Mag-isang kumakain ng breakfast ang ina. Wala siyang planong kausapin ito.“Maddison, salamat at binigyan mo ng pagkakataon si Jace. Magaling ang kapatid mo parang ikaw.”“Una at huling pagkakataon ang ibinigay ko sa kanya. Kapag nagkamali siya o may ginawa siyang anomalya, sa kulungan ang bagsak niya.”“Naiintindihan ko naman na nabigla ka at dumating kaming mag-ina sa buhay mo. Gusto ko lang uli linawin na wala kaming masamang balak sa pagdating namin.”“We’ll see. It’s hard to trust anyone these days. Ipinapaalam ko lang din para alam ninyo na dapat ninyong ingatan ang tiwalang ibinigay ko.”“In business, you have to trust first. Tiwala sa kasosyo mo sa negosyo, sa kliyente, sa empleyado, at higit sa lahat tiwala sa sarili mo. Wala kang choice kundi ang magtiwala. Kahit sa mga kasama mo sa bahay, mula sa security hanggang sa tutor ng anak mo, you trust them. Hindi mo sila kadugo. Bakit mo ipagkakait sa amin na tunay mong pamilya ang tiwala mo?”“Minsan mas mapagkakatiwalaan pa ang
Magbasa pa