Kimberly Ann Martinez“Ate, na-miss ko kayo sobra,” napaiyak na sabi ni Karylle habang yakap ako. “Talaga? Parang hindi naman eh,” pang-aasar ko sa kanya kahit ang totoo ay naiiyak din ako. Mahigit limang taon ba naman kaming hindi nagkikita. “Oo kaya. Ang hirap mag-isa sa totoo lang. Para akong nasa abroad na tiniss na hindi kayo makita. Ang kaibahan nga lang di hindi ako makapag padala ng pera sa inyo,” sabi niya. “Parang sira to ai. Syempre kailangan mo din ng pera dito kasi lahat ng nakikita mo rito ay kailangan bilhin. Hindi katulad namin sa probensya na makikita lang sa paligid ang mga kinakain,” sabi ko sa kanya. “Di bali ate Karylle, mula ngayon ay magkasama na tayo,” sabi naman ni Kyla at nakiyakap naman sa amin.“Oo naman. Ngayong malapit na akong makapagtapos, pangako. Hindi na tayo maghiwalay,” sabi ni Karylle. “Tamang-tama ang pag-uwi nyo, Makaka-attend kayo sa graduation ko.”Akmang sasagot pa sana ako ng tumikhim si Jonathan. “Let’s go. Malapit ng dumilim sa lab
Huling Na-update : 2024-02-02 Magbasa pa