Parang nabunutan ng tinik sa buong katawan si Diana nang lumapat ang likod sa malambot na kama. "Thank you!" Malungkot na ngumiti siya kay Meashell. Tikom ang bibig na ngumiti si Meashell sa dalaga. Awang-awa talaga siya dito at alam niyang may panibagong haharapin ito kapag hinayaan nang makalabas ng bahay. "Iwasan mong mahawakan ka sa pulso ng doctor kapag sinuri niya ang katawan mo."Tumango si Diana nang marinig ang bulong ng kaibigan. Ilang sandali pa ay dumating ang doctor kasama ang abuelo. Sinuri nito ang sugat niya sa likod pati ang temperature ng kaniyang katawan."Ilang araw pa at matuyo na ang sugat niya. May cream akong dala na panglagay sa naiwang peklat ng sugat niya upang hindi halata kapag lumabas na siya. Ang mga antibiotics ay kailangan niyang patuloy na inumin upang maiwasan ang infections.""Narinig mo ang sinabi ng doctor?" Kausap ni Vincent sa apo.Mabilis na tumango si Diana sa abuelo at nagpasalamat sa doctor. Hahawakan sana siya sa kamay ng doctor ngunit mab
Pormal na humarap si Charles sa mga naroon at tuwid na tumingin. "Una sa lahat, pinakasalan ko si Stella, hindi dahil sa kompanya. May sarili akong kompanya at matatag ang pundasyon nito. To make it short, dati ko na pong asawa si Stella at may anak na kami."Nagulantang ang lahat sa narinig at hindi makapaniwalang nakatitig sa nagsasalita. Maging si Vans ay nagulat sa biglaang rebelasyon ni Charles. May idea siya tungkol sa pagbubuntis ni Stella noon pero hindi niya akalaing nabuhay nga ang bata."Tulad ng sabi mo, dati na kayong mag asawa. It means ay naghiwalay kayo at binalikan lang siya nang malaman mong apo siya ng bilyonaryo." Tumutok ang tingin ni Charles kay Luis na siyang nagsasalita. Mukhang malakas ang loob nito at hindi takot na mapatalsik sa posisyon nito ngayon."Mr. Luis, nasa new generation na po tayo ngayon at normal na sa isang relasyon o pagsasama ang pagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Mahal namin ang isa't isa kaya kami nagkabalikan at para na rin sa anak namin.
"Nakangising sinalubong ni Fausto ang nagbabagang tingin sa kaniya ng pinsan. Alam niyang itong puwesto niya ang pinakahangad nito. Hayaan niya munang maramasan nito ang papel bilang CEO pero hindi rin patatagalin.Proud na nakipagkamay si Stella sa mga naroon kasama ang asawa niya. Marami na ang natakot na mag disagree dahil sa banta ng abuelo kanina."Maraming salamat po sa malugod na pagtanggap sa akin bilang inyong chairman ngayon. Ipapangako kong manatiling matatag ang kompanya at mapangalagaan ang inyong interest, sa tulong ni Mr. CEO." Nakangiting nilingon ni Stella si Vincent.Napilitang ngumiti na rin si Vincent at lumapit kay Stella upang samahan ito sa unahan. Tama, malaki ang papel niya sa kompanya kaya hindi dapat siya magalit ng husto ngayon. Hayaan niyang magtiwala sa kaniya ang bagong chairman. Lihim siyang napangisi nang humarap na sa lahat."Huwag kang mag alala, Lolo Vincent, kung matatanggal ka man sa puwesto ay isa sa apo mo ang papalit. Pero siguro naman ay may
Mabilis na inayos ni Diana ang darili nang mabalitaang nakauwi ng ang kapatid at abuelo. Ilang sandali pa ay pumasok ang kapatid."Kumusta ang pakiramdam mo?""Ayos lang," matabang niyang sagot sa kapatid.Hindi siya pumiksi nang hawakan siya ng kapatid sa chin at sinuri ang pisngi niya. Sinisiguro nitong wala nang bakas ng pananakit ng mga ito sa kaniyang pisngi. Sunod nitong tiningnan ang braso niya. May piklat doon na halata kapag hindi nilagyan ng cream. "Mula ngayon kapag lalabas ka ay magsuot ka ng may manggas upang hindi mapansin iyang nasa balikat mo. Kung magsusuot ka man ng walang manggas ay make sure na nalagyan mo iyan ng crea."Hindi niya sinagot ang kapatid at hinayaan lang itong tingnan pa ang balat niya."Humanda ka sa sunod na lingo at a-attend ka sa event na gaganapin sa kompanya. Huwag kang magkamali na dahil buhay ng lalaking iyon ang kapalit kapag inulit mo pa ang pagkakamali noon."Nagtagis ang mga ngipin ni Diana pero nanatiling blangko ang mukha at malamig ang
Matapos magsalita ni Stella sa gitna ng intablado ay masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa paligid, hanggang sa unting-unting humina ingay. Ang ngiting nakapaskil sa labi ng mga taong nakatingin kay Stella ay unting-unting napalis at napalitan ng pagtataka, nilingon ang taong na siyang natitirang pumapalakpak. Kusang humawan ang gitnang banda upang makita ang taong nakatayo sa likuran na siyang patuloy sa pagpalakpak.Mabilis na tumabi si Charles sa asawa nang makita si Vincent na siyang agaw pansin sa spotlight na para sa asawa niya. Mukhang sinadya nitong magpahuli ng dating at ang ganda ng ngiti habang marahang pumapalakpak pa rin."Sorry at late ang dating ko. Congratulations to our new chairman!" Idinipa pa ni Vincent ang mga kamay habang nakangiting nakatitig kay Stella.Ngumiti si Stella at nilapitan ang matanda. "Thank you so much! Ang akala ko po ay hindi na kayo darating upang ipakita ang suporta sa akin." Makahulugang turan ni Stella sa matanda."Hindi mangyayari iyan
"Don Fausto, ano sa tingin mo ang iniisip ng pinsan mo at minamadali naman ngayon ang kasal ng apo at anak ko?" kausap ni Kobe sa matanda."E delay niyo ang balak na pamumulungan upang maantala ang mga niluto niyang plano." Suggest ni Fausto sa ama ni Mauro.Napabuntonghininga si Stella habang nakikinig sa pagpupulong. Dissapoint siya kanina kay Diana lalo na sa pananamit nito. "Kung ganoon ay tawagan ko sila bukas ng umaga." Pasya ni Kobe."Kayo na ang bahalang magtulungan mula ngayon sa kompanya. Kailangan kong sundan si Ramon at ang apo ko sa ibang bansa."Nakakaunawang tumango si Mauro sa lolo ni Stella. Maging katulong siya ni Stella sa kompanya at tumaas ang posisyon niya. Iyon marahil ang nakikitang pagkakataon nila Vincent kaya gusto nang ikasal sa kaniya si Diana."Lolo, huwag po kayong mag alala at kasama ang kompanya sa aalalagaan ko."Ngumiti si Fausto kay Charles. Malaki din ang tiwala niya rito at alam niyang pati ang apo niyang buntis ay kaya nitong protektahan.Natapo
Patakbong bumalik si Diana sa kaniyang silid nang wala na ang mga bisita. Dumiritso siya sa banyo at agad inilabas ang kanina pang pinipigilan na pagsusuka. Habang tumatagal ay napapadalas na ang pagsusuka niya. Kailangan na niyang magmadaling makaalis sa bahay ng abuelo.Agad na sinundan ni Meashell ang dalaga. Nag aalala siya at mukhang naapiktohan na rin ang katawan nito dahil sa pagbubuntis. "Ate Meashell, sa tingin mo ay hindi nakakahalata si Lolo sa kalagayan ko?" nag aalalang tanong ni Diana."Iyan ang ipinagdadasal ko lagi."Napangiti si Diana at niyakap ang babae. Kung wala ito ay tiyak na wala siyang ibang masasandalan. Nag isip siya ng paraan upang makalabas ngayong araw. Kailangan niyang lumabas upang makain ang gusto. Hangga't hindi niya kasi nakakain ang maasim na pagkain ay patuloy siya sa pagsusuka.Sa sala, napangisi si Vincent matapos maibaba ang tawagan. "Ano na po ang next na plano, lolo?" tanong ni Vans pagkalapit sa abuelo."Maghanda dahil darating sila mamaya
Oras ng hapunan, dumating ang pamilya ni Mauro sa mansyon nila Diana. May dala ang mga itong pagkain at taong kasama bilang catering. "Hindi na sana kayo nag abala pa sa pagdala ng pagkain." Nakangiting nakipagkamay si Vincent kay Kobe."Tradisyon na ito sa ating kultura." Pormal na tugon ni Kobe sa matanda. Nagmistulang may malaking okasyon sa loob ng mansyon nang maihain na ang pagkain. Matapos maihain ang pagkain ay lumabas na rin ang mga staff.Iginala ni Mauro ang tingin sa paligid nang makapasok na sila sa dining room. Kakain muna sila bago pag usapan ang tungkol sa kanilang kasal ni Diana."Pababa na ang apo ko." Pagbigay alam ni Vincent nang mapansin ang tingin ni Mauro.Pahintamad na bumaba ng hagdan si Diana kahit alam niyang naroon na si Mauro, kasama ang pamilya nito. Ewan ba niya pero parang ayaw niyang makita ang binata at naiirita siya kahit iniisip pa lang ito. Inaantok din siya at ginising lang siya ni Meashell kanina. Nangunot ang noo ni Mauro pagkakita kay Diana.