Nang mapag isa muli, napaisip si Diana. Gusto na lang niyang lumayo at magbagong buhay. Gusto niyang hanapin ang sariling kaligayahan sa ibang katauhan. Malabong mahalin siya ni Mauro dahil sa family background niya. Isa pa ay narinig niya ito nang araw na iyon na wala itong balak na maging bahagi siya ng pamilya nito.Bumalik siya noon sa silid upang kunin sana ang naiwang bag. Umasa din siya na pigilan siya ng bianata at agawin mula sa kamay ng kapatid. Ngunit masakit na katotohanan ang kaniyang narinig mula sa binata."Hindi ko gustong maging kapamilya ang mga kriminal na iyon!" Mga katagang binitiwan ni Mauro at tumatak sa isipan ni Diana."Wala siyang choice nang angkinin ka niya dahil sa droga." Paalala ni Diana sa sarili.Ipinikit niya ang mga mata at pilit na iwinaksi ang mga bumabagabag sa kaniyang isipan. Kung puwede lang na matulog habambuhay ay gagawin niya. Ngunit kaunting kaluskos lang sa paligid ay nagigising siya na may takot sa dibdib....."Kumusta ang bagong kasal a
"Sir, nasa labas si Mr. Mauro." Pagbabalita ng katulong sa matanda.Marahas na napatayo mula sa kinaupuan si Vincent at nagulat sa biglaang pagbisita ni Mauro. Wala sa isipan niya na makipag negotiate ito para sa apo niya dahil alam niyang wala itong amor kay kay Diana. Kung ano man ang balak nito ngayon at sumugod mag isa roon ay siguraduhin niyang hindi ito magtatagumpay. "Papasukin niyo!"Iginala ni Mauro ang tingin sa paligid ng mansyon nang makapasok siya sa gate. Hanggang sa makapasok siya sa loob ay nanatiling alerto siya. Sinalubong siya ng isang katulong at dinala sa visiting area nang naturang mansyon."Nice to see you, again!" bati ni Vincent sa binata.Nanatiling pormal ang aura ng mukha ni Mauro na humarap sa ginoo. Matanda na ito pero nagsusumingaw pa rin sa pagkatao nito ang pagiging dominate at tapang. Makisig pa rin itong tingnan katulad ng lolo ni Stella."Maupo ka." Alok ni Vincent nang walang tugon na nakuha mula sa binata. Hindi manlang niya kakitaan ng pagkailang
Maging si Meashell ay napaiyak at mabilis na niyakap ang dalaga at inalo ito. "It's ok, nandito ako at tulungan kitang buhayin siya." Pagpapalakas niya sa loob ng dalaga."Hi-hindi puwedeng malaman nila Kuya at Lolo ang tungkol dito!" Nanginig ang kaniyang tinig at natakot para sa kaniyang anak.Kung totoong buntis siya, tiyak na gagamitin iyon ng pamilya upang mapasunod siya. And worst ay baka sapilitan ding ipalaglag iyon dahil maging sagabal ang bata sa nais ng mga itong ipagawa sa kaniya.Tumango si Meashell habang pinupunasan ang luha sa pisngi ng dalaga gamit ang likod ng sariling palad. "Huwag ka nang umiyak. Mas kailangan mo ngayon ang maging matatag at malakas para sa maging anak mo."Nakangiting tumango si Diana. Totoong masaya siya ngayon kahit hindi pa confirm na buntis nga siya. May dahilan na siya ngayon upang lumaban sa buhay at maging masaya. Kahit bunga ng pagkakamali ang anak, mahalaga ay galing ito sa lalaking mahal niya. Iluwal niya ito st mahalin. Palakihin niyan
Parang nabunutan ng tinik sa buong katawan si Diana nang lumapat ang likod sa malambot na kama. "Thank you!" Malungkot na ngumiti siya kay Meashell. Tikom ang bibig na ngumiti si Meashell sa dalaga. Awang-awa talaga siya dito at alam niyang may panibagong haharapin ito kapag hinayaan nang makalabas ng bahay. "Iwasan mong mahawakan ka sa pulso ng doctor kapag sinuri niya ang katawan mo."Tumango si Diana nang marinig ang bulong ng kaibigan. Ilang sandali pa ay dumating ang doctor kasama ang abuelo. Sinuri nito ang sugat niya sa likod pati ang temperature ng kaniyang katawan."Ilang araw pa at matuyo na ang sugat niya. May cream akong dala na panglagay sa naiwang peklat ng sugat niya upang hindi halata kapag lumabas na siya. Ang mga antibiotics ay kailangan niyang patuloy na inumin upang maiwasan ang infections.""Narinig mo ang sinabi ng doctor?" Kausap ni Vincent sa apo.Mabilis na tumango si Diana sa abuelo at nagpasalamat sa doctor. Hahawakan sana siya sa kamay ng doctor ngunit mab
Pormal na humarap si Charles sa mga naroon at tuwid na tumingin. "Una sa lahat, pinakasalan ko si Stella, hindi dahil sa kompanya. May sarili akong kompanya at matatag ang pundasyon nito. To make it short, dati ko na pong asawa si Stella at may anak na kami."Nagulantang ang lahat sa narinig at hindi makapaniwalang nakatitig sa nagsasalita. Maging si Vans ay nagulat sa biglaang rebelasyon ni Charles. May idea siya tungkol sa pagbubuntis ni Stella noon pero hindi niya akalaing nabuhay nga ang bata."Tulad ng sabi mo, dati na kayong mag asawa. It means ay naghiwalay kayo at binalikan lang siya nang malaman mong apo siya ng bilyonaryo." Tumutok ang tingin ni Charles kay Luis na siyang nagsasalita. Mukhang malakas ang loob nito at hindi takot na mapatalsik sa posisyon nito ngayon."Mr. Luis, nasa new generation na po tayo ngayon at normal na sa isang relasyon o pagsasama ang pagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Mahal namin ang isa't isa kaya kami nagkabalikan at para na rin sa anak namin.
"Nakangising sinalubong ni Fausto ang nagbabagang tingin sa kaniya ng pinsan. Alam niyang itong puwesto niya ang pinakahangad nito. Hayaan niya munang maramasan nito ang papel bilang CEO pero hindi rin patatagalin.Proud na nakipagkamay si Stella sa mga naroon kasama ang asawa niya. Marami na ang natakot na mag disagree dahil sa banta ng abuelo kanina."Maraming salamat po sa malugod na pagtanggap sa akin bilang inyong chairman ngayon. Ipapangako kong manatiling matatag ang kompanya at mapangalagaan ang inyong interest, sa tulong ni Mr. CEO." Nakangiting nilingon ni Stella si Vincent.Napilitang ngumiti na rin si Vincent at lumapit kay Stella upang samahan ito sa unahan. Tama, malaki ang papel niya sa kompanya kaya hindi dapat siya magalit ng husto ngayon. Hayaan niyang magtiwala sa kaniya ang bagong chairman. Lihim siyang napangisi nang humarap na sa lahat."Huwag kang mag alala, Lolo Vincent, kung matatanggal ka man sa puwesto ay isa sa apo mo ang papalit. Pero siguro naman ay may
Mabilis na inayos ni Diana ang darili nang mabalitaang nakauwi ng ang kapatid at abuelo. Ilang sandali pa ay pumasok ang kapatid."Kumusta ang pakiramdam mo?""Ayos lang," matabang niyang sagot sa kapatid.Hindi siya pumiksi nang hawakan siya ng kapatid sa chin at sinuri ang pisngi niya. Sinisiguro nitong wala nang bakas ng pananakit ng mga ito sa kaniyang pisngi. Sunod nitong tiningnan ang braso niya. May piklat doon na halata kapag hindi nilagyan ng cream. "Mula ngayon kapag lalabas ka ay magsuot ka ng may manggas upang hindi mapansin iyang nasa balikat mo. Kung magsusuot ka man ng walang manggas ay make sure na nalagyan mo iyan ng crea."Hindi niya sinagot ang kapatid at hinayaan lang itong tingnan pa ang balat niya."Humanda ka sa sunod na lingo at a-attend ka sa event na gaganapin sa kompanya. Huwag kang magkamali na dahil buhay ng lalaking iyon ang kapalit kapag inulit mo pa ang pagkakamali noon."Nagtagis ang mga ngipin ni Diana pero nanatiling blangko ang mukha at malamig ang
Matapos magsalita ni Stella sa gitna ng intablado ay masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa paligid, hanggang sa unting-unting humina ingay. Ang ngiting nakapaskil sa labi ng mga taong nakatingin kay Stella ay unting-unting napalis at napalitan ng pagtataka, nilingon ang taong na siyang natitirang pumapalakpak. Kusang humawan ang gitnang banda upang makita ang taong nakatayo sa likuran na siyang patuloy sa pagpalakpak.Mabilis na tumabi si Charles sa asawa nang makita si Vincent na siyang agaw pansin sa spotlight na para sa asawa niya. Mukhang sinadya nitong magpahuli ng dating at ang ganda ng ngiti habang marahang pumapalakpak pa rin."Sorry at late ang dating ko. Congratulations to our new chairman!" Idinipa pa ni Vincent ang mga kamay habang nakangiting nakatitig kay Stella.Ngumiti si Stella at nilapitan ang matanda. "Thank you so much! Ang akala ko po ay hindi na kayo darating upang ipakita ang suporta sa akin." Makahulugang turan ni Stella sa matanda."Hindi mangyayari iyan