Bonding muna tayo hahaha. Hayaan muna natin si Bil
(POINT OF VIEW OF SUA AND SANDRO) (SUA) “Hi Sua,” Sandro is here again. Tumayo ako para iwasan siya. “Why do you hate me?” tanong ni Sandro habang sinusundan ako. “Can I have one?” tanong niya, patukoy doon sa ginagawa kong seashells bracelet. “Ayokong bigyan ka.” “Why?” “You’re not my friend.” Nakita kong humaba ang nguso niya at umupo sa harapan ko. Nasa bench na ako, doon sa inupuan namin kanina ni teacher Flor. Sinundan niya talaga ako hanggang dito. Nakakainis. “I saw Lucinne and Lucille. May suot silang ganito. Ikaw ba nagbigay?” “Yes because they are my cousins.” “How about teacher Flor?” “She’s my friend.” “Then make me your friend,” sabi niya. Tinignan ko siya ng seryoso. I don’t like him to be my friend. I just hate him. I saw him goofing around, flirting with other girls. Ayoko sa lalaking hindi nag-aaral. Papa told me if I like a guy, doon dapat sa matalino at mahilig mag-aral and Sandro has none of those. He’s not a standard. I don’t understand ate Lucinne a
(POINT OF VIEW OF SUA AND SANDRO)(SUA)“Hate Sandro pala ah?” niloloko ako ni ate Lucille at ate Lucinne matapos umalis ni Sandro. Kahit si mama ay tini-tease rin ako.“Ma, stop looking at me like that.” Nakanguso kong sabi.“What? Paano ba kita tinitignan?”“You’re looking at me like I did something embarrassing.” Tumawa si ate Lucinne at ate Lucille. Ako naman ay tumingin sa isang pack ng Dutch Mill na binigay sa akin ni Sandro.“I’m not looking at you like you did embarrassing. Ano namang nakakahiya doon sa binigyan ka ng Dutch Mill ng SCHOOLMATE mo?”Mama even emphasize it.“MA!” Tumawa siya.Pulang pula na ang mukha ko. Napatingin ako kay Mang Troso na natatawa sa amin.I know this is a good deed pero naiinis ako kay Sandro. Bakit niya ako binigyan ng Dutch Mill sa harapan ng family ko? Nababaliw ba siya?Hindi natigil doon ang panloloko sa akin ng family ko at kinagabihan, pinatawag ako ni papa sa kwarto nila.Kabado ako dahil kilala ko si papa. Strict siya masiyado at mahigpit
FATIMA “It’s really weird, love. May bata akong nakita kanina sa skwelahan na Samonte ang apelyido.” Pagku-kwento ko kay Conti habang kasalukuyang akong nagchi-check ng essays ng mga bata. “Maraming Samonte sa mundo, love. Anong iniisip mo? Na konektado yun sa kuya mo?” Tumango ako. Hindi ko rin alam bakit naalala ko si kuya sa batang yun kanina. Basta nalang sumagi sa isipan ko ang imahe ni kuya Bil e. “It’s really weird.” Ang sabi ko nalang at tumayo para tignan ang ginagawa niya. Nagmamarinate siya ng ngayon ng bangus. “Saan mo nabili ito?” “Doon sa Talipapa. Mura lang kaya binili ko na.” Tumango ako at kinuha ang wallet na iniwan ko sa mesa. Pero bago yun, niligpit ko muna ang mga gamit ko. “Aalis muna ako sandali,” napatingin sa akin si Conti. “Saan ka pupunta?” “Bibili muna ako ng stick glue at iba pang gagamitin ko sa lesson demo ko. May supervisor kasi na magmo-monitor bukas at naubusan ako ng glue.” “Ihatid na kita,” umiling ako. “Huwag na love, kaya ko naman.” N
BILNakatingin ako kay Fatima na tahimik lang habang gumagawa ng assignment niya. Nilapitan ko siya para tanungin kung ayos lang ba siya.“Yes kuya, I’m fine.” Nakangiting sagot niya. Napabuntong hininga ako kasi alam kong hindi. Alam kong nahihirapan siya sa math subject, pero ayaw naman niya na tinutulungan ko siya.“Aalis na ako.” Sabi ko sa kaniya. Tumango siya, “bye kuya,” sabi niya sabay ngiti.Napailing ako. As long as she smiles brightly, mapapanatag ang kalooban ko.Sa school, tahimik akong nagbabasa habang ang mga ka-klase ko ay nag-iingay. Wala akong kaibigan dahil hindi ko ramdam makipagkaibigan.I prefer to read alone.Hindi ko sila pinansin hanggang sa may tubig ang natapon sa libro ko na binabasa ko. Biglang natahimik ang buong classroom. Lahat ay nagulat.“Ops, sorry!”Nag-angat ako ng tingin sa may gawa no’n, nakita ko si Kyle at Pio, sa likod nila ay si George na nakangisi sa akin.So this is his payment dahil hindi ko siya binigyan ng number ni Fatima?Alam kong sin
Pagpasok ko ng skwelahan, halos lahat ng kaklase ko ay tahimik at nakatingin sa akin. Some of my teachers shows concern to me, which I don't need. Para sa akin, normal lang ang lahat but the way I look at my classmate's eyes, isa lang ang nakikita ko. Takot. Tinitignan nila ako na para bang isa akong halimaw. Sa canteen, kada napapadaan ako, nilalayuan ako ng mga schoolmates ko. Sa CR, agad na yumuyuko ang iba at nagmamadaling tumakbo. Now, they are getting on my nerves. I hate that they are ignoring me. Mas gusto ko pang binu-bully nila ako. Kahit si George, Pio, at Kyle, hindi na rin nila ako binu-bully. In fact, nilalayuan din nila ako dahil natatakot sila sa akin. Naiinis ako. Nagagalit ako. Isang linggo na nila itong ginagawa at hindi na ako natutuwa. No'ng uwian, nakatayo sa ako tabi ng tulay at inaabangan si Kyle. Siya lang mag-isa ang umuwi dahil galing siya sa practice ng basketball. Hindi pa niya ako napapansin. Nakangiti pa siya habang nakatutok sa cellphone niya. "Ky
Dahil sa balitang kumalat, mas lalong natakot ang mga ka-klase ko sa akin. Mas naging halimaw pa ako sa paningin nilang lahat. Hindi ko na nga pinansin. Nasasanay na rin ako and besides, hindi naman sila mali. Ako nga ang pumatay sa dalawang kaklase namin. Poor them. Hindi nila alam kung gaano kaganda ang ginawa ko. Ang huling natitira nalang sa tatlong nambully sa akin ay si George. I was actually waiting for him to bully me again. Nangangati ang kamay kong makahawak ng dugo. Lumapit ako sa kaniya at nabigla ako ng bigla siyang napatayo at napalayo. "What?" natatawa kong tanong. "W-Wala naman." Aniya at kinuha ang bag niya at umalis. From then on, napapadalas ang pag-absent niya. Kahit iyong ibang classmates ko ay gustong lumipat ng classroom o di kaya ng skwelahan mismo malayo sakin. Nakakatawang isipin. Bigla na ngancg huminto si George sa pagpasok at nalaman nalang namin na lumipat siya ng skwelahan. Nagtransfer siya at hindi na nagpakita pa. Ni hindi man lang nam
Agad na dinala si Anda at Fatima sa hospital. But as for Fatima, wala siyang kamalay-malay sa mga nangyari. Hindi niya alam na may nabangga siya at agaw-buhay. “Kuya, why am I here?” ang unang tanong niya nang magising siya. I can’t even tell her what happened. So I just said, “nabangga mo ang puno no’ng pauwi ka.” “Huh? Saang puno?” “Nakalimutan ko kung saan. Someone just called me that you’re here.” Bumangon siya at napahawak na lamang sa ulo niya. Dumating si mama at kinausap ko na siya not to tell Fatima what happened dahil ayokong dumagdag pa yun sa problema ng kapatid ko. “But Bil, how can I convince Wilson not to report your sister? Anak niya ang nasagasaan.” This is shit and a mess. Hindi ko alam na ang babaeng nasagasaan ni Fatima ay anak ng walang hiyang si Wilson. How can I even correct it? I can’t focus on my internship dahil kailangan kong planuhin kung anong gagawin ko para lang hindi mapahamak ang kapatid ko. So I decided to talk to him. “What should
Hindi ko na sinabi kay Fatima na kilala ko ang ex-girlfriend ni Axcl. Ayokong magtrigger ang anxiety niya, at baka maalala pa niya ang nangyari kay Andania kung makita niya ito. I pretended to be a good brother to her and good person to Axcl. He's well, matapos niyang pabalik balik siya sa psychiatrist. Dapat lang na alagaan niya ang kapatid ko dahil si Fatima ang nasa tabi niya para maging maayos ang kalagayan niya. When he's well and healthy, ibang kaso naman ang nangyari kay Fatima. Mula ng maging sila ni Axcl ay hindi na siya mapakali. Para bang lahat ay inaalala niya. I don't know what to do with her. She's overthinking tungkol sa ex ni Axcl. Kahit hindi pa nangyayari, iniisip na niya. Then one time, Conti came. "Bil, bumabalik na naman ang anxiety ni Fatima." I don't know what's his role sa buhay ni Fatima. Clearly, he's in love with my sister, pero ngayon na boyfriend na ni Fatima si Axcl, I was expecting na lalayo siya pero hindi yun ang ginawa niya. "What are you d
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede