Nang makaalis si Axcl, agad kong nilapitan si Andania na ngayon ay nag-aalala na. Kulang nalang ay umiyak na siya mula sa kinatatayuan niya.“Calm down or it’ll affect the baby,” ang sabi ko. Nag-aalala kaming lahat, that’s given but kung patuloy siyang mag-aalala ng ganiyan, baka maapektuhan lang ang bata na nasa sinapupunan niya.“Love,” pagtawag ni Conti sa akin.“Sundan natin si Axcl,” sabi niya. Tumango ako at humarap kay Anda.“Can you tell the police and report him?” para naman maaksyonan agad.Tumitig siya sa mga mata ko bago tumango. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay nila habang ako naman ay lumapit na kay Conti at sumakay ulit ng tricycle.“Wala sanang nangyaring masama, Conti.” Bulong ko.Hindi sumagot si Conti, halata sa mukha niya na nag-aalala na rin siya.Pagdating namin sa skwelahan, nagulat nalang ako nang makita na maraming pulis sa harapan ng gate. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari. Lumapit
Huling Na-update : 2024-05-05 Magbasa pa