THIRD PERSON POV:"May ibebenta akong sayong babae isang million ang halaga." alok ng isang lalaki sa kanyang kausap na lalaki na halata mo na mayaman ito.Nasa auction sila ngunit ang isang lalaking ito ay naghahanap ng pera para ipangsusugal na naman sa casino. Ang buhay niya ay umiikot lang sa casino wala s'yang trabaho or part time job man lamang, ang casino lang ang napapasaya sa kaniya. Mayaman naman sila ngunit hindi siya pinagbibigyan ng kanyang asawa kaya wala siyang naisip kundi ibenta ang isang babae na nakita niya walong taon ang nakakalipas."Hindi ako interesado, may asawa at anak ako." saad naman ng isang lalaki na ikinayukom niya. Kanina pa siya naglilibot kung may interesado sa ibebenta niya ngunit wala, halos tatlong oras na siyang nandoon.Napasabunot na laman siya ng kaniyang buhok at nilisan ang auction at dumiritsyo sa casino kung saan lagi n'yang pinupuntahan. "Oh pare bakit hindi maipinta yang mukha mo?" bungad sa kanya ng kanyang kumpare sabay akbay sa kani
Magbasa pa