Share

Chapter 27

Mavi Pov

Sa loob ng isang malaking mall kami dinala ni Alpha Magnus. Agad na nagyaya naman si Moses sa toy store para magpabili ng mga laruan. Pagkatapos ay nanuod kami ng sine. Kung titingnan ng kahit na sino ay isa kaming happy family. Pansamantalang nakalimutan ko ang galit ko kay Alpha Magnus at hinayaan kong mag-enjoy ang anak ko kasama ang kanyang ama na pinanabikan din niyang makilala.

"Mom. I'm hungry," sabi ni Moses habang naglalakad kami palabas ng sinehan. Katatapos pa lamang kasi ng movie na pinanuod namin.

"Siyempre, kakain tayo sa isang restaurant na masarap ang pagkain," ani Alpha Magnus na siyang sumagot kay Moses. Masayang pumalakpak naman ang anak ko habang ako ay tahimik lamang. Tanging silang dalawa lang kasi ang madalas na nag-uusap at nagsasalita lamang ako kapag ako mismo ang kinakausap ng anak ko.

Sa isang Japanese restaurant kami dinala ni Alpha Magnus para kumain ng lunch. Pagpasok namin ay nakangiting sinalubong kami ng isang waitress.

"Sir. Ma'am. May promo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status