"Narinig niyo na ba iyong nangyari sa mommy nina sir?" saad ni Clifford habang naghihiwa ng patatas para sa lulutuin nilang ulam."Matagal na iyon ah!" Bumusangot na lang si Porsya dito. "Ang balita ko ipapagamot na nila sa Amerika iyong mama niya." Itinaas pa nito ang kamay sa pagpapaliwanag.Napanguso na lang ang si Clifford sa nalaman na iyon. "Kawawa naman si sir no, kaya pala si mam Lucy ang madalas na pumupunta dito ngayon," halata ang lungkot nito dahil hindi na nakikita ang naturang binata.Kahit siya ay nadarama na rin ang pangungulila sa amo dahil sa tagal na nitong hindi nadadayo roon. Ito kasi ang madalas na nag-aasikaso sa mga negosyo roon kaya naman nasanay na sila na palagi itong nakaalalay sa kanila.Natigil na lang sila sa pag uusap ng biglang pumasok ang babaeng amo sa loob ng kusina."Manang Sabel?" tawag nito."Ay, si mam!" Agad silang nagsitayuan nang makalapit na ito.Sinalubong naman sila nito ng isang matamis na ngiti. "Nakita niyo ba si manang?""Naku mam, umu
"Dude, pwede huwag mo titigan ng ganoon iyong bantay namin, baka matakot," singhal niya sa kaibigan habang nagmamaneho.Naroon kasi ang inis at pagkairita niya nang mapansin kung paano pakatitigan ng kaibigan si Freyja kanina."Wala naman akong ginagawang masama ah!" Napapigil na lang si Jordan ng tawa sa kanya. "Besides, she really looks familiar." Napakunot na lang ito ng noo sabay hawak sa sintido.Pinaningkitan niya lang ito ng mata nang mabatid niya nanaman ang kung anong sa mukha nito."Yeah right, I know that look!" tuya na lang niya, kahit naroon ang inis sa kanya.Napangisi na lang ito sabay tawa ulit. "What?" napaangat na lang ito ng balikat nang makita ang pagkusot ng mukha ni Luke."Seriously man, ikaw na nga lang ang kakampi ko, huwag mo naman ako traydurin," sita na lang niya nang hindi na makapagpigil.Napailag na lang si Jordan sa pagbatok niya. "I'm telling the truth, she really looks familiar!" Sinalo nito ang kanyang kamay dahil ayaw niyang tumigil sa pagsubok na pat
"Uhm sir, tungkol po ba saan iyong pagtawag niyo sa akin?" papansin na lang niya.Bahagya siya nitong nilingon habang nagmamaneho, sabay ngisi ng nakakaloko. Nahita niya lang ang lugar na pupuntahan nila nang bumagal na ang andar ng sasakyan nito.Napalunok na lang siya ng malalim habang ipinaparada nito ang kotse, nandoon ang kaba niya sa kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpapatawag nito sa kanya."Hurry up iho!" Nagmamadali itong bumaba ng sasakyan kaya naman dali-dali na lang siyang sumunod dito."Sa...sandali lang po sir." Halos madapa pa siya sa paghabol sa bilis maglakad ng naturang lalake.Para bang may hinahabol ito sa tulin ng kilos papunta sa isang gusali, kahit alinlangan pa rin si Luke ay nanatili lang siyang nakasunod dito.Humahangos na siya nang makarating sila sa loob ng isang silid sa nasabing lugar, muntik pa siyang mabangga sa pader dahil sa kaunting liwanag na nasa lugar.Naabutan niya na lang ang kasama na abala ng nakatayo sa isang gilid ng nasabing kuwarto, al
"Sigurado ka bang ayos lang kayo dito?" Todo usisa siya kung ayos na ba at kumpleto ang mga iniwan na gamit roon."Oo naman te." Palo na lang ng kaibigan sa kanyang balikat.Napanguso na lang siya ng bagya sa nakangiting anak. "Miko, papakabait ka ha, aalis lang sandali si mama," haplos niya sa pisngi nito.Malambing naman itong kumaway sa kanya. "Babay mama!"Kahit labag sa loob ay ngiting kumaway na lang rin siya rito at agad ng lumabas, dahil sa pagkakapanatili ng tingi nsa anak ay hindi na niya nakita ang dinaraanan hanggang sa mapasubsob na lang siya sa matitikas na dibdib ng isang matangkad na lalake."Hi there!" masayang saad nito nang mag-angat si Freyja ng tingin.Ganoon na lang ang pagkatulala niya nang maaninag kung sino ang kanyang nabangga."Hi po," medyo aligaga pa siyang bumati dahil sa pagkagulat sa lalake.Naroon ang kaba at takot sa kanya, subalit may kung anong gaan ng loob ang nadama niya nang mas masilayan ang makulit at malabata nitong ngiti nito."Nandiyan ba si
"Sir Luke!" Napakapit na lang siya ng mahigpit sa punda ng kama, dahil sa lalong pagbilis ng bayo nito mula sa kanyang likuran.Napasubsob na siya sa higaan dahil sa panghihina ng mga kamay at lalong paglakas ng kumakalat na sensasyon sa kanyang katawan, ni hindi niya na pinansin pa ang bahagyang pagpalo ng amo sa kanyang pwetan."What, you like that don’t you?" ngising sambit nito.Humahangos na ang lalake dahil sa walang humpay na pagkadyot sa kanya. Ilang sandali pa at tuluyan na silang hindi nakapagpigil.Nadama niya na lamang ang pagsasagad ng amo sa kanyang kaloob-looban hanggang sa tuluyan na itong manigas at bigla na lamang dumagan sa kanya.Hindi na rin niya kinaya ang sobrang antok at pagod kaya naman unti-unti na siyang nagpaubaya sa panghihina at tuluyan ng nakatulog.Nagising na lamang siya nang mabatid ang sinag ng araw na sumisilip mula sa siwang ng kurtina ng binatana. Isang malalim na paglunok na lamang ang nagawa niya nang mabatid ang mga nakapulupot na kamay sa kany
"Pare bakit parang ang bugnutin mo ngayon," sambit na lang ni Jordan.Napataas na lang siya ng isang kilay sa tinuran ng kaibigan, naroon pa rin kasi ang kung anong inis sa kanya ng mga oras na iyon."Tigilan mo ko tol." Busangot niya dito.Napanguso na lang ito sa inasal niya. "Kita mo na!" turan na lang nito.Isang malutong na batok na lang ang ibinigay niya sa kaibigan. "Wag ka ng dumagdag sa problema ko!" sita niya na lang.Napanguso na lang si muli Jordan sabay haplos sa noo na natamaan. "Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin si Celina?" sambulat na lang ito nang hindi na siya magsalita.Ganoon na lang ang pagsasalubong ng kilay ni Luke sa binanggit ng kaibigan, naroon ang mabilis na pagkapikon niya dahil hindi na nga niya naiisip ang bagay na iyon, pero muli tuloy niyang naalala ng dahil dito, kaya naman isang matalim na titig ang ibinaling niya sa kabarkada para patahimikin na ito."Sabi ko nga eh, tatahimik na ako." Napasalukosok na lang ito sa gilid ng kanyang kotse.Nakonsens
"Hoy ateng, bakit kanina ka pa hindi mapakali diyan," sita na lang ni Porsya sa kanya.Magdadapit hapon na subalit wala pa rin si sir Luke kaya naman hindi siya mapakali sa kakahintay sa may harap ng bahay."Anong oras na kasi Porsya, bakit wala pa rin sila?" muli na lang siyang sumilip sa labas. "Baka kung ano na nangyari." Hindi niya mapigilan ang mag-alala dahil ni tawag ay walang natatanggap sa amo.Hindi niya malaman kung ayos lang ba ang dalawa lalo pa at napakakulit ng kanyang anak.Napahalukipkip na lang si Porsya sa pagka-aligaga ni Freyja. "Jusko naman ateng, hindi naman papabayaan ni sir si Miko, tsaka palagi naman silang umaalis kahit noon nandoon tayo sa Manila," sambit nito.Ngayon kasi ang nagpapabalik-balik sila sa Maynila at doon, kapag ipinapatawag ni mam Lucy. Madalas pa nga ay nakasunod palagi si sir Luke nila, kung kaya’t ito na ang nakalakihan na kasama ni Miko, dahil na rin sa madalas na pagsama nito."Alam mo naman kung gaano kalikot si Miko..." Natigilan lang
"Ateng, parang ang blooming mo yata ngayon?" pansin ng kinakapatid sa kanya habang nagsusuklay ng buhok.Napataas na lang tuloy siya ng isang kilay. "Huh? Bakit ako, eh ikaw itong todo ayos." Muli na lang siyang bumalik sa paghuhugas ng plato.Napangisi na lang si Cilfford na mukhang may naalala. "Wala lang."Winisikan niya na lang ito ng tubig nang mapansin na nananaginip nanaman ito ng gising. "Tigilan mo nga ako Clifford, ikaw itong natutulala diyan," natatawang sita niya na lang."Ay!" humahagikgik na lang itong napatili sabay sumawsaw rin ng kamay sa batya para gantihan siya."Freyja!" Naestatwa na lang sila nang madinig ang amo.Madalian silang nag ayos ng mga sarili nang makita ito sa tabi nila at halata ang pagtataka sa mukha."Sir?" agad siyang nagpunas ng sarili, pero hindi niya magawang maitago ang hiya dito."Hi sir," singit na bati na lang ni Porsya dito."Oh Clifford, buti nandito ka ngayon" sagot ni sir Luke bago bumaling muli sa kanya. "Freyja magbihis ka, aalis tayo,"
Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay
Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni
Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang
Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.
Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.
Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.
"Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.
"Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang
"Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan