DAHLIA “Ako, anak. AB+ ako,” sabi sa akin ni nanay. “Talaga po, AB+ po kayo?” tanong ko kay nanay. “Oo, anak. Ako na ang magdonate sa kanya ng dugo,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Thank you po, nanay. Maraming salamat po,” umiiyak ko siyang niyakap. “Huwag ka ng umiyak. Magiging maayos rin ang lahat. Malakas si pogi at hindi ka niya iiwan.” nakangiti na sabi sa akin ni nanay. “Dapat lang, kasi hindi ko pa siya niyaya na magpakasal.” sagot ko kay nanay. Tinawanan lang ako ni nanay. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Sinamahan ko si nanay ng kuhaan na siya ng dugo. Nakaalalay lang ako sa kanya. Pagkatapos ay kaagad nilang isinalin kay Axel ang dugo. At naging stable na ang kalagayan niya. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin si Axel. Wala rin akong maayos na tulog. Nakaidlip lang ako dahil binabantayan ko siya. “Mister ko, gising na. Sorry, kung ako na naman ang dahilan kaya napahamak ka. Gumising kana, pangako hindi na ako mag-iinarte. Promise, hahayaan na kita na lamb
Last Updated : 2023-12-13 Read more