa