Mavi PovPagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Nasa tagiliran ko si Alpha Magnus at nakahawak sa isa kong kamay habang nakapikit ang mga mata. Mukhang nakatulog na ito sa pagbabantay sa akin."Alpha Magnus," mahina ang boses na tawag ko sa kanya. Bahagya kong inalog ang kamay kong hawak niya. Agad namang nagising si Alpha Magnus at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko."How are you, Mavi? Are you okay now? What happened? Nadulas ka ba sa swimming pool nang malasing ka kaya ka nahulog sa tubig?" magkakasunod na tanong niya sa akin. "Alam mo ba kung nahuli pa ako ng ilang minuto ay tiyak na patay ka na ngayon?" Bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Biglang naging gentle ang kanyang boses kaya medyo nailang ako. Mas sanay kasi ako na matigas ang kanyang tono kapag kinakausap niya ako."Masakit ang lalamunan ko," reklamo ko sa kanya. Bahagyang namamalat din ang aking boses. Siguro dahil nakainom ako ng maraming tubig."Al
Mavi PovPagkatapos kong magtimpla ng kape ay lumabas ako at dinala ang cup ko. Balak kong higupin ang tinimpla kong kape sa tabi ng swimming pool. It's been a week since that incident happened at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magtungo ulit sa swimming pool area. Kahit kasi isang Linggo na ang nakalipas nang mangyari ang muntik ko nang pagkalunod ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. Ngunit ayokong mangibabaw sa puso ko ang takot dahil baka hindi na ulit ako lumapit sa swimming pool at maligo. Gustong-gusto pa naman ni Moses ang magbabad sa swimming pool.Pagdating ko sa swimming pool ay nakita ko si Sonia na tila nagi-enjoyna maligong mag-isa sa tubig. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako. "Good morning, Mavi. Come and join me. Malamig ang tubig," pang-eenganyo niya sa akin. Ewan kung napa-praning lamang ako ngunit ang dinig ko sa tono ng kanyang boses ay tila may halong pang-iinis. "No, thanks. Kakagising ko lamang at nagkakape pa lamang ako," mabilis kong sagot
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang makita kong sumakay si Sonia sa kotse niya dala ang kanyang malaking maleta. At hindi ko na kailangan pang magtanong kung ano ang laman ng maletang dala niya dahil obvious namang mga damit niya ang laman niyon. Ang gusto kong malaman at kung bakit siya umalis? Nag-away ba sila ni Alpha Magnus kaya siya nag-alsa-balutan? Paano na ang kasal nila?Nakaramdam ako ng saya nang maisip ko na posibleng hindi na matutuloy ang kasal nina Alpha Magnus at Sonia. Pag nangyari iyon ay may pag-asa na mabuo ang pamilya namin. Matutupad ang matagal nang hinihiling ni Moses na mabuo ang pamilya namin.Nang dumaan ang isang maid ay tinawag ko para usisahin. Mabuti na iyong nakakasiguro para hindi ako mag-jump into conclusion."Dayay? Anong nangyari? Bakit umalis si Sonia na may dalang maleta?" "Hindi ko rin alam, Mavi. Baka nag-away sila ni Alpha Magnus. Para narinig ko kasi kagabi na mataas ang boses ni Sonia habang nakikipag-usap kay Alpha Magnus," sagot ni Dayay sa
Mavi PovSinapo ko ang magkabilang pisngi ni Moses para payapain siya dahil nag-uumpisa na siyang magpanic. Masyado na kasing mainit sa loob ng kotse at hindi ko pa rin mabuksan ang pintuan. "Moses, listen to me. Just relax yourself because we can get out of this car, okay?" Hindi ko ipinakita sa kanya na nagpapanic na rin ako dahil mas lalo lamang siyang magpapanic kapag nakita niyang katulad niya ang nararamdaman ko. Sa ganitong sitwasyon ay kailangan ni Moses ang katatagan ng loob ng kanyang ina para palakasin ang loob niya."Are we gonna die here, Mom?" naiiyak na tanong ni Moses sa akin.Mariin akong umiiling sa kanya. "No, Moses. Hindi tayo mamamatay dito. Makakalabas tayo ng ligtas kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng ganyan.""But I think it's not bad to die here with you, Mom. Atleast, magkasama tayong mamamatay. Hindi tayo magkakahiwalay hanggang kamatayan," ani Moses na parang matanda na kung mag-isip."Don't talk like that, Moses. Sinabi ko sa'yo na makakaligtas tayo rit
Mavi PovPagkatapos ng nangyaring insidente ay binigyan ako ni Alpha Magnus ng dalawang bodyguards samantalang tatlo naman ang bodyguards ni Moses. Malalaki ang katawan at magagaling silang makipaglaban dahil sinigurado ni Alpha Magnus na kaya kaming protektahan ng mga bodyguard na kinuha niya mula sa kanyang mga tauhan sa kanyang pack.Sa una ay tumutol ako dahil hindi ako sanay na palaging may nakasunod sa akin na mga bodyguard ngunit sa huli ay ang kagustuhan niyang magkaroon kami ng bodyguards ang siyang nanaig. Okay lang sa akin na magkaroon ng bodyguard si Moses dahil kapag may mga mapagkakatiwalaang tao sa kanyang paligid ay hindi ako gaanong mag-aalala para sa kanyang kaligtasan.Kung hindi nga lang busy sa kanyang kompanya si Alpha Magnus ay tila siya pa ang nais na maging bodyguard ko. Ngunit mas nakakailang naman kung siya ang magiging bodyguard ko kaya okay na lang itong mga tauhan niya ang magbantay sa akin."Bye, Mom. Take care." Humalik sa pisngi ko si Moses bago sumaka
Mavi PovPagbukas ko ng pintuan ay madilim at tila walang katao-tao sa silid kaya nagdalawang-isip ako kung tutuloy ba ako sa pagpasok sa silid o hindi. Biglang pumasok sa isip ko na baka nagkamali ang waitress at sa ibang silid niya ako dinala. Sa huli ay napagpasyahan ko na huwag nang tumuloy sa loob. Nakakatakot kasi madilim.Akmang isasara ko na ang pintuan nang biglang may nagsindi ng kandila. Nang sa wakas ay nagkaroon ng liwanag sa loob ng silid ay nakita ko si Alpha Magnus na nakaupo sa mesa na pangdalawahan. Sa harapan niya ay may dalawang plato, dalawang wine glass, at kandila na siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na kuwarto.Kahit napaka-guwapo ni Alpha Magnus sa kanyang suot na tuxedo ay hindi pa rin sa kanya napatutok ang aking mga mata kundi sa isang pirasong bulaklak ng tulips na nakapatong sa ibabaw ng mesa at katabi ng malaking kandila. Kulay puti ang tulip at mukhang fresh na fresh pa.Paborito ko na ang tulips simula pa noong bata ako. Naku-kyutan kasi ako sa po
Mavi PovPaglabas namin sa restaurant ay hinila ako ni Alpha Magnus papunta sa kanyang kotse. Susundan sana kami ng mga bodyguard ko ngunit maagap silang naharang ni Dave, ang beta ni Alpha Magnus, at sinabihang huwag kaming sundan. Pagkapasok sa loob ng kotse ni Alpha Magnus ay agad niya akong sinibasib ng mariing halik. Ni-recline niya ang kinauupuan ko at agad akong hiniga habang nakadagan siya sa akin.May pagmamadali sa kanyang mga kilos at para bang sabik na sabik siya sa akin. Walang pagtutol namang namutawi sa akin sa halip ay buong puso akong nagpaubaya. Katulad niya ay nasasabik din akong madama ang kanyang pagmamahal.We made love inside his car while his men are standing near the car and guarding us. Wala kaming pakialam kahit na alam naming may mga tao sa labas at natitiyak namin na alam nila kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kotse.Pagkatapos ng mainit na eksena na nangyari sa pagitan namin ni Alpha Magnus ay magkatabi kaming nahiga sa iisang upuan habang nakahubad.
Mavi PovDumating si Alpha Magnus eksaktong tapos ng sumabog ang kotse ko. Nang makita naman ng mga taong bumabaril sa amin na parating ang kotse ni Alpha Magnus kasama ang mga tauhan niya ay mabilis silang tumakas. Hindi na nila pinagkaabalahan pang alamin kung buhay pa ba kami o patay na."Mavi! Mavi!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Alpha Magnus, puno iyon ng pag-aalala. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakadapa sa lupa. "Alpha Magnus," mahinang sambit ko sa pangalan niya.Nagmamadaling nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. "Oh, God! You're safe."Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ngunit ayoko pa ring kumalas mula sa kanya. Gusto ko ang pakiramdam na safe ako habang nasa loob ako ng kanyang mga bisig.Takot na takot ako. Akala ko ay hindi ko na makikita pa ang mga mahal ko sa buhay. Sino ba kasi ang taong nagpapapatay sa akin? Ano ba ang matinding kasalanan ang nagawa ko to the extent of killing me?"We are sorry, Alpha Magnus