Mavi PovPagkatapos ng nangyaring insidente ay binigyan ako ni Alpha Magnus ng dalawang bodyguards samantalang tatlo naman ang bodyguards ni Moses. Malalaki ang katawan at magagaling silang makipaglaban dahil sinigurado ni Alpha Magnus na kaya kaming protektahan ng mga bodyguard na kinuha niya mula sa kanyang mga tauhan sa kanyang pack.Sa una ay tumutol ako dahil hindi ako sanay na palaging may nakasunod sa akin na mga bodyguard ngunit sa huli ay ang kagustuhan niyang magkaroon kami ng bodyguards ang siyang nanaig. Okay lang sa akin na magkaroon ng bodyguard si Moses dahil kapag may mga mapagkakatiwalaang tao sa kanyang paligid ay hindi ako gaanong mag-aalala para sa kanyang kaligtasan.Kung hindi nga lang busy sa kanyang kompanya si Alpha Magnus ay tila siya pa ang nais na maging bodyguard ko. Ngunit mas nakakailang naman kung siya ang magiging bodyguard ko kaya okay na lang itong mga tauhan niya ang magbantay sa akin."Bye, Mom. Take care." Humalik sa pisngi ko si Moses bago sumaka
Mavi PovPagbukas ko ng pintuan ay madilim at tila walang katao-tao sa silid kaya nagdalawang-isip ako kung tutuloy ba ako sa pagpasok sa silid o hindi. Biglang pumasok sa isip ko na baka nagkamali ang waitress at sa ibang silid niya ako dinala. Sa huli ay napagpasyahan ko na huwag nang tumuloy sa loob. Nakakatakot kasi madilim.Akmang isasara ko na ang pintuan nang biglang may nagsindi ng kandila. Nang sa wakas ay nagkaroon ng liwanag sa loob ng silid ay nakita ko si Alpha Magnus na nakaupo sa mesa na pangdalawahan. Sa harapan niya ay may dalawang plato, dalawang wine glass, at kandila na siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na kuwarto.Kahit napaka-guwapo ni Alpha Magnus sa kanyang suot na tuxedo ay hindi pa rin sa kanya napatutok ang aking mga mata kundi sa isang pirasong bulaklak ng tulips na nakapatong sa ibabaw ng mesa at katabi ng malaking kandila. Kulay puti ang tulip at mukhang fresh na fresh pa.Paborito ko na ang tulips simula pa noong bata ako. Naku-kyutan kasi ako sa po
Mavi PovPaglabas namin sa restaurant ay hinila ako ni Alpha Magnus papunta sa kanyang kotse. Susundan sana kami ng mga bodyguard ko ngunit maagap silang naharang ni Dave, ang beta ni Alpha Magnus, at sinabihang huwag kaming sundan. Pagkapasok sa loob ng kotse ni Alpha Magnus ay agad niya akong sinibasib ng mariing halik. Ni-recline niya ang kinauupuan ko at agad akong hiniga habang nakadagan siya sa akin.May pagmamadali sa kanyang mga kilos at para bang sabik na sabik siya sa akin. Walang pagtutol namang namutawi sa akin sa halip ay buong puso akong nagpaubaya. Katulad niya ay nasasabik din akong madama ang kanyang pagmamahal.We made love inside his car while his men are standing near the car and guarding us. Wala kaming pakialam kahit na alam naming may mga tao sa labas at natitiyak namin na alam nila kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kotse.Pagkatapos ng mainit na eksena na nangyari sa pagitan namin ni Alpha Magnus ay magkatabi kaming nahiga sa iisang upuan habang nakahubad.
Mavi PovDumating si Alpha Magnus eksaktong tapos ng sumabog ang kotse ko. Nang makita naman ng mga taong bumabaril sa amin na parating ang kotse ni Alpha Magnus kasama ang mga tauhan niya ay mabilis silang tumakas. Hindi na nila pinagkaabalahan pang alamin kung buhay pa ba kami o patay na."Mavi! Mavi!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Alpha Magnus, puno iyon ng pag-aalala. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakadapa sa lupa. "Alpha Magnus," mahinang sambit ko sa pangalan niya.Nagmamadaling nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. "Oh, God! You're safe."Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ngunit ayoko pa ring kumalas mula sa kanya. Gusto ko ang pakiramdam na safe ako habang nasa loob ako ng kanyang mga bisig.Takot na takot ako. Akala ko ay hindi ko na makikita pa ang mga mahal ko sa buhay. Sino ba kasi ang taong nagpapapatay sa akin? Ano ba ang matinding kasalanan ang nagawa ko to the extent of killing me?"We are sorry, Alpha Magnus
Mavi PovMasama ang loob ko kay Alpha Magnus kaya hindi ako umalis ako ng bahay niya at nagtungo sa bahay ni Lotlot. Hindi ako umuwi at hindi ko rin siya tinawagan. Siguradong malalaman naman niya na nasa bahay lamang ako ng kaibigan ko dahil nagbilin ako kay Dayay na kapag hinanap ako ni Alpha Magnus ay sabihin niyang nasa bahay lamang ako ni Lotlot. Naiinis ako sa kanya kaya ayoko muna siyang makita."Hindi ka ba hanapin ni Alpha Magnus o di kaya ni Moses?" tanong sa akin ni Lotlot nang nalaman niyang wala akong balak na umuwi sa bahay ng lalaking iyon ngayong gabi."Hindi ako hahanapin ni Moses dahil marami siyang toys ngayon. Halos dalhin na nga niya sa school ang mga bago niyang laruan at nakalimutan pa niyang mag-goodbye kiss sa akin. Siguradong hindi niya mapapansin na wala ako sa bahay," sagot sa panghuling tanong niya."Eh, paano naman ang daddy ng anak mo?" "Kapag hindi siya umuwi hindi niya ako hahanapin pero kapag umuwi siya at sumilip sa silid ko tapos nakita niyang wala
Alpha Magnus PovPag-alis ni Mavi at Lotlot sa bahay ng huli ay nakasunod na kami ni Alex ng palihim sa kanilang dalawa habang ang mga tauhan ko ay nakasunod naman sa kotse ko. Kung hindi namin sila sinundan ay tiyak na hindi sila makakarating sa disco bar na ito nang buhay at ligtas. Pagkaalis ni Mavi sa bahay ay agad akong tinawagan ni Dayay at ipinaalam sa akin na umalis nga ito nang walang kasamang bodyguard. Nag-alala ako ng labis kaya kahit nasa gitna ako ng isang importanteng meeting ay umalis ako para sundan si Mavi. Dahil natitiyak ko na hindi titigil ang taong nagtatangka sa buhay niya hangga't hindi ito nagtatagumpay sa maitim nitong plano.Kung inaakala nina Mavi at Lotlot na walang mga matang nagmamasid sa kanila paglabas nila sa bahay ng huli dahil sa likuran sila dumaan ay nagkakamali sila. Dahil bago pa man sila nakalabas ng bahay ay pinadispatsa ko na sa mga tauhan ko ang tatlong kahina-hinalang lalaki na nakita namin na tila nagsu-survey sa paligid ng bahay ni Lotlot
Mavi PovMabilis naming dinala sa pinakamalapit na ospital si Alpha Magnus at ipinasok sa emergency room. Habang nasa loob ng emergency room siya ay nasa labas lamang ako ng silid at umiiyak, hindi makausap ng matino. Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nag-aagaw-buhay ngayon si Alpha Magnus. Kung hindi ko lamang pinairal ang galit at katigasan ng aking ulo ay hindi mangyayari ito sa kanya.Ngayon ay alam ko na kung gaano ako kahalaga sa kanya. Dahil mas ginusto niyang siya ang matamaan ng bala kaysa ako ang mataaman kaya niya iniharang ang katawan niya para maprotektahan ako. Kapag may hindi siya makaligtas ngayon ay hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili."Stop crying, Mavi. Everything's gonna be alright. Magiging okay rin si Alpha Magnus," sabi ni Lotlot sa akin habang yakap ako at tinatapik ng marahan ang aking likuran.Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin at pagkatapos ay umiling. "Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nasisigurado na ligtas siya, Lotlot. At kasa
Mavi PovI feel very anxious while waiting for Alex's call. Gustong-gusto ko ng umalis at puntahan si Alpha Magnus ngunit ayokong palalain ang galit ng kanyang pack members kaya matiyaga na lamang akong naghihintay sa magiging update ni Alex.Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang lumabas mula sa kuwarto niya si Lotlot. Alam ko na nag-update na si Alex tungkol sa kalagayan ni Alpha Magnus kaya siya lumabas sa silid niya."Tumawag na si Alex, right?" naninigurong tanong ko sa kanya.Mabilis na tumango si Lotlot. "Yes. Sabi niya ay gusto ka raw makausap ng elders ni Alpha Magnus.""Ano pa ang hinihintay natin? Let's go!" Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit at nauna na akong lumabas ng bahay ng kaibigan ko. Hindi naman nagtagal ay sumunod na si Lotlot dala ang susi ng kanyang kotse."May ideya ka ba kung bakit ka gustong makausap ng elder ng pack ni Alpha Magnus, Mavi?" tanong niya sa akin habang nagbibiyahe kami.Mabilis akong umiling. "Anuman ang sabihin nila ay tatangg
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i