Alpha Magnus Pov"What? Nasa bahay mo ngayon at doon nakatira ang babaeng naka-one-night stand mo sa bar noon? At nagkaroon pa pala kayo nga anak," hindi makapaniwalang bulalas ng matalik kong kaibigan na si Alex matapos kong ikuwento sa kanya ang tungkol kina Mavi at Moses. Kadarating pa lamang niya kanina mula sa pagbabakasyon sa ibang bansa kaya ngayon ko lang naikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na Linggo."Yes, Alex. They are living with me now. And my son wants me to marry his mother," sabi ko sa kanya bago ko nilagok ang alak na nasa baso ko."Anong hitsura ng babaeng naka-one-night stand mo, Magnus? Maganda ba siya? Seksi ba? Normal na tao ba siya o katulad natin siyang mga taong lobo?" hindi na pagkagulat ang nakalarawan sa mukha ni Alex kundi excitement. Umandar na naman ang pagiging mahilig nito sa magandang babae.Nagbibilang ng magagandang babae ang best friend ko. Ito ang kanyang hobby na hindi niya magawang kontrolin. Hindi ko nga alam kung
Mavi Pov"And they lived happily ever after," pagtatapos ko sa fairytale na ikinukuwento ko kay Moses. Nag-request kasi siya na basahan ko ulit siya ng kuwento kahit isang beses sa isang Linggo habang hindi pa siya nasasanay.Magmula nang tumira kami ni Moses sa bahay ni Alpha Magnus ay unti-unti kong sinasanay ang anak ko na matulog nang hindi binabasahan ng kuwento bago siya matulog. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako mananatili sa bahay na ito. Kapag ikinasal na sina Sonia at Alpha Magnus ay natitiyak ko na gagawa ng paraan ang babae para mapaalis ako sa bahay na ito. At natitiyak ko rin na hindi magagawa ni Alpha Magnus na basahan ng kuwento bago matulog ang anak ko dahil busy siya sa kanyang kompanya.Kinausap ko rin si Moses na huwag niyang ipagpilitan na pakasalan ako ng kanyang ama dahil may sarili itong buhay. Wala kaming relasyon ng kanyang ama at kaya lamang ako nakatira sa bahay nito ay para alagaan siya. At balang-araw ay aalis din ako. Ngunit hindi naman ako lal
Mavi PovKahit madaling araw na akong nakatulog dahil sa kakaisip sa ginawang paghalik sa akin ni Alpha Magnus ay maaga pa rin akong nagising. Kailangan kong asikasuhin ang pagkain ng anak ko dahil baka pagbintangan pa ako ni Alpha Magnus na hindi ko ginagawa ang trabaho ko.Pagbangon ko sa kama ay deretso agad ako sa banyo at mabilisang naligo. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay hindi sinasadyang dumako ang tingin ko sa aking mga labi. Wala sa loob na hinaplos ng aking hinlalaki ang mga labi. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang mainit at malambot na mga labi ni Alpha Magnus. Magaling at masarap siyang humalik. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko kung gaano siya ka-expert humalik. Akalain mo ba na ang isang katulad niya na seryoso, masungit at parang walang interes sa mga babae ay expert pa lang humalik. Paano mo naman nasabi na wala siyang interes sa mga babae? Hindi ba'y kayo may nangyari sa inyo noon ay dahil nilapitan ka niya at nakipag-flirt sa
Mavi Pov"What have you done, Mavi?" galit na tanong sa akin ni Alpha Magnus, agad niyang binuhat si Sonia at dinala sa sala.Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin bago sumunod sa kanila sa sala."Wala akong kasalanan sa nangyari sa kanya, Alpha Magnus," depensa ko sa aking sarili nang makalapit ako sa kanila."Kunin mo ang first aid kit!" malakas na sigaw niya sa akin, hindi pinansin ang sinabi na para bang wala siyang narinig. "Sinadya niya ang nangyari sa kanya—""I said get the medicine kit!" muling bulyaw ni Alpha Magnus sa akin nang hindi ko sinunod ang ipinag-uutos niya.Nang tingnan ko si Sonia ay nakita kong nakangiti siya sa akin na may halong pang-iinis. Tuwang-tuwa ang mukha niya na kabaliktaran naman ng nararamdaman ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil sa iniipon kong inis kay Sonia at sama ng loob naman kay Alpha Magnus. "Kung gusto mong gamutin siya ay ikaw ang kumuha ng medecine kit!" ganting bulyaw ko kay Alpha Magnus, tumakbo ako paakyat sa hagdan sa halip
Alpha Magnus Pov"What? Pinaalis mo sa bahay mo si Mavi? Paano na ngayon si Moses? Natitiyak ko na malulungkot lamang siya sa pag-alis ng kanyang ina. Mas mahihirapan ka nang mapalapit sa anak mo dahil pinaalis mo ang ina niya," komento ni Alex nang malaman ang ginawa ko.Tanging si Alex lamang ang tunay kong kaibigan na napagsasabihan ko ng aking mga saloobin. Kilala ako ng marami bilang isang matapang at kinakatakutang alpha ngunit sa mata ni Alex ay isa lamang akong normal na tao. Hindi siya natatakot o nangingilag sa akin kaya naman lahat ng problema ko ay tanging siya lamang ang nakakaalam."I have no choice, Alex. Kapag hindi ko siya pinaalis sa bahay ko ay patuloy silang magka-clash ni Sonia sa tuwing magkikita sila. At hindi ko inaasahan na magagawa ni Mavi ang bagay na iyon," sagot ko sa kanya, kinuha ko ang basong may laman na alak sa ibabaw ng mesa at inubos ang laman sa aking bibig."At naniwala ka naman kay Sonia na pinaso siya ni Mavi? Hindi mo naman nasaksihan ang mga p
Mavi Pov"Tama na iyan, Mavi. Hindi ka sanay uminom kaya mabilis kang malalasing sa ginagawa mong iyan," pigil ni Lotlot sa kamay ko nang tangkain kong damputin ang baso ng alak na nasa harapan ko.Nasa loob kami ng bar ngayon dahil inaya ko siyang uminom matapos kong umalis sa bahay ni Alpha Magnus. Ni hindi ko man lang nagawang magpaala sa anak ko na aalis na ako sa bahay ng kanyang ama. Natitiyak kong iiyak siya bukas kapag nalaman niyang wala na ako roon lalo pa at hindi ako nakapagpaalam sa kanya."Ang sakit ng dibdib ko, Lolot. Galit ako. Galit na galit ako pero hindi ko magawang mailabas," sagot ko sa kanya. Marahang binayo ng aking kamay ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay tila nagsisikip ang aking paghinga."Ano ba ang ikinagagalit mo? Dahil pinaalis ka ni Alpha Magnus sa bahay niya o dahil mas pinaniwalaan niya si Sonia kaysa sa'yo?" tanong ni Lolot. Nasa mga mata niya ang pagdududa sa akin."Siyempre dahil pinaalis niya ako sa bahay niya ng ganoon lang," mabilis kong s
Mavi PovAgad akong napabalikwas pagmulat ko ng aking mga mata at nakitang nasa loob ako ng isang kuwarto at nakahiga sa malambot na kama. Ano ang nangyari? Bakit ako nasa loob ng isang kuwarto? Ang inaasahan kong makikita pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa sulok ako at ginawan ng masama ng mga lalaking kumidnap sa akin. Ngunit heto, ligtas ako, intact ang damit ko at wala akong maramdaman na masakit sa katawan na katibayang hinalay ako ng mga lalaking iyon kaya natitiyak kong ligtas na ako. Pero sino naman kaya ang nagligtas sa akin? At nasaan nga pala ang kaibigan ko? Mabilis akong bumaba sa kama at patakbong lumapit sa pintuan para lumabas sa kuwartong kinaroonan ko. Hindi ko pa nahahawakan ang doorknob ay bigla nang bumukas ang pintuan at tumambad sa harapan ko ang lalaking hindi ko gustong makita."Gising ka na pala, Mavi. Nagdala ako ng almusal mo. Kumain ka—""Thanks, but no thanks," mabilis kong sagot sa seryosong mukha. Hindi ko amkakalimutan ang ginawa niyang pagpapalayas
Mavi Pov"Bye, Mavi," nakangiting paalam sa akin ng boss kong si Arthur Salvatore, ang CEO ng Salvatore Real Estate and Developer."Bye, Arthur," sagot ko naman sa kanya bago ako sumakay sa taxi na naghihintay sa akin.One week na akong nagtatrabaho bilang personal assistant ni Arthur at natutuwa ako dahil maayos siyang boss. Kasundo niya halos lahat ng mga empleyado niya at palagi siyang nakangiti. Para bang hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi siya ngingiti. Hindi siya katulad ni Alpha Magnus na parating nakakunot ang noo, seryoso ang mukha at palaging nakasimangot na para bang magugunaw ang mundo kapag ngumiti siya kahit na isang beses man lang.Hindi mahirap ang trabaho ko dahil may secretary naman siya na siyang nag-aasikaso ng mga kailangan niya sa kompanya. Ang trabaho ko lang ay asikasuhin ang mga personal na bagay tungkol sa kanya gaya ng pagtitimpla ng kape at pagsama sa kanya sa mga personal na event na kanyang pinupuntahan. Naghahanap lang yata siya ng companion ka
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i