Home / Romance / His Circus / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of His Circus: Chapter 51 - Chapter 60

66 Chapters

Chapter 51 Guarding

Walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha habang nag-iimpake ng mga gamit nila, wala siyang ibang maisip ng mga oras na iyon kung hindi ang umalis at magpakalayo-layo. Pinaglaruan at pinapa-ikot-ikot lang pala siya ng amo, ang masaklap pa roon ay ang katotohanan na mayroon pa talaga itong video ng naturang pangyayari. "Mama, bakit ka po naiiyak?" saad na lang ni Miko. Napatingin na lang siya sa anak na kumakalabit sa kanya, pilit lambing siyang inaalo nito.Parang mabilis na sumapak sa kanya ang realisasyon nang mapansin ang hawig ng anak kay sir Luke. Napatakip na lang siya ng mukha upang maitago ang matinding dalamhati sa bata, pero hindi niya napigilan ang mapahagulgol sa tindi ng sama ng loob. Ganoon na lang ang pagkadurog ng puso niya sa katotohanan na sumambulat sa kanya na nasa likod ng kabaitan nito sa kanila. Pinilit niya na lang pakalmahin an
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

Chapter 52 Mission

"Ano nanaman to pare?" gulat na saad ni Jordan sa ibinigay niya. Kusot na kusot pa ang mukha nito habang iniaangat iyon para pagmasdan ng mas maayos. "Basta suotin mo na lang iyan tol," bara niya na lang sa kaibigan. "Pero ang init nito!" ngusong reklamo nito na para bang batang nagtatantrums. Ipinapagpag pa nito ang naturang bagay para ipakita sa kanya ang bigat. "Wag ka na ngang umarte, kala ko ba tutulungan mo ko!" sermon niya rito habang isinusukat na ang isusuot. "Pwede ka naman kasi mag-sorry na lang, kausapin mo ng maayos si Freyja," turan nito. Napasimangot na lang siya sa sinabi ng kaibigan, iyon nga naman kasi ang bagay na gusto niyang gawin nitong mga nakaraan araw, ngunit sadyang hindi niya magawa dahil na rin sa takot. "Iyon naman talaga ang plano ko eh, kaso iyong si Lucy, panira eh, ayaw ako payagan, kesyo hindi pa raw hand
last updateLast Updated : 2024-10-04
Read more

Chapter 53 Cases

"Mama, tingnan mo ito!" masayang tawag ni Miko. Malapad ang ngiti ng kanyang anak habang kumakaway, tuwang-tuwa itong nagtatampisaw sa tubig habang naliligo sa ulan kasama si Lucien, siya at ang kinakapatid ang kasalukuyang nagbabantay sa mga bata. "Alam mo ateng, hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo," nakangusong saad nito habang nakahalukipkip sa tabi niya. Batid niyang seryoso ang kinakapatid dahil sa kunot na pagkakakunot nito ng noo habang nakatingin sa anak niya. "Ano bang sinasabi mo Clifford." Hindi niya maintindihan ang dahilan ng init ng ulo nito ng araw na iyon. "Sabihin mo nga, bakit mo ba pinapahirapan ng ganoon si sir Luke?" Nagtaas na ito ng isa kilay pakabaling sa kanya. Napakagat labi na lang siya sabay lihis ng mata sa makahulugang titig nito. "Wa-wala naman ako ginagawang ganoon, si mam Lucy ang may gusto noon." Naroon p
last updateLast Updated : 2024-10-05
Read more

Chapter 54 The reason

"Wala ba siya talagang nasasabi sa iyo?" turan niya na lang, namamawis na siya sa loob ng silid kahit mayroon naman aircon doon. "Tol, sabi ko naman sa iyo, ginawa ko na ang lahat, pero talagang walang alam si mam Elle," maktol ng kaibigan, pabulong lang ang salita nito dahil halatang patago ang pagsagot sa kanya. "Baka naman kasi masyado ka nanaman na-di-distract!" irritable niyang sita. Kilala niya ang kaibigan at alam niya kung gaano ito kadaling mawala sa sarili. "Ma-mamaya na lang, nandiyan na siya," tarantang saad nito. Hindi niya na nagawang magsalita pa nang marinig ang busy tone mula sa telepono. Napabuntong hininga na lang siya habang tinitingnan ang hawak, hindi niya tuloy napigilan na ikuyom ang ang palad sa hawak dahil sa pagka-irita. "Malas!" Napatiim bagang na lang siya sabay pikit nang bumukas na ang pinto ng elevator. Mal
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

Chapter 55 Visitations

"Ay!" Ganoon na lang ang kanyang sigaw. Sabay-sabay na napatili na lang ang lahat ng naroon nang masagi niya ang baso sa kanyang tabi habang kumakain sila. Mayroon parang sumuntok sa kanyang dibdib na nagdulot ng kakaibang kaba kaya’t tila hindi na niya napansin iyon. Ilang sandali siyang natulala sa piraso ng mga bubog sa sahig dahil na rin sa kakatwang pakiramdam na biglaan na lamang lumukob sa kanya. "Ateng, hoy!" tila parang malayo at alingawngaw na lang ang tawag ng kaibigan dahil sa lalim ng isipan ni Freyja ng mga sandaling iyon. Wala sa sarili na lang siyang napalingon kay Porsya nang tapikin na siya nito. "Ano iyon?" parang walang buhay at tulala pa rin ang kanyang mga mata nang bumaling sa kaibigan. Ganoon na lang tuloy ang pagkusot ng mukha nito. "Ayos ka lang ba?" alalang saad ng kaibigan. Wala pa rin siya sa wisyo ng ip
last updateLast Updated : 2024-10-07
Read more

Chapter 56 Forgive him

Matapos matanggap ang tawag ni mam Lucy nila ay dali-dali silang naghanda para magtungo sa hospital na pinagdalhan kay sir Luke. Nang makadating doon ay pinauna niya na sina Clifford at Porsya, kinailangan niya pa ng ilang oras para maproseso ang mga nangyayari kaya’t nanatili na muna siya sa labas ng gusali. Nang makahupa ay agad na siyang pumasok roon, pero wala pa rin tigil ang panginginig niya, kahit naglalakad na siya sa pasilyo.Mahigpit ang naging kapit niya kay Miko hanggang ng mga sandaling iyon dahil ito ang tila nagpapanatili ng kanyang lakas. Nadatnan niya na nasa labas pa ang dalawang kasama, tahimik lang ang mga ito habang pasilip-silip sa isang kuwarto roon. "Ateng!" salubong na lang ni Porsya sa kanya. "Kanina ka pa namin hinihintay," pilit ngiting bati naman ni Clifford. "Mama, bakit po tayo nandito?" Hatak na lang ni Miko sa dam
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

Chapter 57 Shock

Ilang linggo matapos ang paggising ni sir Luke ay pinayagan na rin itong makalabas ng hospital. Subalit batid niya ang palaging pagkatulala ng lalake, naroon din ang parte na panaka-naka ang pag-iyak nito kapag nag-iisa. Nabalot na lang tuloy siya ng pagtataka at takot, dahil hindi niya maialis sa isipan na may naidulot na masama sa binata ang aksidenteng nangyari. Pinilit niya na lang ang manatiling kalmado kapag nasa tabi ito kahit puno na ng pag-aalala ang kanyang isipan. Minabuti niya na lang na handaan ito ng masarap na almusal ng araw na iyon. Ipinagluto niya ang amo ng sopas na puno ng sahog at nagpabili na rin siya ng pandesal pangterno rito. May kung anong tuwa siya na nadarama habang paakyat sa kuwarto nito, napalitan lang iyon ng pag aalala nang madinig niya nanaman ang tahimik na paghikbi ng lalake. Dali-dali niyang idinikit ang tenga sa pinto para siguraduhin na walang masamang nangyayar
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

Chapter 58 After shock

"Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali. Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada. Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin. "Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan. Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong. Natigilan lang siya sa pagtawag nan
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

Chapter 59 Final Consequences

"Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito. Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat. "Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala. "Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford "Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito. "Aray ha!" sita nito sa kaibigan. Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi. "Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

Chapter 60 Clearance

"Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor. Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib. "Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya. Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin. Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila. Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status