Mavi Pov"Bye, Mavi," nakangiting paalam sa akin ng boss kong si Arthur Salvatore, ang CEO ng Salvatore Real Estate and Developer."Bye, Arthur," sagot ko naman sa kanya bago ako sumakay sa taxi na naghihintay sa akin.One week na akong nagtatrabaho bilang personal assistant ni Arthur at natutuwa ako dahil maayos siyang boss. Kasundo niya halos lahat ng mga empleyado niya at palagi siyang nakangiti. Para bang hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi siya ngingiti. Hindi siya katulad ni Alpha Magnus na parating nakakunot ang noo, seryoso ang mukha at palaging nakasimangot na para bang magugunaw ang mundo kapag ngumiti siya kahit na isang beses man lang.Hindi mahirap ang trabaho ko dahil may secretary naman siya na siyang nag-aasikaso ng mga kailangan niya sa kompanya. Ang trabaho ko lang ay asikasuhin ang mga personal na bagay tungkol sa kanya gaya ng pagtitimpla ng kape at pagsama sa kanya sa mga personal na event na kanyang pinupuntahan. Naghahanap lang yata siya ng companion ka
Alpha Magnus PovMahigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang nakatingin sa private room sa bar na pinasukan ni Mavi kasama ang kaibigan niyang si Lotlot at dalawang lalaki na hindi ko kilala. These past few days ay nalaman ko mula kay David na nagtatrabaho na si Mavi kay Arthur Salvatore bilang personal assistant nito. Palaging magkasama ang dalawa kaya kahit paano ay panatag ang loob ko na hindi siya basta-basta malalapitan ni Alpha Abner. Kilala ko si Arthur Salvatore dahil ilang beses ko na siyang na-meet sa mga event na pareho naming dinadaluhan. At nakikita ko na palagi siyang may mga kasamang bodyguard kaya magda-dalawang isip si Alpha Abner na ulitin ang masamang binabalak kay Mavi.Ayokong tuluyang mamuhi sa akin si Moses kapag may masamang mangyari sa kanyang ina dahil sa ginawa kong pagpapaalis sa kanya sa bahay ko. Ngayon nga ay hindi ako masyadong kinikibo ng anak ko dahil nalaman niyang wala na sa bahay ko si Mavi. Kaya kong i-handle ang mahihirap na bagay o sist
Sonia Pov"Cheers!" nakangiting sabi ko sa kaibigan kong si Lenny, itinaas ko sa ere ang hawak kong baso na may laman na red wine. Nakangiti ring ginaya naman ni Lenny ang ginawa ko bago sabay naming ininom ang red wine sa baso namin.Nasa loob kami ngayon sa aking silid sa bahay ni Alpha Magnus at maagang nagsi-celebrate sa tagumpay ng aking plano. Alam ko na nakikipag-blind date ngayon sina Mavi at Lotlot dahil malapit na kamag-anak ko si Ben at nabanggit niya ang tungkol sa blind date nila sa dalawang babae na parehong kinaiinisan namin ni Lenny. Naiinis ako kay Mavi dahil inaagaw niya sa akin si Alpha Magnus samantalang inis din si Lenny kay Lotlot dahil ex-girlfriend ito ni Alex na gusto naman ng kaibigan ko. Nang malaman ko na makikipag-blind date sina Mavi at Lotlot kay Ben at sa kaibigan nitong si Ted ay kinausap ko silang dalawa. Inalok ko sila ng malaking pera kapalit ng pakikipagtalik nila sa dalawang babaeng iyon. Malakas ang loob ko na alukin sila dahil alam ko na hindi
Mavi PovNagising ako sa loob ng isang pamilyar na kuwarto. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa bahay ako ni Alex dahil natatandaan kong ito rin ang kuwarto kung saan ako dinala ni Alpha Magnus noong iniligtas niya kami ni Lotlot sa tatlong lalaking nagtangkang kumidnap sa amin. Naalala ko ang nangyari sa blind date namin ni Lotlot kina Ted at Ben. Hindi ko napigilan ang pag-ahon ng galit sa aking dibdib sa ginawa ni Ben sa akin. Hindi ko akalain na masama pala siyang tao. At kung hindi dumating si Alpha Magnus ay natitiyak kong nagtagumpay na siya sa maitim niyang binabalak sa akin. Ayaw ko mang mangyari ngunit nadagdagan ang utang na loob ko kay Alpha Magnus. Bumaba ako sa kama para lumabas ng silid ngunit pagtayo ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napaupo ako sa gilid ng kama. Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok si Alpha Magnus kasunod ang kaibigan ko na patakbong lumapit at yumakap sa akin."Mavi, I'm sorry. Hindi ko ini-expect na mga walang hiya pala ang dalawang
Mavi PovTatlong beses akong pinaikot ni Lotlot sa kanyang harapan. Suot ko kasi ang evening gown na binili ni Arthur para sa akin. "You're so beautiful, my friend," humahangang pumalakpak siya. "Ikot ka pa nga ulit.""Hindi ka pa nakakasipat ng mabuti sa suot kong damit? Tatlong beses na akong umikot sa harapan mo at nahihilo na ako. Baka sa halip na party ang puntahan ko ay sa ospital ako mapunta," naiiling na biro ko sa kanya "Napakaganda mo kasi, Mavi. Bagay na bagay sa'yo ang suot mong damit na para bang ipinasadya para lamang sa'yo," hindi napigilang komento ni Lotlot.Ang totoo, maging ako ay humanga rin hindi lamang sa suot kong damit kundi pati na rin sa kinalabasan ng hitsura ko. Si Lotlot ang nag-ayos sa akin at manipis lang na makeup ang ini-apply niya sa mukha ko ngunit mas lumutang ang angkin kong kagandahan.Ang gown na suot ko naman ay nakakamangha ang design at kulay. Matingkad na red orange ang gown na para bang kulay ng lava ng sumasabog na bulkan. Malambot ang te
Mavi PovDinig na dinig ko ang malakas na pintig ng aking puso habang magkasayaw kami ni Alpha Magnus. Nangangamba ako na baka marinig niya ang malakas na pintig ng aking puso dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.Hindi ko siya nagawang tanggihan dahil magiging bastos ako sa mata ng marami kapag ginawa ko iyon. At saka si Arthur na mismo ang nagsabi na pagbigyan ko si Alpha Magnus na makasayaw ako kaya wala akong choice kundi ang makipagsayaw sa kanya sa kabila ng matatalas na mga titig ni Sonia sa akin habang nakatayo ito sa isang sulok at nakatingin sa amin."You're very beautiful, Mavi," puri sa akin ni Alpha Magnus habang inaalis ang nakakatunaw nitong titig sa mukha ko."I know," maikli kong tugon. Pinilit kong huwag salubungin ang kanyang titig kahit na mahirap itong gawin dahil magkaharap lamang kami."Sinabihan ka rin ba ni Arthur na maganda ka ngayong gabi?" tanong niya sa akin. Parang may nahihimigan akong galit at selos sa kanyang boses ngunit mabilis ko rin inalis sa
Alpha Magnus Pov"Bakit hindi mo siya pinarushan, Alpha Magnus? Bakit hinayaan mo na makaalis si Mavi nang hindi man lang ako naigaganti sa ginawa niyang pamamahiya sa akin?" Nasa loob na kami ng kotse ko at nagbibiyahe pauwi sa bahay niya ay hindi pa rin tumitigil sa pagbubusa si Sonia. Hindi nito matanggap na wala akong ginawa para gantihan si Mavi sa ginawa nito sa kanya. Kung ibang babae ang gumawa niyon kay Sonia y tiyak na makakatikim ng ganti mula sa akin. Ngunit hindi ko iyon gagawin kay Mavi. Galit na galit si Mavi sa akin at hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko sa kany para mawala ang galit niya."Puwede bang tumahimik ka, Sonia? Sumasakit ang ulo ko sa'yo," inis na sita ko sa kanya."At sa akin ka pa galit ngayon, Alpha Magnus? Ni hindi ka nga nagalit sa kany noong sinampal ka niya sa harapan ng maraming tao! Nasaan na ang matapang at ruthless na Alpha Magnus na kilala ko? Bakit—""I said shut up!!!" malakas ang boses na sigaw ko sa kanya nng hindi na ako mak
Mavi Pov"Mavi, wake up!" Hinawakan ni Lotlot ang balikat ko at malakas na niyugyog para magising ako. "Uuhh," Tanging mahinang ungol lamang ang isinagot ko sa kanya.Antok na antok pa kasi ang pakiramdam ko dahil madaling araw na ako inihatid kagabi ni Arthur. Galing kami sa Baguio for his business purposes at mdaling araw na kami nakabalik ng siyudad. At dahil nakapagsara siya ng malaking business deal kaya binigyan niya ako ng tatlong araw na day off para makapagpahinga ako at mabawi ko ang aking lakas sa ilang araw naming pagpupuyat sa pagbuo ng business plan na ipi-present niya sa client na nagbunga naman ng maganda."Gumising ka na at may naghihintay sa'yo sa sala," narinig kong sabi ni Lotlot. Ngunit mas nanaig ang antok kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang kanyang sinabi. Kinuha ko ang unan ko sa aking tagiliran at itinakip ko pa sa aking mukha."Mommy!!! Gising na!!!" Ang malakas na tinig na iyon ng isang bata ang biglang nagpawala sa antok na nararamdaman ko. Bigla akon
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i