Mavi Pov
"Mommy!" malakas ang boses na tawag sa akin ni Moses nang makita niya ako.Para akong natuklaw ng ahas nang tumingin sa kinaroroonan ko si Alpha Magnus. Kay Moses lamang nakatutok ang aking mga mata at kunwari ay hindi ko nakikita si Alpha Magnus. Ngunit sa sulok ng aking mga mata ay nakikita kong titig na titig siya sa akin habang nakakunot ang noo."Moses, come here," utos ko sa anak ko. Mabilis namang tumakbo palapit sa akin si Moses."Mommy, sabi ni Alpha Magnus ibibigay daw niya sa akin ang toy robot na gusto ko. Last stock na raw kasi iyong nabili niya," kausap sa akin ng anak ko. Lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ng taong nais kong kalimutan.Siguro nagpakilala si Alpha Magnus sa anak ko kaya siya kilala ni Moses. Hindi ko alam kung ano ang nagpag-usapan nila ngunit sana ay tungkol lamang sa laruan."Let's go, Moses. Faster," hindi pa man nakakasagot ang anak ko ay mabilis ko na siyang hinila palabas ng toy store. Pero dahil gustong-gusto ni Moses ang toy robot na iyon kaya huminto ito at pilit na nilingon si Alpha Magnus."Wait, Mommy. I want that toy robot," protesta ni Moses."Wala nang stock ang toy robot na iyon sa store nila kaya sa ibang toy store na lang tayo maghahanap, okay?" Muli kong hinila si Moses at ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng toy store."Sandali lang, Miss!" boses ni Alpha Magnus. Huminto ako sa paglalakad ngunit hindi ko siya nilingon.Bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdaman kong naglakad siya palapit sa amin. Pero teka, bakit nga ba ako kakabahan? Ano ba ang ipinag-aalala ko? Kahit naman makita niya ang mukha ko ay hindi naman niya ako makikilala bilang ang babaeng naka-one-night stand niya nang gabing iyon. Maliban kasi sa madilim ang loob ng bar dahil sa dim na mga kulay ng mga bombilya ay hindi rin niya matandaan ang mukha ko dahil sa kalasingan. At hindi rin niya makikilala na ako si Mavi, ang babaeng tinanggihan niya para maging destined mate niya dahil iba na ang mukha ko ngayon."What is it, Mister?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya habang nakatalikod ako."He is Alpha Magnus, Mom He said that he wants to give me the toy robot if I want it," sabi ni Moses, halatado sa boses nito ang tuwa, pagkatapos ay nilingon si Alpha Magnus. "Are you really going to give me that toy robot, Alpha Magnus?""Of course. But it seems your Mom is not willing to accept my kindness," sagot ni Alpha Magnus. Feeling ko ay nakatingin siya sa akin dahil kahit nakatalikod ako ay tila nararamdaman ko ang mga titig niya."Mom, please?" pakiusap ng anak ko sa akin.Huminga ako ng malalim bago ko hinarap si Alpha Magnus. "Thank you for your kindness, ngunit maghahanap na lang kami ng ibang store kung saan may nabebenta ng ganyang laruan," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Hindi ko ipinahalata sa kanya na kinakabahan ako habang kausap siya. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na wala akong dapat na ipag-alala dahil hindi niya ako makikilala."I'm sorry but if I'm not mistaken, the toy in my hands is the last stock in this mall. At sa tingin ko ay hindi ka na makakahanap ng ganito sa ibang mall dahil nagawa ko na iyon ngunit wala akong nakita maliban sa mall na ito," mahabang paliwanag ni Alpha Magnus habang titig na titig sa akin ang kanyang mga mata. " By the way, have we met before?"Lihim akong napasinghap nang marinig ko ang tanong ni Alpha Magnus. Kahit hindi niya ako nakikilala dahil iba na ang hitsura ko ay tila nararamdaman pa rin niya ang aming koneksiyon."No, Alpha Magnus. We haven't met before," mariin kong tanggi sa kanya.Tumingin si Alpha Magnus sa mukha ng anak ko pagkatapos ay bumalik sa mukha ko. Nakakunot ang kanyang noo at hindi kumbinsido sa sagot ko."Are you sure—""Are you serious na ibibigay mo sa batang iyan ang toy robot na binili mo para kay Argus?" tanong ng babaeng tumawag kanina kay Alpha Magnus. Nakasimangot na lumapit ito sa amin at tinapunan ako ng matalim na tingin."Yes, I am, Sonia. Okay lang naman kay Argus kung ibang toy robot ang ibibigay kong regalo sa kanyang birthday," walang gatol na sagot ni Alpha Magnus sa babaeng Sonia ang pangalan. Muling hinarap nito ang anak ko at ibinigay ang toy robot na hawak nito. "This toy robot is yours. Ingatan mo iyan, ha."Nakahinga ako ng maluwag nang mabaling sa anak ko ang atensiyon ni Alpha Magnus. At ang anak ko naman ay abot-tainga ang pagkakangiti at nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa laruang ibinigay ni Alpha Magnus"Thank you very much, Alpha Magnus," nakangiting pasasalamat ni Moses."Naibigay mo na ang laruan na dapat para sana sa pamangkin ko kaya umalis na tayo. Maghanap na tayo ng ibang laruan na ibibigay sa kanya," sabi ni Sonia, hindi nito itinago ang inis sa boses nito."I'm sorry kung napunta sa anak ko ang laruan na dapat sa pamangkin mo. Kung gusto mo ay ako na lamang ang magbabayad ng laruan na mapipili ninyo sa bata," sabi ko kay Sonia.Ayokong isipin ni Sonia na hindi ko kayang bilhin ang laruang hawak ng anak ko. Sa hitsura pa lang niya ay halatado namang minamaliit niya ako. Oo nga't hindi na ako kasing-yaman dati nang nakatira pa ako sa bahay ng Daddy ko ngunit natitiyak ko sa kanya na kaya kong ibigay ang anumang pangangailangan ng anak ko."No, thanks. Kaya naming bayaran ang bibilhin namin. And besides, I'm sure na hindi mo afford bayaran ang laruan na pipiliin ko dahil sobrang mahal niyon," nakataas ang kilay na sagot sa akin ni Sonia, ngayon ay ipinahalata na niya sa akin na minamaliit niya ako.Kung wala sa harapan namin si Alpha Magnus ay makikipagtalo ako at hindi papayag na maliitin niya ngunit dahil nasa harapan namin si Alpha Magnus ay mas pinili kong huwag nang patulan ang parunggit ni Sonia."Since ayaw mo namang bayaran ko ang bibilhin niyong laruan ay aalis na kami," sabi ko kay Alpha Magnus sa halip na sagutin si Sonia. "Let's go, Moses." Hinawakan ko ang kamay ng anak ko para umalis ngunit bigla akong napahinto nang marinig ko ang biglang itinanong sa akin ni Alpha Magnus. Ang tanong na kahit kailan ay hindi ko nais na marinig at sagutin.Mavi Pov"May I know who is the father of your son?" ulit na tanong ni Alpha Magnus nang hindi ko sinagot nag kanyang tanong. "Bakit mo naman gustong malaman kung sino ang ama ng anak niya, Alpha Magnus? Of course, hindi mo kilala ang ama ng anak niya dahil hindi mo rin kilala ang babaeng iyan," inis na sabi ni Sonia, "I'm just curious kung anak ba sa labas ng kapatid ko si Moses. Para kasing magkamukha kami," narinig kong sagot ni Alpha Magnus kay Sonia.Kung nakaharap lamang ako sa kanila ay makikita nila ang pamumutla ng aking mukha. Hindi nga ako nagkamali sa pag-iisip na mapapansin ni Alpha Magnus ang pagkakahawig ng anak ko sa kanya kapag magkita sila. Ngunit hindi ko inaasahan na sa halip isiping baka anak niya si Moses ay anak sa labas ng kapatid nito ang pumasok sa isip nito.Muli kong hinila ang kamay ni Moses at ipinagpatuloy ang naudlot naming paglalakad. Pasalamat ako nang hindi nagpumilit si Alpha Magnus na alamin kung sino ang ama ni Moses.Pagkapasok namin sa loob ng
Mavi PovMatapos ang huling pag-uusap namin ni Alpha Abner ay hindi na siya muling nagparamdam pa sa akin kaya naman nabawasan ang pag-aalala ko sa aking dibdib. Siguro ay napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi ko siya magagawang mahalin kaya huminto na siya sa panunuyo sa akin.Matapos naman ang unang pagkikita nina Alpha Magnus at Moses ay hindi na sila muling nagkita pang muli. Ngunit muntik na silang magkita ulit sa mall kung hindi ko lamang maagap na nahila palayo ang anak ko mula sa kinaroroonan ni Alpha Magnus.Hindi ko alam kung ano ang dahilan at hanggang ngayon ay nandito pa siya sa probinsiya ngunit lihim kong hinihiling na sana ay bumalik na siya sa siyudad para hindi na ako mag-alala pa na baka muling magtagpo ang landas nila ni Moses."Hey! Ang layo yata ng iniisip mo, my friend? Kanina pa ako nagsasalita rito ay tila hindi mo ako naririnig. May problema ka ba?" tanong sa akin ni Lotlot matapos ipitik sa harapan ng mukha ko ang kanyang dalawang daliri.Nasa l
Mavi PovParang may mga paa ng kabayo na naghahabulan sa loob ng aking dibdib habang nakaupo ako sa waiting area sa labas ng opisina ni Alpha Magnus. Sa kompanya niya ako dumiretso para sigurado na makakausap ko siya.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Alpha Magnus kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Magagalit ba siya sa akin dahil itinago ko ang kanyang anak? O kung paniniwalaan ba niya kapag sinabi kong ako ang babaeng naka-one-night stand niya sa bar six years ago at nagbunga ang isang beses na may nangyari sa amin.Hindi ako mapakali habang hinihintay ang paglabas niya. Tiyak na alam na niyang may taong gusto siyang makausap dahil pumasok na ang secretary niya para ipagbigay-alam ang tungkol sa akin.Habang wala hindi pa lumalabas si Alpha Magnus sa loob ng opisina niya ay tinitimbang kong mabuti kung ito ba talaga ang dapat kong gawin? At kung kakayanin ko ba na mawalay sa aking anak. Ngunit isipin ko pa lamang na hindi ko makakatabi sa pagtulog ang anak ko ay nagsi
Mavi PovPakiramdam ko ay may kamay na humahaplos sa mukha ko ngunit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata para alamin king sino ang lapastangang gumagawa niyon. Masyadong mabigat ang mga mata ko at hinihila ng kadiliman ang aking kamalayan. Hindi ko ito kayang paglabanan kaya hinayaan ko na lamang na tangayin niyon ang aking kamalayan."Mom!"Naalimputangan ako nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng anak ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Moses sa bukana ng pintuan at patakbong lumapit sa akin habang nakangiti."Moses!" hindi makapaniwalang sambit ko. Mahigpit kong niyakap ang anak ko at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "I'm sorry, Moses. I'm sorry dahil hindi kita iningatan."Kumalas sa pagkakayakap ko si Moses at umangat ang kanyang kamay para pahirin ang mga butil ng luha na naglalandas sa pisngi ko."You don't have to say sorry, Mom. Alam ko na hindi mo ginusto na makidnap ako ni Alpha Abner. At saka nakabuti nga ang ginawa niya dahi
Mavi Pov"Wow! Ang laki ng bahay ng Dad ko," masayang bulalas ni Moses pagkapasok namin sa loob ng malaking bahay ni Alpha Magnus. Ang anak ko lamang ang namangha sa laki ng bahay ng kanyang ama dahil hindi naman ako ngayon lang nakapasok sa loob ng isang malaking bahay na gaya nito. Lumaki ako at nagdalaga sa loob ng malaking bahay namin. At kung hindi ako itinakwil ng aking ama ay tiyak na nakatira pa rin ako sa malaking bahay. Pero kung hindi naman niya ako itinakwil ay hindi ko matutuklasan na niloloko pala ako nina Santa at Edward. At kung hindi ko natuklasan ang panloloko nila ay hindi ako maglalasing sa bar at hindi ko makikilala si Alpha Magnus, wala rin akong cute at mabait na anak ngayon. Kung noong una ay sobrang sama ng aking loob dahil sa ginawa sa akin ng ama ko at ng lalaking una kong minahal, ngayon naman ay iniisip kong blessing ang ginawa nila. Dahil masaya ako na nagkaroon ako ng anak na katulad ni Moses. At hindi ko na pinagsisisihan na naibigay ko kay Alpha Magn
Mavi PovNanggigigil ang pakiramdam ko habang kinukuskos ang bahagi ng dingding na iniutos ni Alpha Magnus na gawin ko. Sinabi ni Dayay na siya na lamang ang gagawa ng ipinagagawa ni Alpha Magnus ngunit tumanggi ako. Ako raw ang inuutusan nito kaya dapat ako ang gumawa at hindi ibang tao.Parang sasabog na sa inis ang aking dibdib. Ang sabi niya ay magiging nanny ako ni Moses ngunit ano itong ipinapagawa niya sa akin? Nitong mga nakalipas na araw ay kung anu-anong trabaho ang iniuutos niya sa akin. Oo nga't sinabi ko na tutulong ako sa mga gawaing bahay ngunit hindi ganitong trabaho. Puwede naman akong magluto o di kaya magpunas ng mga alikabok.Alam ko na sinasadya niya akong pahirapan para kusa akong umalis sa bahay niya at masolo niya ang anak namin. Ngunit kung iniisip niyang susuko ako at lalayas sa bahay niya ay nagkakamali siya. Wala siyang idea kung gaano ko kamahal ang anak ko at kung hanggang saan ang kaya kong isakripisyo para sa kanya. Kaya kahit araw-araw niya akong pag
Alpha Magnus Pov"What? Nasa bahay mo ngayon at doon nakatira ang babaeng naka-one-night stand mo sa bar noon? At nagkaroon pa pala kayo nga anak," hindi makapaniwalang bulalas ng matalik kong kaibigan na si Alex matapos kong ikuwento sa kanya ang tungkol kina Mavi at Moses. Kadarating pa lamang niya kanina mula sa pagbabakasyon sa ibang bansa kaya ngayon ko lang naikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na Linggo."Yes, Alex. They are living with me now. And my son wants me to marry his mother," sabi ko sa kanya bago ko nilagok ang alak na nasa baso ko."Anong hitsura ng babaeng naka-one-night stand mo, Magnus? Maganda ba siya? Seksi ba? Normal na tao ba siya o katulad natin siyang mga taong lobo?" hindi na pagkagulat ang nakalarawan sa mukha ni Alex kundi excitement. Umandar na naman ang pagiging mahilig nito sa magandang babae.Nagbibilang ng magagandang babae ang best friend ko. Ito ang kanyang hobby na hindi niya magawang kontrolin. Hindi ko nga alam kung
Mavi Pov"And they lived happily ever after," pagtatapos ko sa fairytale na ikinukuwento ko kay Moses. Nag-request kasi siya na basahan ko ulit siya ng kuwento kahit isang beses sa isang Linggo habang hindi pa siya nasasanay.Magmula nang tumira kami ni Moses sa bahay ni Alpha Magnus ay unti-unti kong sinasanay ang anak ko na matulog nang hindi binabasahan ng kuwento bago siya matulog. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako mananatili sa bahay na ito. Kapag ikinasal na sina Sonia at Alpha Magnus ay natitiyak ko na gagawa ng paraan ang babae para mapaalis ako sa bahay na ito. At natitiyak ko rin na hindi magagawa ni Alpha Magnus na basahan ng kuwento bago matulog ang anak ko dahil busy siya sa kanyang kompanya.Kinausap ko rin si Moses na huwag niyang ipagpilitan na pakasalan ako ng kanyang ama dahil may sarili itong buhay. Wala kaming relasyon ng kanyang ama at kaya lamang ako nakatira sa bahay nito ay para alagaan siya. At balang-araw ay aalis din ako. Ngunit hindi naman ako lal
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i