Mavi Pov"Hey! Mavi, are you with me?" Nagulat ako nang malakas na ipinitik ni Arthur ang kanyang dalawang daliri sa harap ng mukha ko. Nasa loob kami ng meeting room para sa monthly meeting ng buong team niya. Nasa loob nga ako ng meeting room ngunit wala naman dito ang aking isip. Naroon at naglalakbay sa taong walang kasiguraduhan kung magiging maligaya ba ako sa kanya."Yes, Sir Arthur?" nagulat na tanong ko sa kanya. Sir Arthur ang tawag ko sa kanya dahil may mga kaharap kaming ibang tao. Ngunit mas nagulat ako nang makita kong walang nang tao sa loob ng meeting room maliban sa aming dalawa. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang natapos na pala ang meeting at naglabasan na pala sa meeting room ang mga empleyado ng kompanya na um-attend sa meeting."What's in your mind, Mavi? Ilang araw ko nang napapansin na parang wala ka sa sarili. Laging malalim ang iniisip mo. May problema ka ba?" hindi napigilang tanong niya sa akin sa tonong may halong concern."I'm sorry, Arthur. In
Mavi PovNagsisikip ang dibdib ko habang palihim na tinitingnan ang sweet na pag-aasikaso ni Alpha Magnus sa babaeng katabi ko na Karen pala ang pangalan at kapatid ng kaibigan ni Arthur. Nabo-bored daw sa bahay si Karen kaya isinama na lamang ito sa gathering ni Alden, ang kaibigan ng boss ko. Tiyak na hindi na siya nabo-bored ngayon dahil kilig na kilig siya habang inaasikaso ni Alpha Magnus ang kanyang pagkain.Palihim na huminga na lamang ako ng malalim para maibsan ang pagsisikip ng aking dibdib. Dahil hindi ko naman kilala ang mga kaibigan ni Arthur kaya hindi ako nakisali sa usapan nila. Tahimik lamang akong kumain at nakikitawa kapag may nakakatawa sa pinag-uusapan nila. Ngunit nagsasalita rin ako minsan, iyon nga lang, kapag kinakausap lamang nila ako."By the way, Alpha Magnus, nabalitaan namin na hiwalay na kayo ng chosen mate mo. So, may nahanap ka na bang bagong chosen mate mo?" biglang tanong ng kaibigan ni Arthur na Edwin ang pangalan.Kunwari ay hindi ako interesado sa
Mavi PovBahagya akong napaatras nang makita ko ang nakangising mukha ni Alpha Abner sa aking likuran. Malas yata ako ngayong gabi. Hindi pa nga ako nakakapag-move on sa nakita kong eksena sa pagitan nina Alpha Magnus at Karen ay heto naman sa harapan ko ang taong pinaka-hate ko sa buong mundo."Kumusta ka na, Mavi? Namis mo ba ako?" Nakangising tanong niya sa akin. Labas ang mga ngipin niya dahil sa ginawa niyang pagngiti sa akin kaya nakita ko tuloy ang kulay brown niyang mga ngipin na para bang katatapos pa lamang kumain ng atay ng manok. Ewan ko ba kung bakit hindi ito nagpapalinis ng ngipin gayong mayaman na siya. Nakaka-turn off ang ngipin niya kaya kahit ang makipag-usap sa kanya ay hindi ko nais na gawin."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Pasimpleng inilibot ko ang paningin ko sa paligid para alamin kung may tao bang malapit sa akin na puwede kong mahingan ng tulong sakaling tangkain ni Alpha Abner na gawan ako ng masama. Ngunit mukhang nakikiayon sa kanya ang pali
Mavi Pov"I will miss you, my friend. Kapag mainis ka ulit sa lalaking iyan ay bumalik ka lamang dito. Alam mo naman na palaging bukas ang pintuan ng bahay ko para sa'yo," sabi ni Lotlot nang ihatid niya ako hanggang sa labas ng kanyang bahay.Pagkatapos akong iligtas ni Alpha Magnus sa kamay ni Alpha Abner ay agad niya akong dinala sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ako ng pain reliever dahil sobrang sakit ng bahagi ng tiyan ko na tinamaan ng kamao ng huli. Nang tumalab ang pain reliever ay nawala ang sakit at nakatulog ako habang nakahiga sa hospital bed. At hindi umalis sa tabi ko si Alpha Magnus. Talagang hinintay niya akong magising bago niya ako sinamahan pabalik sa bahay ng kaibigan ko para kuhanin ang mga gamit ko Hindi kasi siya pumayag na hindi ako muling titira sa bahay niya. Pagod na akong makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siya kung ano ang gusto niyang mangyari. Ngunit porke't iniligtas niya ako mula kay Alpha Magnus at dahil pumayag akong bumalik sa
Mavi Pov"Hindi ka ba marunong kumatok?" kunwari ay inis na tanong ko kay Alpha Magnus para mapagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman ko. Pinagkrus ko sa gitna ng aking dibdib ang mga braso ko dahil sumusungaw ang aking cleavage. Hindi sa pagmamayabang, medyo pinagpala kasi ako sa hinaharap. Kung ang breast ni Karen ay papaya ang akin naman ay langka.Sa halip na lumabas ng aking silid ay lumapit sa akin si Alpha Magnus. Inilang hakbang lamang niya ang pagitan namin at nasa harapan ko na agad siya. At hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Bigla niyang hinawakan ang hugpungan ng towel at hiniklas ito palayo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakapagreact agad dahil sa magkahalong gulat at pagkapahiya."You don't need this," paanas ang boses na wika niya sa akin bago ipinalibot sa aking baywang ang isa niyang kamay. Hinila niya ako palapit sa kanya at mariing inaangkin ang aking mga labi.Sa umpisa ay nanatili lamang akong parang tuod habang ginagalugad niya ang loob ng aking
Mavi PovKanina pa ako pabalik-balik na naglalakad sa sala. Tayo tapos maglalakad at pag napagod ay uupo. Ilang oras na ganyan lamang ang ginagawa ko. Hindi kasi mapapalagay ng loob ko hangga't hindi pa bumabalik si Alpha Magnus. Hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang resulta ng kanilang meeting.Wala akong pasok sa trabaho kaya hindi ako umalis ng bahay at matiyaga kong hinihintay ang pag-uwi ni Alpha Magnus. Alam kong wala akong karapatan na magalit at masaktan sa magiging resulta ng kanilang meeting dahil tinanggihan ko siya. Ako ang tumanggi sa pag-ibig niya kaya at nakasakit sa damdamin niya. But I am just a person with a heart. Marunong din akong matakot, mag-alala at masaktan."Are you waiting for my dad, Mom?" tanong ni Moses nang lapitan niya ako. Siguro ay napansin niya ang ikinikilos ko kaya hindi na siya nakatiis at nilapitan ako."No, Moses. Bakit ko naman hihintayin ang dad mo?" Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at iginiya siya paupo sa sofa.
Mavi Pov"Tulala ka na naman, Mavi. Masyado ka bang na-shock sa ginawa kong pagtatapat ng pag-ibig ko sa'yo?" kausap ni Arthur sa akin. Nasa loob kami ngayon ng isang Chinese restaurant at naghihintay na lapitan kami ng waiter para i-assist sa ooderin naming pagkain.Pagkatapos kong ipaalam sa akin ni Alpha Magnus ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sonia ay hindi pa ulit kami nakakapag-usap. Iniwasan ko na kasi na magkita kami sa loob ng bahay niya at pilit akong namuhay ng normal. Na para bang wala akong nalaman na masamang balita.Sinabi ko kay Lotlot ang ibinalita sa akin ni Alpha Magnus habang umiinom kami ng alak sa bahay niya. Niyaya ko siyang uminom ngunit sa bahay lamang niya para kahit na malasing kami ay puwede kaming matulog kahit sa lapag.Gusto ni Lotlot na bumalik ako sa bahay niya at doon na ulit tumira ngunit tumanggi ako. Ngayong sa bahay na ni Alpha Magnus nakatira si Sonia ay nag-aalala ako na baka matratuhin niya ang anak ko. Kahit anong gawin ko kasi ay hindi pa
Mavi Pov"Salamat sa masarap na dinner, Arthur," nakangiting wika ko sa kanya pagkababa ko sa kotse niya. Sa una ay tumanggi akong magpahatid sa kanya sa bahay ni Alpha Magnus ngunit hindi siya pumayag na umuwi akong mag-isa kaya hinayaan ko na lamang siya at hindi na ako nakipagtalo pa. "I'm happy na nag-enjoy ka sa dinner natin, Mavi. Sana maulit pa ito. At sana ay pag-isipan mo rin ang ipinagtapat ko sa'yo," sagot ni Arthur habang nakatitig ng matiim sa aking mukha. Bahagya lamang akong ngumiti sa kanya. Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi dahil hindi ko na kailangan pang pag-isipan pa ang tungkol sa ipinagtapat niyang damdamin pra sa akin. Alam ko kasi sa aking sarili na tanging pagtinging kaibigan lamang ang maaari kong maramdaman para sa kanya. Hindi ko siya matututunang mahalin lalo pa at sigurado ako sa aking sarili kung sino ang taong mahal ko. Hindi ko magawang sabihin kay Arthur na hindi mababago ang nararamdaman ng puso ko kaya hindi ko na kailangan pang pag-isipan ang
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i