Isang napakagandang umaga ang bumungad kay Ethyl. Ito yung unang araw kung saan simula na nang katuparan nang kanyang mga pangarap. Interview niya sa isang sikat at prestihiyosong kompanya nang bansa. Nasa harapan lang naman niya ang isang napakalaking gusali na bakas ang pagiging successful nito sa larangang napili. Ang MRTZ Empire ang kinikilalang napakatayog na negosyo sa buong bansa. Papasok na siya nang biglang makabungguan niya ang isang lalaking nagmamadali na may hawak na coffee. "Sorry, sorry po miss , pasensiya na talaga nagmamadali kasi ako,"Bakas sa mukha nito ang pagkataranta. Napakabilis nitong nawala sa harapan niya ni hindi man lang nito tinanong kung kumusta siya , kung di ba siya napaso o ano. Biglang nainis si Ethyl. Badtrip! Napaka naman talaga oo! Malas na agad ang sumalubong sa kanya sa araw na to. Hindi sana magtuloy tuloy ang kamalasang ito hanggang sa interview niya. Nakarating siya sa taas na laman pa rin nang isip niya ang lalaking yun na may kasamang in
Last Updated : 2023-10-14 Read more