ANDANIAMalakas ang ulan sa labas. Kasama ko rin ngayon si Axcl at nasa sala kami habang si Sua ay nasa paanan namin, nakatingin sa libro at nagbabasa.Panay ang tingin ko sa bintana, alam kong ngayon ang libing ni Fatima at Conti kay Bil.“Ayos lang kaya sila Axcl?” mahinahong tanong ko. Ang alam ko e konti lang ang sumama sa kanila sa paglibing.Mga kasamahan lang ni Fatima sa trabaho. Kami ay hindi na nag-abala pa na pumunta.Ayaw rin ni Axcl na pumunta kami lalo’t hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa ni Bil sa amin. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya kaya hindi nalang rin ako nagpumilit pa.Parang ang awkward na naroon kami lalo’t alam namin kung ano ang totoong nangyari sa pagitan namin lahat.“Oo. Sumama naman si Shawn.” Sabi ni Axcl sa akin. Si Shawn ang nagbabatay at nag-aassist sa kakailanganin ni Fatima at Conti.Sumandal ako sa balikat niya. I’ve never felt this kind of feeling. Iyong tipong hindi ko na kailangan pang kabahan sa possibleng mangyari bukas.Ngayon pa a
Pumasok kami sa loob at agad niyang inoffer sa akin ang sofa nila. Maliit ang bahay nila pero bawat sulok ay may larawan nila ni Conti nakasabit. Makikita sa picture na masaya sila. What a relief na makitang maliban sa amin ni Axcl, ay masaya rin naman pala sila ni Conti sa loob ng anim na taon na yun. “Maupo ka muna,” ang sabi niya. Tumango ako at umupo rin. Agad niya akong binigyan ng tubig. "Pasensya na. Hindi pa kasi ako nakapag grocery kaya wala kaming stuck ng juice o prutas." “Ayos na ito. Salamat,” sabi ko. “Kamusta ka na?” tanong ko. “Maayos naman,” sagot niya and I can see that she’s really fine. That she’s doing well. “Kakauwi lang ni mama kagabi. Hindi kayo nagpang-abot.” Ngumiti lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong iri-react ko kung magkita kami ng mama niya. Huling kita namin ay hindi pa naman kami maayos at sa tingin ko ay hanggang ngayon pa rin naman ay ganoon pa rin. Pero siguro may improvement ng konti pero tiyak na hindi gaya nito sa anong meron
"Why are you here today, ma'am Flor?" tanong ko. Tumingin muna siya kay mama bago sa akin. Kinabahan ako at nanibago. Is she saying goodbye to me now? Aalis ba siya? Bakit wala na siya sa school? Bakit may dala siyang mga maleta? Hindi na siya magtuturo? Marami akong gustong itanong. Halos lahat ng nasa utak ko ay tanong para sa kaniya. Ano ng mangyayari? Bakit naging ganito ang takbo ng lahat? Wala na si Bil hindi ba? Siya lang naman ang panganib sa buhay namin e. Kaya bakit sila nagsisi-alisan? Hindi ko maintindihan. "Come here. May ibibigay ako sa'yo." Saad niya. Nagpatianod ako sa kaniya. Dinala niya ako sa sofa at doon ako inupo. Nakatingin lang ako sa kaniya at may kinuha siyang purse sa maliit na bag na hawak niya. Alam ko na kung ano no'ng makita ko ang lagayan.Nang buksan niya ang lagayan ng bracelet, a handmade sparkle balls ang nakita ko. May mga design na glassy leaf. Maganda. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ang bracelet na ginawa niya sa kamay ko. I
6 years after (The adult Sua)Sua Azcuna“SUA! NASAAN KA?” napatakip ako sa tenga ko ng marinig ang boses ni ate Lucille.“Tita, nasa kwarto po ba si Sua?” na binuntutan ng boses ni aye Lucinne.“Nasa kwarto, nag-aaral.” Rinig ko ang boses ni mama.“Ate, hanap niyo po si ate?” boses ni Azul, ang kapatid ko.“Yes Blue. Nasaan ang ate mo?”“She’s here!”Nagmamadali ko ng niligpit ang mga gamit ko ng marinig ang boses ng kapatid ko. Alam kong dadalhin niya sa akin ang mga pinsan namin.Pero bago ko pa man maligpit ang mga libro ko e bumukas na ang pinto ng kwarto at tumambo sa akin si Azul kasama ni ate Lucinne at Lucille.“Sua, nag-aaral ka na naman. Malayo pa ang pasukan!”Agad tumakbo si Azul sa akin at niyakap ako. “Ate, I love you,” ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.“Sua, tara na. Punta tayo bar mamaya. I’m sure papayagan ka dahil kasama mo kami.”Umiling ako. “Kailangan kong mag-aral mamaya ate,” sabi ko.“Why are you obsess with that school? As if naman na katapusan na ng mundo
"Sua, stop being a bitch and forget for a while about doon sa pang nerdy mong hobby." Napairap ako sa sinabi ni ate Lucinne.Inakbayan ako ni ate Lucille. "Oo nga Sua, forget about that now. You're here to have fun. So let's have some fun!" Sabi niya"I am having fun," kahit na hindi.Hindi ko naman close ang mga kaibigan nila. And I'm not into party too. So what they expect? Ang makisaya ako kahit na hindi naman?They didn't even give me an alcohol. Para akong pusang naligaw lang dito."Let's dance Sua," ang sabi ng kaibigan nila ate na hindi ko naman kilala. Tumingin ako sa dance floor, nang makita na sobrang crowded nito ay agad akong umiling. Hindi naman ako marunong sumayaw."Sige lang. Susunod ako mamaya." Ang sabi ko nalang."Sige," aniya at iniwan ang bote ng vodka sa ibabaw ng table.Napatingin ako doon."Bakit kaya wala pa ang mga boys?" tanong no'ng kaibigan ni Ave."You invite them?" ate Lucinne asked.“Ah yeah. Sabi nila kanina e parating na sila. Hindi ko alam bakit unti
“H-Hindi ka ba pupunta sa kanila?” I asked dahil kanina pa kami dito.Hindi naman kami nag-uusap ng tuloy-tuloy. Para lang kaming umupo tapos tumitingin sa dumadaan sa tabi namin. Hindi ko nga alam kung pati ba siya nakatingin o sa akin dahil kung titingin ako sa kaniya, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.“Ayaw mo na ba akong katabi?”Nanlaki ang mata ko. “Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.”He smiled and messes up my hair. “Kung tatabi ako sa kanila, mas lalo akong matatagalan sa pag-uwi.”“Hindi ba mamaya pa ang flight mo?”Umiling siya. “Ngayon 11 ng gabi ang flight ko.”Agad akong napatingin sa relo ko at nanlalaki ang mata ng makita na 11:10 na. “Hala! Naiwan ka na ng eroplano!” Ang sabi ko sa kaniya. “Bakit hindi ka nagsabi?” napatayo na ako.Natatawa niyang kinuha ang kamay ko. “Uuwi lang ako kapag umuwi ka na.”“What?” hindi makapaniwalang tanong ko.“Sabi ko-"“I get it pero bakit? Sayang ang ticket mo. At-"“It’s fine Sua. May pera naman ako,” aniya.Kahit na. Sayang
Pag-uwi ko ng bahay, agad akong sinalubong ni papa.Nakita ko ang pagsilip niya sa orasan. I know right away kung tinitignan niya kung late ba ako o hindi.“Where are your cousins?” tanong niya.“Nasa bar pa po,” tipid na sagot ko bago ako lumapit sa pisngi niya para haIikan siya.“Did you have fun?”“Opo papa.”Tumitig siya sa mga mata ko, tila ba binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo. “Alright,” aniya.Pumasok ako sa loob at nagbabasakaling gising pa ba si Blue pero mukhang tulog na ang kapatid ko.“Tulog na po sila ni mama, papa?”“Yes. By the way Sua, gusto kitang makausap tungkol sa papasukan mong university. May napili ka na bang paaralan?”Nawala ang ngiti sa labi ko. Nagbitiw na ako ng pangako kay Sandro.“Opo papa,” sagot ko sabay kuha ng tubig sa kusina.“Saan? Nagpa schedule ka na ba para sa entrance exam mo?” mababakas ang tuwa at excitement sa boses niya.Inubos ko ang isang basong tubig bago ako lumingon sa kaniya.“Sa Gaiman University po ako mag-aaral pa.”Nakita ko a
Habang papalapit ako sa building kung saan gaganapin ang entrance exam, may lalaking biglang tumabi sa akin.Ngumiti siya. "Hi, mag e-entrance exam ka?"Tumango ako, medyo nagulat lalo't hindi ako sanay na may kumakausap sa akin. Sabi nila e intimidating ako, maybe because kahit sa school ay may bodyguards akong kasama kaya wala talagang nagtatangkang kaibiganin ako.May iba rin na nagsasabi na masungit ako kahit hindi naman nila sinubukan na lapitan ako.I wonder kung anong pinagkaiba ngayon. Dahil ba mag-isa lang akong naglalakad at walang kasamang guard kaya may nagtangka na kausapin ako?"Taga rito ka?" he asked. Umiling ako, pero hindi ko naman sinabi ang address ko. I am extra careful to my well-being lalo't malayo ang bahay namin.Alam kong by now e hinahanap na ako nina mama at papa. I turned off my phone para lang hindi ako matawagan."Anong course kukunin mo?""EE," tipid na sagot ko."Same pala tayo. Electrical Engineering rin ang kukunin ko."So malaki ang chance na magigi
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede