"Don Fausto, ano sa tingin mo ang iniisip ng pinsan mo at minamadali naman ngayon ang kasal ng apo at anak ko?" kausap ni Kobe sa matanda."E delay niyo ang balak na pamumulungan upang maantala ang mga niluto niyang plano." Suggest ni Fausto sa ama ni Mauro.Napabuntonghininga si Stella habang nakikinig sa pagpupulong. Dissapoint siya kanina kay Diana lalo na sa pananamit nito. "Kung ganoon ay tawagan ko sila bukas ng umaga." Pasya ni Kobe."Kayo na ang bahalang magtulungan mula ngayon sa kompanya. Kailangan kong sundan si Ramon at ang apo ko sa ibang bansa."Nakakaunawang tumango si Mauro sa lolo ni Stella. Maging katulong siya ni Stella sa kompanya at tumaas ang posisyon niya. Iyon marahil ang nakikitang pagkakataon nila Vincent kaya gusto nang ikasal sa kaniya si Diana."Lolo, huwag po kayong mag alala at kasama ang kompanya sa aalalagaan ko."Ngumiti si Fausto kay Charles. Malaki din ang tiwala niya rito at alam niyang pati ang apo niyang buntis ay kaya nitong protektahan.Natapo
Patakbong bumalik si Diana sa kaniyang silid nang wala na ang mga bisita. Dumiritso siya sa banyo at agad inilabas ang kanina pang pinipigilan na pagsusuka. Habang tumatagal ay napapadalas na ang pagsusuka niya. Kailangan na niyang magmadaling makaalis sa bahay ng abuelo.Agad na sinundan ni Meashell ang dalaga. Nag aalala siya at mukhang naapiktohan na rin ang katawan nito dahil sa pagbubuntis. "Ate Meashell, sa tingin mo ay hindi nakakahalata si Lolo sa kalagayan ko?" nag aalalang tanong ni Diana."Iyan ang ipinagdadasal ko lagi."Napangiti si Diana at niyakap ang babae. Kung wala ito ay tiyak na wala siyang ibang masasandalan. Nag isip siya ng paraan upang makalabas ngayong araw. Kailangan niyang lumabas upang makain ang gusto. Hangga't hindi niya kasi nakakain ang maasim na pagkain ay patuloy siya sa pagsusuka.Sa sala, napangisi si Vincent matapos maibaba ang tawagan. "Ano na po ang next na plano, lolo?" tanong ni Vans pagkalapit sa abuelo."Maghanda dahil darating sila mamaya
Oras ng hapunan, dumating ang pamilya ni Mauro sa mansyon nila Diana. May dala ang mga itong pagkain at taong kasama bilang catering. "Hindi na sana kayo nag abala pa sa pagdala ng pagkain." Nakangiting nakipagkamay si Vincent kay Kobe."Tradisyon na ito sa ating kultura." Pormal na tugon ni Kobe sa matanda. Nagmistulang may malaking okasyon sa loob ng mansyon nang maihain na ang pagkain. Matapos maihain ang pagkain ay lumabas na rin ang mga staff.Iginala ni Mauro ang tingin sa paligid nang makapasok na sila sa dining room. Kakain muna sila bago pag usapan ang tungkol sa kanilang kasal ni Diana."Pababa na ang apo ko." Pagbigay alam ni Vincent nang mapansin ang tingin ni Mauro.Pahintamad na bumaba ng hagdan si Diana kahit alam niyang naroon na si Mauro, kasama ang pamilya nito. Ewan ba niya pero parang ayaw niyang makita ang binata at naiirita siya kahit iniisip pa lang ito. Inaantok din siya at ginising lang siya ni Meashell kanina. Nangunot ang noo ni Mauro pagkakita kay Diana.
"Mauro, huwag ka nang magalit sa kaniya. Ako na lang ang mag adjust upang hindi masira ang pagkakaibigan natin." Kumapit siya ng husto sa braso ni Mauro at umaktong natutumba."No, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi ka niya puwedeng ganitohin kung gusto niyang maging maayos ang pagsasama namin sa hinaharap!" matigas na turan ni Mauro.Mariing naglapat ang mga labi ni Diana at pilit pinaalala sa sarili na hindi dapat siya masaktan. Hindi dapat siya magalit at ma dissapoint kay Mauro. Hindi niya kailangan magpaliwanag at hayaang ganoon na lang ang tingin sa kaniya. Alam naman niyang hindi siya paniwalaan kaya hindi na dapat siya maglabas ng emosyon. Blangko ang expression na ipinukol niya sa dalawa at nanatiling tikom ang bibig.Lalo lamang nairita si Mauro nang manatiling tahimik si Diana at hindi mabasa kung ano ang nasa isip nito. Inakay na niya ang kaibigan palabas ng dining room at iniwan si Diana. Kakaibang ngiti ang pumaskil sa labi ni Denise nang lingunin niya si Diana
Hinintay lang ni Mauro na makabalik ang ama bago sinimulan muling pag usapan ang tungkol sa kasal."Hija, kailan mo gustong e set ang kasal at saan?" tanong ni Betn kay Diana.Bubuka na sana ang bibig ni Diana ngunit inunahan siyang magsalita ni Mauro."Tama na ang simpling kasalan dahil nagmamadali kayo. Isa pa ay ayaw ko na maraming nakakaalam tungkol sa kasal."Parang may karayom na tumusok sa puso ni Diana pagkarinig sa sinabi ni Mauro. Kulang na lang ay sabihin nitong ikinahihiya siyang maging asawa kaya ayaw na makilala siya ng karamihan. Simple lang din naman sana ang isasagot niya. Mas masakit lang talaga marinig galing sa mismong lalaking mahal niya."Hindi maari. Kaisa-isa kong apo na babae si Diana at gusto kong maranasan niya ang magarbong kasalan! May sarili kaming pera, kung dahil sa gastos ay ako na ang bahala!" Tutol ni Vincent.Napabuntonghinga si Kobe at magkakaroon na naman ng hindi pagkakaintindihan. "Senyor, hindi problema ang pera dito!""Lolo, ayos lang po. Tam
Kinabukasan, pasado nine ng umaga na sinundo si Jade ng driver ni Mauro. Hindi na siya nagtanong kung nasaan ang binata. Kasama pa rin niya si Meashell dahil iyon ang gusto ng abuelo na pabor naman sa kaniya."Bakit dito tayo dinala?" tanong ni Meashell habang nakatingala sa isang malaki at mataas na building. "Ito ang kompanya nila Mauro." Maiksing sagot ni Diana bago kumagat muli ng mangga. Pagtingin niya sa driver ay mukhang hindi na maipinta ang mukha at naasiman sa kinakain niya."Ang akala ko ba ay sa jewerly–""May importante pa pong pinuntahan si Sir Mauro kaya wala pa siya. Si Sir Kobe po ang nag utos na dito na lang muna dalhin si Ma'am Diana." Mabilis na paliwanag ng driver.Inirapan ni Meashell ang driver at hindi siya pinatapos sa pagsasalita. Ngunit ngumiti lang ito sa kaniya. Mabilis na niyang itinabi ang ibang mangga at sinilid sa bag na dala para may makain ulit mamaya ang alaga niya.Nagmadali nang bumaba sa sasakyan si Diana nang maalala na may kasunduan sila ngay
"Sir, try niyo pong isuot sa daliri ng fiancee niyo ang singsing kung kasya ba." Suggest ng sales lady habang nakatingin kay Denise.Kinuha ni Mauro ang singsing sa sales lady at lumapit kay Diana. Walang ingat na hinawakan niya ang palad nito upang isuot ang singsing sa daliri nito.Pinigilan ni Diana ang dumaing sa sakit nang mahawakan ni Mauro ang kamay niyang namamaga. Binawi niya ang kamay mula sa pagkahawak nito ngunit lalo lamang hinigpitan kaya napapiksi na siya.Nangunot ang noo ni Mauro at napatitig sa mukha ng dalaga. Halatang nasasaktan ito at mariing naglapat ang mga labi. Pagtingin niyang muli sa likod ng palad nito ay saka lang niya napansin na namumula iyon.Mabilis na binawi ni Diana ang kamay at inilayo sa binata. "Ako na ang magsusukat." Inilahad niya sa harapan nito ang kanang palad."Ano ang nangyari sa kamay mo?" sa halip ay tanong niya sa dalaga at hindi ibinigay ang singsing."Nothing," malamig niyang tugon kay Mauro at nanatiling nakalahad ang palad dito.Napa
"Oh, kumain ka na nito upang mawala na ang sama ng loob mo." Ibinigay ni Meashell ang isang hiwa ng mangga sa dalaga habang naglalakad sila papuntang entrance.Agad na sinubo iyon ni Diana. Hihingi pa sana siya ng isa nang mapansin ang dalawang taong nakatingin sa kaniya. Dahan-dahan na lang niyang ninguya ang ang nasa bibig at nagpatuloy sa mabagal na paghakbang."Hinihintay ba nila tayo?" pabulong na tanong ni Meashell kay Diana.Nagkibit balikat si Diana habang tuwid na nakatingin kay Mauro. Hindi naman nito nakikita ang mga mata niya dahil dark shade ang suot niya. Nakakunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Puno pa naman ang bibig niya ng mangga at ayaw niyang maubos agad iyon. Ninanamnam pa kasi niya ang katas ng mangga. Umangkla siya sa braso ni Meashell at nang malapit na sila kina Mauro ay nagmadali nilang nilampasan ang mga ito."Where are you going?" matigas na tanong ni Mauro kay Diana."Home." Parang ngongo niyang sagot sa binata dahil may laman pa ang b