Mavi Pov"Salamat sa masarap na dinner, Arthur," nakangiting wika ko sa kanya pagkababa ko sa kotse niya. Sa una ay tumanggi akong magpahatid sa kanya sa bahay ni Alpha Magnus ngunit hindi siya pumayag na umuwi akong mag-isa kaya hinayaan ko na lamang siya at hindi na ako nakipagtalo pa. "I'm happy na nag-enjoy ka sa dinner natin, Mavi. Sana maulit pa ito. At sana ay pag-isipan mo rin ang ipinagtapat ko sa'yo," sagot ni Arthur habang nakatitig ng matiim sa aking mukha. Bahagya lamang akong ngumiti sa kanya. Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi dahil hindi ko na kailangan pang pag-isipan pa ang tungkol sa ipinagtapat niyang damdamin pra sa akin. Alam ko kasi sa aking sarili na tanging pagtinging kaibigan lamang ang maaari kong maramdaman para sa kanya. Hindi ko siya matututunang mahalin lalo pa at sigurado ako sa aking sarili kung sino ang taong mahal ko. Hindi ko magawang sabihin kay Arthur na hindi mababago ang nararamdaman ng puso ko kaya hindi ko na kailangan pang pag-isipan ang
Mavi PovMaaga akong nagising kaya bumangon na ako sa kama at bumalik sa kuwarto ko. Naligo muna ako bago ako nagpasyang bumaba para magkape. Pababa na ako sa hagdan nang biglang naalala ko ang jacket ni Arthur na isinuot niya sa akin kagabi habang nasa loob kami ng kanyang kotse. Saglit akong nag-isip kung saan ko ba nailagay ang jacket ni Arthur pagdating ko kagabi. Biglang bumalik sa aking isip ang nangyari kagabi. Hindi ko pala hinubad ang jacket at sa halip ay nakalimutan kong suot ko pa iyon. Siguro nang tumalon papunta sa akin si Moses at napaupo ako sa sofa ay saka iyon nalaglag. Bumaba na ako sa hagdan at dumiretso sa sala para kuhanin ang jacket ni Arthur. Lalabhan ko muna iyon bago ibalik sa kanya. Ngunit pagdating ko sa sala ay hindi ko nakita sa sofa ang jacket ni Arthur."Chel? Chel?" tawag ko sa katulong ni Alpha Magnus."Bakit, Mavi?" Humahangos na lumapit sa akin si Chel. Siguro ay naglilinis ito dahil may hawak pa itong basahan sa kamay nito."Napansin mo ba ang ja
Mavi PovNaghahanda na akong matulog nang biglang may kumatok sa aking silid. Dinampot ko muna ang aking bathrobe at ipinatong sa suot kong manipis na pantulog bago ko binuksan ang pintuan. Agad akong napasimangot nang makita kong si Sonia ang nasa labas ng aking silid at siyang kumatok sa pintuan. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon? Inis na tanong ko sa aking isip."Nagkamali kaya yata ng kinatok na pintuan, Sonia? Hindi ito ang kuwarto ni Alpha Magnus," mariin ang boses na kausap ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pananakit sa anak ko.Akmang isasarado ko na ang pintuan nang bigla iyong pigilan ni Sonia. "Sandali lang, Mavi. Ikaw talaga ang sadya ko at hindi si Alpha Magnus. Alam ko naman kung nasaan ang silid niya dahil madalas doon ako natutulog."Tumaas ang isang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. Obvious namang gusto niyang ipaalam sa akin na may nangyaring intimate sa pagitan niya at ni Alpha Magnus. "Anong sadya mo sa akin?" se
Mavi Pov"Ano? Nagkaharap kayo ng ama at kapatid mo? Nakilala ka ba nila? Ano ang sabi nila sa'yo?" sunud-sunod na tanong ni Lotlot matapos marinig ang aking kuwento. Pagkatapos ng office hours ay pinuntahan ko siya sa bahay nila at ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa hindi sinasadyang pagkikita namin ng aking ama at kapatid. Gusto sana akong ihatid ni Arthur pauwi sa bahay ni Alpha Magnus ngunit tinanggihan ko ang alok niya."Of course, hindi nila ako nakilala dahil iba ang mukha ko ngayon. Pero kahit na iba ang mukha ko at siguradong hindi nila ako makikilala ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kaba habang kaharap sila," paliwanag ko sa kanya, pagkatapos ay biglang lumungkot ang aking mukha. "I also missed them. Kahit na madalas akong inaaway ni Mayer ay kapatid ko pa rin siya at namimis ko na rin siya."Humugot ng malalim na hininga si Lotlot bago muling magsalita. "So ano ang gusto mong mangyari ngayon, Mavi? Gusto mo bang ibalik ko ang dati mong mukha? Ngunit tandaan
Mavi PovHindi agad ako nakahuma sa ginawang paghalik sa akin ni Alpha Magnus. Hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya iyon. Hindi ba siya nag-aalala na baka makita ni Sonia na hinahalikan niya ako?Nang sa wakas ay nakabawi na ako sa pagkabigla ay itinulak ko siya ng malakas."What the hell are you doing, Alpha Magnus?!" galit na sita ko sa kanya. Akmang tatalikuran ko na siya ngunit muli lamang niya akong hinila at kinabig pagkatapos ay muling inangkin ng mariin ang aking mga labi.Nagpumiglas ako at pilit na kumawala sa pagkakayakap niya sa akin ngunit parang bakal ang mga braso niyang nakapalibot sa aking baywang. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ko magawang makakawala sa kanya.Huminto ako sa aking pagpupumiglas at hinayaan siyang isipin na sumuko na ako. Plano kong itulak siya ng malakas kapag maramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin. Ngunit ang plano kong iyon ay hindi nangyari dahil unti-unti nag-init ang aking buong katawan. Biglang nabuhay ang ap
Mavi PovTahimik na sumisimsim ako ng alak habang nakatayo sa gilid ng swimming pool. Napakatahimik ng gabi at perfect para sa mga taong katulad ko na nagmumuni-muni na. Wala sina Alpha Magnus at Sonia, day off naman ng dalawang katulong kaya si Chel, Moses, at ako lamang ang tao sa bahay ngayon.Pagkatapos ng namagitan sa amin ni Alpha Magnus ay lumayo na siya sa akin. Minsan na lamang niya ako kausapin at iyon ay tungkol lamang kay Moses. Parang walang nangyari sa pagitan namin kung siya ay umakto. Alam ko na wala akong karapatan na masaktan dahil ako naman ang nagsabi sa kanya na kalimutan na lamang ang nangyari sa amin, ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan."Mom? Why are you drinking alone? Are you sad, Mom?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Moses sa aking likuran. Masyado yatang malalim ang aking iniisip kaya hindi ko namalayan ang kanyang paglapit."Of course not, Moses. Hindi pa ako inaantok kaya naisipan kong uminom ng alak para mabilis akong makatulog." Baha
Mavi PovPagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Nasa tagiliran ko si Alpha Magnus at nakahawak sa isa kong kamay habang nakapikit ang mga mata. Mukhang nakatulog na ito sa pagbabantay sa akin."Alpha Magnus," mahina ang boses na tawag ko sa kanya. Bahagya kong inalog ang kamay kong hawak niya. Agad namang nagising si Alpha Magnus at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko."How are you, Mavi? Are you okay now? What happened? Nadulas ka ba sa swimming pool nang malasing ka kaya ka nahulog sa tubig?" magkakasunod na tanong niya sa akin. "Alam mo ba kung nahuli pa ako ng ilang minuto ay tiyak na patay ka na ngayon?" Bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Biglang naging gentle ang kanyang boses kaya medyo nailang ako. Mas sanay kasi ako na matigas ang kanyang tono kapag kinakausap niya ako."Masakit ang lalamunan ko," reklamo ko sa kanya. Bahagyang namamalat din ang aking boses. Siguro dahil nakainom ako ng maraming tubig."Al
Mavi PovPagkatapos kong magtimpla ng kape ay lumabas ako at dinala ang cup ko. Balak kong higupin ang tinimpla kong kape sa tabi ng swimming pool. It's been a week since that incident happened at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magtungo ulit sa swimming pool area. Kahit kasi isang Linggo na ang nakalipas nang mangyari ang muntik ko nang pagkalunod ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. Ngunit ayokong mangibabaw sa puso ko ang takot dahil baka hindi na ulit ako lumapit sa swimming pool at maligo. Gustong-gusto pa naman ni Moses ang magbabad sa swimming pool.Pagdating ko sa swimming pool ay nakita ko si Sonia na tila nagi-enjoyna maligong mag-isa sa tubig. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako. "Good morning, Mavi. Come and join me. Malamig ang tubig," pang-eenganyo niya sa akin. Ewan kung napa-praning lamang ako ngunit ang dinig ko sa tono ng kanyang boses ay tila may halong pang-iinis. "No, thanks. Kakagising ko lamang at nagkakape pa lamang ako," mabilis kong sagot
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i