Pormal na humarap si Charles sa mga naroon at tuwid na tumingin. "Una sa lahat, pinakasalan ko si Stella, hindi dahil sa kompanya. May sarili akong kompanya at matatag ang pundasyon nito. To make it short, dati ko na pong asawa si Stella at may anak na kami."Nagulantang ang lahat sa narinig at hindi makapaniwalang nakatitig sa nagsasalita. Maging si Vans ay nagulat sa biglaang rebelasyon ni Charles. May idea siya tungkol sa pagbubuntis ni Stella noon pero hindi niya akalaing nabuhay nga ang bata."Tulad ng sabi mo, dati na kayong mag asawa. It means ay naghiwalay kayo at binalikan lang siya nang malaman mong apo siya ng bilyonaryo." Tumutok ang tingin ni Charles kay Luis na siyang nagsasalita. Mukhang malakas ang loob nito at hindi takot na mapatalsik sa posisyon nito ngayon."Mr. Luis, nasa new generation na po tayo ngayon at normal na sa isang relasyon o pagsasama ang pagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Mahal namin ang isa't isa kaya kami nagkabalikan at para na rin sa anak namin.
Magbasa pa