Kimberly Ann MartinezIT’s my third day sa kumpanya ni Jonathan. Ang tanging ginawa ko lang ay ang basahin ang mga files na dinala ng lalaki dito sa opisina. Ewan ko ba kay Jonathan, sa halip na bigyan niya ako ng trabaho na may kinalaman sa kumpanya ay ito ang pinapagawa niya. Ang basahin ang mga files na ito. Sumakit nga ang ulo ko dahil sabi niya, kailangan ko daw tandaan ang lahat ng narito. Lalo na ang mga boss doon. Pati mga board members ng kumpanya, shareholders, investors, kahit ang position nila. Pati mga empleyado ay kailangan ko pag-aralan.“Haizt, ayoko na. Bakit kailangan kong pag-aralan ang lahat ng ito, eh, wala naman akong kilala dito,” reklamo ko sa kanya. “You need it, babe. Next month ay annual meeting ng Martinez Corporation. Isasama kita doon para makilala ka naman nila,” sagot ni Jonathan sa akin.“Ano?! Bakit mo naman ako isasama doon? Gusto mong masabunutan ako ng mga tao doon?” bwelta ko sa kanya. Natatawa naman siya sa sinabi ko.“Hindi yan, babe. Isa pa,
Last Updated : 2024-02-07 Read more