Mavi Pov"Mavi, wake up!" Hinawakan ni Lotlot ang balikat ko at malakas na niyugyog para magising ako. "Uuhh," Tanging mahinang ungol lamang ang isinagot ko sa kanya.Antok na antok pa kasi ang pakiramdam ko dahil madaling araw na ako inihatid kagabi ni Arthur. Galing kami sa Baguio for his business purposes at mdaling araw na kami nakabalik ng siyudad. At dahil nakapagsara siya ng malaking business deal kaya binigyan niya ako ng tatlong araw na day off para makapagpahinga ako at mabawi ko ang aking lakas sa ilang araw naming pagpupuyat sa pagbuo ng business plan na ipi-present niya sa client na nagbunga naman ng maganda."Gumising ka na at may naghihintay sa'yo sa sala," narinig kong sabi ni Lotlot. Ngunit mas nanaig ang antok kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang kanyang sinabi. Kinuha ko ang unan ko sa aking tagiliran at itinakip ko pa sa aking mukha."Mommy!!! Gising na!!!" Ang malakas na tinig na iyon ng isang bata ang biglang nagpawala sa antok na nararamdaman ko. Bigla akon
Mavi PovSa loob ng isang malaking mall kami dinala ni Alpha Magnus. Agad na nagyaya naman si Moses sa toy store para magpabili ng mga laruan. Pagkatapos ay nanuod kami ng sine. Kung titingnan ng kahit na sino ay isa kaming happy family. Pansamantalang nakalimutan ko ang galit ko kay Alpha Magnus at hinayaan kong mag-enjoy ang anak ko kasama ang kanyang ama na pinanabikan din niyang makilala."Mom. I'm hungry," sabi ni Moses habang naglalakad kami palabas ng sinehan. Katatapos pa lamang kasi ng movie na pinanuod namin."Siyempre, kakain tayo sa isang restaurant na masarap ang pagkain," ani Alpha Magnus na siyang sumagot kay Moses. Masayang pumalakpak naman ang anak ko habang ako ay tahimik lamang. Tanging silang dalawa lang kasi ang madalas na nag-uusap at nagsasalita lamang ako kapag ako mismo ang kinakausap ng anak ko.Sa isang Japanese restaurant kami dinala ni Alpha Magnus para kumain ng lunch. Pagpasok namin ay nakangiting sinalubong kami ng isang waitress."Sir. Ma'am. May promo
Mavi PovDahil tulog naman na si Moses ay nagpasya akong huwag nang pumasok sa loob ng bahay ni Alpha Magnus. Hindi na niya ako kailangan pang ihatid sa bahay ng kaibigan ko dahil magta-taxi na lamang ako pauwi."Wait for me, Mavi. Iaakyat ko lang sa kuwarto niya si Moses pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi sa bahay ni Lotlot," kausap sa akin ni Alpha Magnus bago maglakad palapit sa pintuan. "No need to send me home. Kaya ko namang umuwi nang mag-isa," agad kong sagot para hindi na siya mag-abala pang bumalik sa labas."No. I will send you home so wait for me and that's final," mariing sagot niya sa akin bago tuluyang pumasok sa pintuan kung saan naroon si Dayay at siyang nagbukas ng pintuan."Mabuti naman at bumisita ka rito, Mavi. Kailan ka ba babalik dito?" tanong sa akin ni Dayay nang lapitan niya ako.Bahagy akong ngumiti at napailing. "Sumama lamang ako sa paghahatid sa anak ko pagkatapos ay uuwi na rin ako sa bahay ng kaibigan ko. Hindi na ako babalik pa rito, Dayay." "Sayan
Mavi PovAko ang kinakabahan sa pagtatagisan ng titig nina Arthur at Alpha Magnus. Walang sinuman sa kanila ang gustong magpatalo. Humanga ako sa tapang ni Arthur na kalabanin si Alpha Magnus dahil kung ibang lalaki ang kaharap nang huli ay tiyak na umurong na. Masyado kasing nakaka-intimidate ang tindig at titig ni Alpha Magnus. Ngunit tila hindi apektado si Arthur sa malakas na aura ng lalaking kaharap nito at hindi ito nakakaramdam ng takot dito."Puwede bang tumigil na kayong dalawa? Gusto niyo bang hatiin ang katawan ko para pareho niyo akong kasama?" galit na tanong ko sa kanila matapos pareho kong inalis ang kanilang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa dalawa kong braso. Ako kasi ang nasasaktan sa ginagawa nilang paghihilahan sa braso ko."Let's go, Mavi. Ihahatid na kita papunta sa bahay ni Lotlot," seryoso pa rin ang mukha na wika ni Alpha Magnus at muli niyang hinawakan ang kamay ko. Ngunit mabilis kong inalis ang kamay niya at lumapit ako kay Arthur."Bumalik ka na sa bah
Mavi Pov"Ang ganda ng babaeng kinidnap natin, Rico. Ang suwerte natin dahil makakatikim tayo ngayon ng masarap na putahe.""Tama ka, Edgar. Gusto ko na ngang tikman ang katawan ng babaeng iyan pero bakit ayaw mo pa akong payagan? Baka matakasan pa niya tayo," sagot naman ng lalaking tinawag na Edgar."Gusto ko siyang tikman habang gising siya para manlaban siya at para may thrill," sagot nito pagkatapos ay tumawa ito ng malakas.Dinig na dinig ko ang usapan ng dalawang lalaki mula sa kinaroroonan ko. Wala silang kaalam-alam na gising na ako at nagtutulog-tulugan na lamang. "Hindi na ba natin hihintayin si Aldo bago natin tikman ang babaeng iyan?" narinig kong tanong ng lalaki sa kasama nito."Kapag nagising ang babae na wala pa si Aldo ay hindi na natin siya hihintayin. Baka hindi ganahan ngayon ang taong iyon na tumikim ng babae dahil pagbalik niya ay tiyak hawak na niya ang bayad sa atin sa pagdukot sa babaeng iyan," sagot naman ng isa pang lalaki bago sabay silang nagkatawanan.
Mavi PovNapatulala na lamang ako nang unti-unting bumalik sa pagiging tao ang katawan ni Alpha Magnus. At walang kahit anong saplot sa katawan. Gusto ko mang ipikit o ibaling sa ibang direksiyon ang aking paningin ay tila naman nakapagkit na sa kanya ang aking mga mata. Napakaganda ng kanyang katawan. Malapad ang kanyang dibdib at mamasel ang kanyang mga braso at hita. At kanyang...ohh...hindi ko kayang ilarawan ang nagmamalaki niyang sandata. Nakakatawang isipin na sa kabila ng panganib at muntikan ko nang pagkapahamak sa kamay ng mga kidnapers ay nakuha ko pang humanga sa magandang tanawin sa aking harapan. Ni hindi ko nga makuhang kumurap dahil nag-aalala ako na baka bigla siyang maglaho sa harapan ko at nananaginip lang pala ako.Tila wala namang pakialam si Alpha Magnus kung nakabuyangyang ang kanyang kahubaran sa aking mga mata. Mabilis nitong nilapitan ang isa sa tatlong kidnaper na nakahiga sa damuhan at hindi gumagalaw pagkatapos ay hinubaran ito ng t-shirt at pantalon at
Mavi Pov"Ouch! Can you do it gently? Ang sakit kaya," hindi napigilang reklamo ko nang bahagyang idiniin ni Alpha Magnus sa aking sugat ang bulak na may alcohol. Sa loob ng dati kong silid ako dinala ni Alpha Magnus. Mabuti na lang at tulog si Moses kaya hindi niya nakita ang hitsura ko. Kung nagkataong gising siya at nakita niyang marami akong sugat sa katawan ay natitiyak ko na mag-aalala siya sa akin. At ayokong mangyari iyon. Baka ipilit pa niyang tumira ulit ako sa bahay ng kanyang ama. Mas lalo lamang magagalit sa akin si Sonia kapag nakita niyang sa bahay ng kanyang future husband ulit ako nakatira."Kung ako sana ang pinili mo ay hindi ka makakaramdam ngayon ng sakit," nakasimangot ang mukha na sagot niya sa akin. "Ayokong mas lalong magalit sa akin ang future wife mo kaya kay Arthur ako nagpahatid," sagot ko sa kanya. Ewan ko kung bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya pero pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag sa kanya."Ngunit nakaalis na siya bago pa kita sundan.
Mavi PovPaglabas ko sa aking silid ay nagulat ako nang makita kong nakaupo sa sofa sina Moses at Alpha Magnus. Nakangiti sa akin si Moses samantalang seryoso naman ang mukha ng huli. Well, ano nga ba ang aasahan ko sa expression niya? Hindi na ako nasanay. Mas magtataka pa ako kung makikita ko siyang nakangiti habang naghihintay sa akin. Pero ano nga ba ang ginagawa nila rito?"Mommy! I missed you!" Tumayo si Moses at tumakbo palapit sa akin at yumakap ng mahigpit."Mom missed you too, Moses. Pero ano ang ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanya nang kumawala siya sa pagkakayakap sa akin.Tumingin muna si Moses sa kanyang ama at ngumiti bago sinagot ang tanong ko. "Dad and I want to invite you to my school, Mom. Family day sa school namin at kailangan present daw ang parents sabi ng teacher ko. So we came here para sunduin ka.""Ha?" nagulat kong reaksiyon. May lakad pa naman kami ni Arthur ngayon at ilang minuto na lang ay siguradong darating na siya. Niyaya niya kasi akong lumabas d