Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovSa loob ng gubat kung saan naiilawan ng liwanag ng buwan ang paligid ay nagkatipon-tipon ang ibang mga wolf's pack at hinihintay ang paglabas ng moon goddess para ibigay ang kanyang blessing sa kobagong destined mate na mapipili ngayong gabi. Ang gabing ito ay tinatawag na sacred moonlight ceremony, kung saan ay dalawang tao ang bibigyan ng liwanag ng buwan para ipaalam sa lahat na sila ang nakatakda para sa isa't isa. Kaya naman excited ang mga babaeng single sa event na ito para malaman nila kung sino ang kanilang magiging destined mate. At isa ako sa mga babaeng single na narito at umaasa na ire-reveal ng moon goddess ang lalaking nakatakdang maging mate ko. Ngunit hindi ako katulad ng mga babaeng iyon na umaasang malalaman nila ang kanilang destined mate ngayong gabi dahil ako, alam ko na kung sino ang aking destined mate. Siya ay walang iba kundi ang aking chosen mate na si Edward. At ngayong gabi ay umaasa ako na si Edward ang lalabas na siyang destined mate ko nang sa
Mavi PovIsang malakas na sampal sa aking mukha ang ibinigay sa akin ng aking ama pagdating namin sa bahay. Nagulat ako at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Hindi ko akalain na kaya niya akong pagbuhatan ng kamay."Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya natin, Mavi! Ipinahiya mo ako sa harapan ng mga alpha ng iba't ibang pack!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng aking ama."Ano pa nga ang aasahan mo sa kanya, Dad? Tiyak na kinausap niya si Alpha Magnus na tanggihan siya sa sacred moonlight ceremony para wala ka nang choice kundi tanggapin si Edward bilang kanyang chosen mate." panggagatong ng nag-iisa kong kapatid na si Mayer. Magmula pagkabata ay hindi na kami magkasundo. Para kaming tubig at langis na hindi puwedeng pagsamahin at kapag nagsama ay nagiging aso't pusa naman. Ngunit hindi ako ang palaging nag-uumpisa ng gulo kundi siya. Hindi ko alam kung ano ang dahila at tila mabigat ang loob niya sa akin gayong tunay naman kaming magkapatid."Kahit natuwa ako na tinanggihan ako
Mavi PovSa loob ng isang bar ako dinala ng aking mga paa matapos akong tumakbo palabas ng condi unit ni Edward. Ni hindi ko na nga nagawang sumakay sa aking kotse dahil tumakbo lamang ako sa gilid ng kalsada hanggang sa nakarating ako sa bar kung saan ako naroon ngayon. Sunod-sunod na lumagok ako ng alak na nasa harapan ko. Gusto kong lunurin wng aking sarili sa alak para kahit paano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit ng mga nangyari sa akin ngayong gabi. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking daigdig at tila pinagkaisahan ako ng mga tao sa paligid ko para pasakitan.Hanggang ngayon ay umi-echo pa rin sa aking isip ang mga masasakit na salitang binitiwan nina Edward at Santa patungkol sa akin. Sa halip na humingi ng tawad dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin ay pinagtawanan at ininsulto pa nila ako. Matagal na pala silang may lihim na relasyon at ginamit lang pala ako ni Edward para pansarili niyang pangangailangan. At ngayong nalaman nila na nireject ako ng aking destined ma
Mavi PovIlang araw na akong nagkukulong sa loob ng silid na ipinagamit sa akin ng kaibigan kong si Lot. Si Lot ay isang plastic surgeon. At kahit malaki ang agwat ng ugat namin ay hindi iyon naging hadlang para maging malapit kaming magkaibigan. Sinabihan ako ni Lot noon pa na huwag magtiwala kay Santa dahil nakikita raw niyang hindi tunay ang kabutihang ipinapakita sa akin ng pinsan ko ngunit hindi ako naniwala sa kanya. Pinsan at matalik kong kaibigan si Santa kaya naman buo ang tiwala ko sa kanya. At saka wala naman siyang ipinakitang masamang pag-uugali sa akin kaya hindi ko pinansin ang sinabi ni Lot noon. Pero sana pala ay naniwala ako sa kanya. Siguro kung naniwala ako sa kanya ay matagal ko na sanang natuklasan ang ginagawa nilang panloloko sa akin. Sana maaga akong nasaktan para mas maaga rin akong nakapag-move on. Hindi sana ako nakagawa ng napakalaking pagkakamali."Bumangon ka na diyan, Mavi. Huwag mong hayaan ang sarili mo na lunurin ng lungkot dahil sa mga nangyari sa'y
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i