Halos isang araw na ring hindi umuuwi si sir Luke at mam Lucy nila sa bahay nito, kaya naman hindi siya mapakali sa pag-aalala, lalo pa at ilang beses ng mayroon dumadalaw na pulis doon upang hanapin ang lalaking amo. Ilang araw rin ang tiniis niya sa kakatanong ng mga ito."Ateng, wala pa bang balita kay sir?" kahit si Porsya ay halatang nag-aalala na rin."Wala pa, pero dumaan si mam Lucy dito kanina," sambit na lang niya.Nagpupumilit na lang silang kumalma ni Porsya, pero sadyang natataranta sila sa kung ano na ang nangyayari.Natigilan lang sila sa pag-uusap nang marinig ang kanyang cellphone, pagtingin niya doon ay hindi kilala ang numero ang tumatawag, pero minabuti niya pa rin na sagutin iyon."Hello?" naroon ang antisipasyon at kaba pakasagot niya."Freyja," Ganoon na lang ang tuwa niya nang madinig ang boses sa kabilang linya."Sir Luke! Nasaan po kayo?" garalgal niyang saad, pilit na pinipigilan ang hikbi sa sobrang tuwa."Nagpapalamig lang sandali," batid niya ang pagod at
Last Updated : 2024-08-24 Read more