Mavi Pov"Mommy!" malakas ang boses na tawag sa akin ni Moses nang makita niya ako. Para akong natuklaw ng ahas nang tumingin sa kinaroroonan ko si Alpha Magnus. Kay Moses lamang nakatutok ang aking mga mata at kunwari ay hindi ko nakikita si Alpha Magnus. Ngunit sa sulok ng aking mga mata ay nakikita kong titig na titig siya sa akin habang nakakunot ang noo."Moses, come here," utos ko sa anak ko. Mabilis namang tumakbo palapit sa akin si Moses."Mommy, sabi ni Alpha Magnus ibibigay daw niya sa akin ang toy robot na gusto ko. Last stock na raw kasi iyong nabili niya," kausap sa akin ng anak ko. Lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ng taong nais kong kalimutan. Siguro nagpakilala si Alpha Magnus sa anak ko kaya siya kilala ni Moses. Hindi ko alam kung ano ang nagpag-usapan nila ngunit sana ay tungkol lamang sa laruan."Let's go, Moses. Faster," hindi pa man nakakasagot ang anak ko ay mabilis ko na siyang hinila palabas ng toy store. Pero dahil gustong-gusto ni Moses
Last Updated : 2023-11-13 Read more